Chapter 11

19 4 0
                                    

Hindi ko maiwasang titigan siya habang tahimik lang si Attorney na nagmamaneho. Bakit ba ganyan ang trato mo sakin? Hindi ko maintidihan kung bakit? Ginagawa mo lang ba ito dahil gusto mo? O hindi naman kaya ay may nag-utos sayo para gawin ang mga bagay na labag naman sa kalooban mo. Ang dami kong tanong sa isip ko na siya lang ang makakasagot.

Habang tinatahak naman ang kalsada ay nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Nakatitig at para bang pasan-pasan ko ang buong mundo, yun kasi ang nararamdaman ko ngayon. Nasa ganun akong posisyon ng bigla kong naramdaman ang mainit na likidong dahang-dahan pumapatak sa aking mga mata baba sa aking pisngi. Hinayaan ko lang ang mga luhang kung pumapatak, mahina akong humikbi.

Alam kong nakikita ni Attorney ang itsura ko, pero wala na akong pakialam pa sa kanya. Ang mahalaga sakin ngayon ay mailabas lahat ng nararamdaman kong sakit. Akala ko matapang na ako, yun pala hindi pa. Mahina parin ako, katulad dati. Nanatili lang akong nakatanaw sa labas habang patuloy paring tumutuloy ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung ilang minuto na naming tinahak ang daanan, dahil wala ako sa aking sarili. Naramdaman kong huminto ang sasakyan, kaya mabilis akong napatingin kay Attorney sa aking tabi. Nagayon ko lang din napansin na nakatingin din pala siya sakin at pinagmamasdan ako. Tinitigan ko lang siya, at ganun din ang ginagawa niya. Wala akong idea kung bakit lang ako nakatitig sa kanya.

Meron kasi sa kanyang mga mata na hindi maalis nag tingin ko, at para bang sinasabi pa ng kanyang dalawang mata na mas lalo ko siyang titigan. Mabilis akong nagiwas ng tingin ng makaramdamdam ako ng kakaiba. Walang salita kong binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at mabilis na lumabas, para iwasan siya. Alam kong napansin niya ang kinikilos ko yun.

Nang tuluyan na akong nakalabas sa kanyang sasakyan ay siya namang pagsunod niyang labas din. Hindi ko siya pinansin at nakatanaw lang ako sa malaking mansion na nasa aking harapan. Sa sobrang laki, hindi ko alam kung may tao pa bang nakatira sa loob na yan o hindi namna kaya ay may kasama siya jan sa malaki niyang mansion.

"Ikaw lang mag-isang nakatira dito?" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

Hindi man lang ako tumingin sakanya at nanatili nakatanaw sa kanyang malaking mansion. Alam kong nakatitig siya sakin dahil nararamdaman ko ang kanyang mga titig na tumatagos sa buong pagkatao ko. Pero hinayaan ko nalang yun at pinag-sawalang bahala.

"No." Simple niyang sagot sa tanong ko.

Hindi na ako nagsalita pa o nagtanong man lang sakanya. Nanatili akong tahimik lang at hindi inaalis ang aking tingin sa kanyang mansion. Kinalaunan ay kaagad niyang inihakbang ang kanyang isang paa at naglakad na para bang nasa isang fashion show siya. Hindi ko mawari kung sadyang lang ba talaga ang lakad niya o natural yun.

Walang salita akong sumunod sa kanya, kitang-kita ko ang paghila niya ng aking maleta habang ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likuran. Nahihiya kasi ako kaya nasa likuran niya lang ako. At alam kong, alam niya kung bakit ako nandito. Wala pang dalawang minuto ang nakalipas at mabilis naman kaming nakarating sa tapat ng malaking pintuan.

Hindi kalayuan akong humito, nanatili lang ako nakatayo habang siya naman ay may pinipindot sa may main door. Nag hintay lang akong matapos siya sa paglagay ng passcode niya at tahimik na nakatingin sa kanyang malapad at matipuno niyang likuran. Nang tuluyan niyang mabuksan yun, kaagad siyang lumingin sakin na kinagulat ko.

Nanlaki ang aking mga mata ng mabilis niyang hinatak ang pulso ko. At dahil nga nakatayo ako, hindi kalayuan sa kanya ay kaagad niya lang akong hinila na para bang papel lang ako sa kanya. Walang pasabi niyang hinila. Hindi parin ako makapaniwala habang nakatitig lang sa kanyang mukha. Walang salita o kahit na anong ingay ang narinig ko mula sa kanya.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now