Chapter 10

29 4 0
                                    

"Driver safe, Jovanna." Nakangiti ko paring paalala sa kanya.

Kumaway lang siya sakin at mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan paalis. Nang tuluyan siyang nawala sa paningin ko ay dun ko lang binuksan ang gate para makapasok na ako sa loob ng bahay at maibigay ko narin sa asawa ko ang divorce paper na ibinigay sakin ni Attorney Areo kanina lang.

Pumasok ako sa loob ng bahay at katulad ng laging kong nadadatnan ay ang asawa kong nakaupo lang sa sofa ng sala, wala akong idea kong anong ginagawa niya jan. Nang mahagit ng aking mga mata ang isang bottle ng alak sa may lamesa ay dun ko lang nalaman na umiinom pala siya.

Hindi ba siya pumasok sa trabaho niya? Mukha kasing kanina siyang umiinom lang dito sa bahay at walang ginagawa. Wala kasing linis at ang kalat-kalat pa ng buong bahay na akala mo isang linggong walang naglinis dito. Mabilis akong lumapit sa kanya, habang hawak-hawak ko ang papel sa aking isang kamay habang ang isa ko namang kamay ay isang ballpen.

Alam kong nakita niya ako dahil mabilis siyang sumulyap sakin, isinandal niya ang kanyang likod sa sofa habang nakatingin lang sakin at hinihintay ako. Walang emosyon lang siyang nakatingin at para bang ayaw niya akong makita at parang nasisira ko ang kanyang buong araw pag nandito ako s aloob ng bahay. At wala naman siyang magagawa kundi ang makasama ako dahil ako parin ang asawa niya.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay dun ko lang inabot ang hawak-hawak kong divorce paper. Nakatingin lang ako sa kanya, alam kong ito naman ang kagustuhan niya simula una palang. Kaya nandito ako ngayon sa kanyang harapan para pagbigayn ang gusto niya.

Mabilis niyang kinuha sakin ang papel na yun at mabilis niyang binuksan iyon. Binasa muna niya yun bago siyang tumingin sakin na may ngiti sa kanyang labi, hindi ko na kailangan pang itanong sa kanyang kung bakit siya nakangiti dahil alam ko na.

At katulad ng inaasahan ko ay mabilis niyang pinirmahan ang divorce paper naming dalawa. Nakangiti niyang ibinalik sa akin ang papel at kaagad siyang tumayo mula sa kanyang kinauupan. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil umalis siya.

Nakita kong umakyat siya sa second floor ng bahay at hindi ko alam kung bakit. Akala ko iniiwasan niya lang ako pero nagkamali ako, dahil hindi nagtagal or hindi umabot ng isang minuto ay nakita ko siyang may hila-hilang maleta sa kanyang kaliwang kamay.

Nagtataka pa akong nakatingin lang sa kanya. Nang tuluyan na siyang makababa sa hagdanan ay dun lang siyang masayang ngumiti sakin habang ako naman ay naka-kunot noong nakatingin at nakamasid lang sa kanyang kinikilos.

Kaagad niyang inabot sakin ang maletang dala-dala niya. Hindi ko pa tinaggap yun dahil nagtataka ako sa kanyang kinikilos. Hindi rin mawala sa kanyang mga labi ang masayang ngumiti na nakakainis tignan at gusto kong burahin yun, pero wala akong magagawa.

"Leave my house now." Nahahalata mo sa kanyang boses na sobrang saya siya.

Nanatili akong nakatitig lang sa kanya. Alam ko namang darating ang araw na papaalisin niya ako sa bahay na ito at hindi na ako nagulat pa dun. Inaasahan ko na ang lahat, at alam ko rin na ang pag-alis ko din ang bubuhay sa loob niya, hindi nga ako nagkamali sa mga hinala ko.

Walang salita kong kinuha sa kanya ang maleta, hindi ko alam na nakaayos na pala ang lahat sa pag-alis ko. Nakita ko pa ang reaksyon na pagkatapos kong kunin ang maleta.

"Nakakapani-bago ka." Kasabay ng pagsabi niya nun ay ang pagtawa niya ng malakas.

"Ano! Naubusan kana ba ng mga sasabihin mo ah!" Malakas niyang sigaw.

Kaysa sabayan ang pagsigaw niya at mag makaawa sa kanya na wag akong paalisin sa bahay na ito ay nanatili akong walang emosyon na nakatitig lang sa kanya. At nakikita ko sa kanyang itsura na naiinis siya, dahil lang sa tahimik lang ako. Dala ng galit niya sakin at pati narin ng anak.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now