Chapter 23

13 4 0
                                    

Hindi na sana ako sasama kay Mommy dito, at diretso ako ng kompanya para naman matapos kona ang pinapagawa sakin ni Daddy. Dahil napapagod na ako, hindi ko magawang tumangi sabi naman ni Daddy ay oarang training na rin sakin lahat ng ito. Kaso pinipilit niya akong sumama

"We have nine hundred guests." Narinig kong sabi ni Mommy.

Inaasikaso kasi niya ngayon ang mga guest na pupunta bukas. Ang bilis lang ng panahon. At kasama ako ni Mommy ngayon dito sa event place kung saan gaganapin ang magardong announcement party. Inaayos na kasi ni Mommy ang lahat, habang ako naman ay taga-tingin lang.

Maayos at naibigay na rin ang aming pre-invitation card para sa gaganapin na announcement party. Kaya wala na kaming problema, bali bibisitahin na lang namin itong place. Sinabi din kasi samin na mabilis lang daw gumawa ang mga tao dito. Kaya nandito kami ni Mommy ngayon.

"Mom, that's a lot." Mahina kong bulong sa kanya.

Mabilis siyang ngumiti sakin. "It's fine."

"Ma'am, what's the theme of the party?" Tanong ng organizer ng party.

Tumingin sakin ni Mommy na para bang sinabi ng kanyang mata na ako dapat ang pumili ng theme. Gusto kong maiba naman at hindi lang yung simpleng announcement party. Nakangiting tumingin sakin ang babaeng kausap ni Mommy kanina habang hinhintay ang sasabihin ko.

"Masquerade party." Gusto kong ako lang ang kilala nila sa araw na yun at hindi ang paligid nila.

Parehas naman silang sumang-ayon sa desisyon kong yun. Ilang minuto pang nagusap si Mommy at nung babae. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa at tinignan ang buong paligid. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ng aking mga mata. Napa-elegante ng buong paligid at para bang nasa isang palasyo ako.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin, pagkatapos ng announcement party. Siguro sandamakmak na trabaho ang aabutin ko. Napatulala ako ng may maalala akong tao at nakakausap ko nung high school pa ako.

"Sometimes you need to face the reality of this world." He said like a philosopher.

Nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung isa ba siyang nerd natao o sadyang malabo lang ang kanyang mata. Pero kahit na ganun, nagmumukha parin siyang maayos sa paningin ko. Ang kapal ng salamin niya na para bang kahit ihagis mo yun ng paulit-ulit hindi yun masisira.

"You're glasses is thick." Wala sa sarili kong sabi.

At dahil nakatagilid siya sakin at ako naman ay nakaharap sa kanya. Mabilis niya akong nilingon, akala ko magagalit siya sakin dahil sa sinabi kong yun. Pero nagkamali ako, dahil tinanggal niya anv kanyang salamin at isinuot yun sa mismong mata ko.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang titigan ako saglit at ganun din ang ginawa ko. Ilang sandali ang nakalipas at bigla lang kaming dalawang natawa.

"You look nerd with my glasses." Natatawa nitong sabi sakin.

"It's yours, so it means you are," I said with a grin.

Mabilis akong tumayo, nagtataka niya akong tinignan. Malawak akong ngumisi sa kanya sabay takbo pa-ikot, winagayway ko ang kanyang makapal na salamin habang tumatakbo. Akala ko hindi niya ako papansin, pero mali ako dahil kaagad siyang tumayo at hinabol ako. Ang ending naming dalawa dito sa rooftop ay takbuhan, hindi na namin napansin ang aming mga dalang lunch box.

Parehas ako ng school uniform, pero hindi kami magka-classmate. Dahil nasa kabilang section siya. Madalas kaming nagkikita dito sa may rooftop. Hindi kasi ako pumunta sa canteen dahil may laging pinapabaon sakin si Mommy. Kaya ako nandito sa rooftop tuwing recess.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon