Chapter 4

22 4 0
                                    

"Ang basura ay nanatiling basura, kahit i-recycle kapa ng asawa ko ng paulit-ulit. Wala kang magagawa, basura ka lang."

Pagkatapos kong sabihin ay malakas ko pang hinila ang kanyang buhok bago ko iyon binitawan, wala na akong pakialam kung makalbo siya ngayon sa harapan o hindi. Gusto ko lang malaman niya kung saan siya lulugar. Kitang-kita ko sa salamin kung paano nanlisik ang kanyang mga mata.

Taas noo at walang emosyon akong tumingin sa kanya, kulang pa nga yan dapat ang gawin sa kanya ay bugbugin para madala siya diba. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakatanggap ng kamay na bakal sa asawa ko. Siya ang dahilan kung bakit ganito ang pakikitunog niya sakin.

Kulang na kulang pa ang sabunot ko sa kanyang buhok sa lahat ng ginawa niya at paninira ng relasyon. Gustong-gusto kong patayin siya mismo sa harapan ko. Mabilis siya lingon sakin at ngayon ay magkaharapan na kaming dalawa. Sinamaan niya ako ng tingin yung nakamamatay, pero walang epekto sakin yun.

Magsasalita pa sana siya, kaso naunahan ko siya dahil ang isa kong palad ay mabilis na dumampi sa kanyang pisngi. Hindi pa ako nakontento dahil mas lakas pa ang ginawad kong sampal sa kabilang niyang pisngi.

"Wala kang karapang magsalita, tandaan mo hayop ka lang." Buong tapang kong sabi sa kanyang makapal na mukha.

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pamumula ng kanyang pisngi. Dagdagan ko pa sana ang pagsampal ko sa kanya. Pero wala dun ang atensyon ko dahil kaagad nahagip ng aking mga mata ang nasa kanyang isang daliri.

A ring.

Hindi ko na kailangan pang magtanong sa kanya kung kanino galing ang singsing na yan. Hindi naman ako tanga at pinanganak lang kahapon para hindi malaman kung kanino galing yun. Ikinuyom ko ang aking kamao para pigilan ang emosyon ko, nang makita ko yun para akong sinaksak ng pauli-ulit. Halos madurog ang puso ko ng makita ko yun, gusto ko nalang mapaupo dito at umiyak dahil lang sa nakita ko.

Pero, naisip ko hindi dapat ako maging mahina sa harapang ng babaeng ito. Kaya ang ginawa ko nalang ay umalis ako ng bathroom at iniwan siya dun. Wala na akong pakialam kung magsumbong siya principal o hindi, wala akong pakialam pa. Bagay lang sa kanya ang ganun, para naman maramdaman niya ang mga naranasan ko.

Wala sa sarili akong naglakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Habang naglalakad ako ay siya naman pagpunas ko sa aking luha, hindi ko alam kung bakit ako biglang napaiyak lang. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang gusto ko nalang magkulang sa bahay. Para din akong masisiraan ng bait, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

Bakit naman ganito ang tadhana ko? Sa lahat bakit ako pa, gusto ko lang naman maging masaya sa buhay ko diba. Alam kong maraming nakatingin sakin ngayon dahil sino ba namang hindi mapapatingin sakin kung may isang babaeng bigla-bigla nalang iiyak habang naglalakad diba. Ako lang ata ang taong yun.

"Bye, class see. You on Monday." Masayang kong sabi sa mga bata.

"Goodbye, Teacher Averie!" Magkasabay-sabay nilang sabi sakin.

At dala-dala nila ang kanilang bag sa kanilang likod. Napatingin ako sa labas at nakita ko ang kanilang mga magulang na naghihintay sa kanilang lahat. Hindi ko maisawang mapangiti dahil lang dun. Isa-isa ng nagsilabasan ang mga estudyante ko para makauwi na silang lahat. Ako naman ay nag-aayos ng mga gamit ko para makauwi na rin ako, gusto ko na kasing magpahinga sa kama.

At hanggang ngayon mabigat parin ang pakiramdam ko, peo nagpapasalamat ako sa aking saarili dahil nagawa ko paring maging masaya kahit na saglit na panahon lang. Alam na alam ko pagkauwi ko sa bahay ay ganun lang din ang magiging sitwasyon ko. Ang kaso nga lang nakakalungot sa bahay, hindi katulad dito.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now