Chapter 6

24 4 0
                                    

Para akong inabandona ng asawa, which is totoo naman yun. Hindi ko pinag-kakailang nag-asawa ako ng maaga at pinagsisihan ko ang mga desisyun kong yun. Tama nga ang sinabi ng mga magulang ko, pero bakit hindi ako nakinig sa kanila. At ngayon? Hindi nila ako mapapatawad dahil lang sa iniwan ko sila at pinili ko ang aking asawa, kumapara sa kanilang mga magulang ko.

Nang bumukas ang pintuan ng elevator at makita kong nasa seven floor na ako ay mabilis ako lumabas. Nakatayo lang ako dhn at nakatingin sa mga taong busy na busy sa kanilang mga trabaho. May nakita pa nga akong babaeng patakbong pumunta sa kung saan-saan at para bang nagmamadali na hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong, kung nasaan ang office ni Mr. Arceo. Nakakahiya naman kasing ma-istorbo sila dahil sobrang busy nilang lahat. Nasa ganun akong sitwasyon, nakatayo lang at nakatingin lang sa kanila ng biglang may lumapit sa kinatatayuan ko. Isang gwapong lalaki ang lumapit sakin.

"May kailangan po kayo, Ma'am?" Nakangiti niyang tanong sakin.

Ngumiti muna ako sa kanya bago ako nagsalita. "Yes, do you know where's the office of Mr. Arceo?"

Kagaya ng babaeng nasa front desk kanina ay naglaki din ang mga mata nitong kaharap ko at para bang isang patay na tao ang pangalang binaggit ko. Ano bang meron sa pangalan na yun? Hindi siya nagsalita at nakatulala lang na nakatingin sakin. Mabilis niyang tinituro ang isang desk kung saan nandun ang isang babaeng nakatayo at nakaharap sa computer.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis akong lumapit dun para magtanong. Nang nakalapit ako dun ay kaagad na bumaling sakin ang tingin niya nang makita niya ako ay bumungad sakin ang nakangiting mukhang ng babae at para bang inaasahan na niya ang pagpunta ko dito.

"You must be, Mrs.Vergara?" Masaya niyang tanong sakin.

Nakakainis man marinig ang apelyido yun, pero wala akong magagawa. Kaya kahit na gusto kong i-correct ang babaeng yun sa pagtawag niya sakin ay wala akong gagawa kundi ang ngumiti lang. Tumango lang ako at ngumiti. Umalis siya sa harapan ng kanyang computer at lumapit sakin.

Nagtataka pa akong tumingin sa kanya ng bigla niyang inilahat ang kanyang kamay sa aking harapan. Nauna na akong naglakad habang siya naman ay nasa gilid ko lang. Pumasok kaming dalawa sa siding door, napansin kong nasa hallway kami at hindi ko alam kung saan kaming pumuntang dalawa.

Siguro sa office ni Mr. Arceo. Bakit parang nakakatanggap ata ng special treatment yung Mr. Arceo na yun? Ako lang ba? Kanina ko pa kasi napapansin. Kakaiba yung reaksyon ng lahat kapag sinasabi ko ang pangalang yun. Sinawalang-bahala ko nalanh kung ano mang nasa isipan ko ngayon.

Hindi ko napansin na nandito na pala kaming dalawa sa isang malaki at kulay black na pintuan. Pinagmasdan ko ang paligid. Glass window. Infairness ang ganda, at mamahalin pa. Isang mayaman na tao siguro ang may-ari ng law firm na ito.

Kumatok yung babaeng kasama ko, wala pa mang ilang segundo ang lumipas ng biglang may nagsalita sa loob ng pintuan. Boses lalaki yun at wala namang nakakaganda sa boses na yun. Basta, ang narinig ko lang na tuno ng kanyang boses ay pagka-irita. Dahil siguro na-istorbo siya.

"Come in." Iritadong boses ng tao sa loob ang aking narinig.

Hindi na ako nagsalita at walang alinlangan kong binuksan ang pintuan sa aking harapan. Pumasok ako sa loob. Bumungad sakin ang buing paligid, isang maaliwalas at magandang view ang nakikita ko. Glass, at ang view sa labas ang nakikita ko. Ang mga matataas na building ang natatanaw ng aking mga mata.

Namamangha akong pinagmasdan ang lahat. Ganda. Ayan lang ang nasasabi ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong office. Busy ako sa pagtingin ng pagilid ng biglang may nagsalita at ang lahat ng atensyon ko ay bumaling lang sa harapan kung saan nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa kanyang lamesa at nakapalumbaba, habag nakatingin sakin.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now