Chapter 7

30 4 0
                                    

Kung kaya kong magtiis sa lahat ng panakit ng asawa ko at kung ano-ano pa, basta lang makaipon ako ng sapat na pera para sa pag-file ko divorce paper naming dalawa. Magiging tanga at bobo, tiisin ko dahil alam kong makakawala din ako sa kanyang kamay na bakal. Nasa ganun ako sitwasyon, tulala at wala sa sarili ng biglang may humila sa aking braso dahilan para mapalingon ako sa taong humila sakin.

"Be careful.." I heard someone's voice while pulling my arm.

Ngayon ko lang napansin na malapit na pala akong mahagit ng sasakyan kong hindi lang ako hinila ng taong ito ay baka makahandusay na ako sa kalsada. Bakit ba ang dami kong kamalasan ngayon. Kagagaling ko palang sa hospital tapos babalik na naman ako dun? Wala na nga akong pera lahat-lahat, ganito pa mangyayari sakin. Hindi ko na talaga kakayanin pa.

Tuluyan na akong napalingon sa kanya at nagtataka at itinaas ko ang aking kilay at napatingin sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang buong itsura. Nakasuot siya ng formal at para bang galing siya sa kanyang opisina. Nang tuluyan kong makita ang buong mukha niya ay dun lang nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa kanyang gwapong mukha.

"Attorney...?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"W-what are you doing here..?" Dagdag ko pang tanong.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay mabilis niyang binitawan ang brask ko na para bang na kuryente siya. Nagtataka ko siyang tinignan gamit ang aking mga mata, seryoso at parang galit naman niya akong tinitigan.

Attorney?" Pagtawag ko ulit sa kanya.

Bingi ba siya o sadyang mahina lang ang boses ko? Akala ko magsasalita na siya, pero nagkamali ako dahil tinalikuran niya lang ako na para bang hindi niya ako nakita. Mas lalo akong nagtaka kaya sinundan ko nalang siya.

Naisip ko na baka pwede ko pa siyang pakiusapan tungkol sa malaking pera na gagastusin ko. Dahil sa totoo lang hindi ko talaga kaya ang ganum kalaking pera, kahit magtrabaho pa ako ng paulit-ulit o buong umaaga hanggang gabi. Hindi sapat yun.

"Attorney?" Tawag ko naman sa kanya.

Alam kong naririnig niya ko pero mas pinili niyang tumahimik nalang at nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod lang din ako sa kanya. Patuloy lang sa pagtawag sa kanya hanggang sa nakuha ko ang kanyang atensyon.

Huminto siya sa paglalakad at ganun din ako. Mabilis niya akong nilingon at walang emosyon niya akong tinignan bago siya nagsalita.

"Don't call me like that, Mrs Vergara." Pagtataray niyang sabi at tinalikuran na naman ako.

Ha? Ano bang gusto niyang itawag ko sa kanya? Nababaliw na ata ang lalaking yan. Nang nagpatuloy siya sa paglalakad ay hindi na ako sumunod sa kanya at hinayaan ko nalang siyang makalayo sa aking paningin. Nakatanaw lang ako sa kanya at ang balak kong pakiusapan siya ay hindi ko na magagawa. Nakakahiya din kasi yun, para na akong nagmakaawa sa ibang tao. Hindi ko naman gawin yun. Nang hindi ko na siya makita ay tumalikod nalang din ako at naglakad papalayo.

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Akala ko hindi ko makikita ang asawa ko dun pero nagkamali ako dahil nakita ko siya pagkapasok na pagkapasok ko palang. Kaagad naman niya akong nakita, mukhang hindi na siya nagulat ng makita ako at para bang inaasahan na niyang makikita ang pagmumukha ko.

Pinagmasdan niya ang buong itsura ko, nang makita niyang may benda ako sa ulo ay dun lang sumilay ang ngisi sa kanyang labi na para bang sinasabi ng ngising niyang yun na hindi pa sapat ang bendang yun sa ulo ko.

"You're still alive?" Hindi ko alam kung kabobuhan ba yang tanong niyang yan o nag-aasar lang siya sakin.

"Do I like dead to you?" Ganti kong tanong.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now