Chapter 8

24 4 0
                                    

"Bye, Teacher." Kaway at paalam na sabi sakin ng isa kong estudyante.

Ngaumiti at kumay lang din ako sa bata habang hawak-hawak nito ang kamay ng kanyang ina at sabay silang umaalis sa class room. Kakatapos lang ng klase ko sa mga bata, half day lang kasi sila at hindi silay pwedeng magdala sa paaralan at baka kung ano-ano pa ang gawin nila dito.

Abala ako sa pag-aayos ng mga ginamit kong gamit, malinis naman na yung buong room dahil tumulog sakin maglinis ang ibang mga magulang ng mga estudyante ko. Kaya ang aayusin ko nalang ay ang mga gamit dito sa aking lamesa. Hindi naman ako nagtagal sa pag-aayos ng bag ko at ang mga ginamit kong books at ibang pang gamit.

Nang matapos kong mailagay sa aking table ang aking mga gamit ay hindi na ako nag-sayang pa ng oras at nagmadali na akong lumabas ng eskwelahan. Panay ang tingin ko sa aking cellphone at tinitignan kung anong oras na. Hindi ako pwedeng malate, nakakahiya naman sa kanya diba? Kahit na ganun ay may kaunting hiya parin ako sa katawan.

Nasa ganun akong katayuan at naghihintay ako ng masasakyan papuntang kompanya ni Attorney ng biglang kumulo ang tiyan ko. Hudyat ko na nagugutom na ako, kahit na nagugutom ako ay wala akong balak na kumain dahil mas importante ang pupuntahan ko, at chance ko na rin iyon para makiusap sa kanya dina. Ayaw ko namang sayangin ang opportunity.

Hindi naman naging matagal ang paghihintay ko ng masasakyan, dahil sa tingin ko mabilis lang yun. Nang tuluyan na akong makasakay sa sasakyan ay nasa cellphone ko lang ang tingin ko. Mabilis kong sinabi sa driver kong saan ang destination ko. Nag-dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Jovanna ang problema ko hindi. Ayaw ko namang magtampo sakin ang kaibigan ko, dahil lang sa simpleng bagay na yun.

Kaya kahit na nagdadalawang isip ako ay mabilis ko siyang tinawagan. Alam kong busy siya, dahil isa siyang sikat na model at madami siyang appointment. Kaya okay lang kung hindi niya masasagot ang tawag ko ngayon. Naka-ilang tawag ata ako sa kanya, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kaya naisipan ko nalang na mag-text sa kanya.

'I need to tell you something. Call me if you read this message.'

Pag-text ko sa kanya. Hindi na ako naghintay pa ng reply sa aking kaibigan at mabilis kong ipinasok sa loob ng bago ko ang aking cellphone. Basta ko lang napasandal ang aking likod sa may sasakyan at nagbuntong hininga ako. Alam ko sarili kong pagod na pagod na ako sa lahat. Pero, mas pinili ko paring lumaban, kahit na maraming hadlang at problema sa buhay ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata ng ilang sandali, nasa ganun akong posisyon ng biglang nagsalita si Manong driver sa unang driver's seat.

"Ma'am nandito na po tayo."

Mabilis kong imunulat ang aking mga mata at napatingin ako sa may binta para kumpirmahin kung nandito na nga ba talaga kami. At hindi niya si Manong nagkakamali dahil nasa mismong tapat kami ng kompanya ni Attorney. Nakaupo lang ako ng bilang kumulo na naman ang tiyan ko.

Hindi ko nalang iyon pinansin ang pagkulo ng tiyan ko at mabilis akong nagbayad kay Manong, at lumabas na ako ng sinasakakyan ko. Nang tuluyan na akong makababa, nakatayo lang ako dun. Hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob o hindi. Nagmamadali ako pero bakit parang gusto ko munang kumain? Ang gulo din ng isip ko diba.

Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa ng biglang may humawak sa balikat ko mula sa aking likuran. Kaagad akong lumingon sa taong humawak sa balikat ko, malay ko ba diba. Baka bigla akong holdapin dito. Wala talagang tutubos sakin. Hindi ko maiwasang matawa ng mahina dagil lang sa aking iniisip. Nababaliw na ata ako.

"What are you laughing at?" Solid na pag-eenglish niyang tanong sakin.

Dun lang ako napabalik sa aking sarili ng marinig ko ang boses na yun. Kumukurap ang aking dalawang mata habang nakatingin lang sa kanya. Bakit ba ang gwapo niya tignan, hindi ko na kailangan pang pagmasdan ang buong katawan niya para masabi kong napak-perfect niyang nilalang sa aking harapan. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa kanyang mukha, hindi ko alam pakiramdam ko kasi may tumutulak sakin na titigan lang siya at mag-mukha akong tanga sa kanyang harapan.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum