Chapter 13

15 4 0
                                    

"Where are we going? Or you wanna go somewhere?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Bar." Simple niyang sabi na sinunod ko naman.

Sinunod ko nalang ang gusto niyang mangyari. Wala naman akong pagpipilian, at isa pa gusto ko ring uminom kasama siya. Busy rin kasi ang lahat, si Jovanna lang ang madalas kong nakakasama.

Hindi ko na kailangan pang itanong sa kanya kung saang bar ang gusto niyang puntahan. Alam na alam ko kung saan siya palaging pumupunta kung gugustuhin niya lang. Katahimikan, ayan ang naririnig ko ngayon, hindi rin siya nagsasalita i nagtatanong man lang.

Wala akong idea kung anong nangyayari sa kanya at kung bakit iba ata ang mood niya ngayon. Nakakabingi, masakit sa tenga ang pagiging tahimik niya.

"Hindi na ako nakatira sa bahay ng asawa ko." Simple kong sabi, para naman may mapagusapan kaming dalawa.

Kitang-kita sa peripheral vision ko kung paano siya mag-react dahil lang sa sinabi ko. OA talaga siya, rinig ko pa ang kanyang pagsinghap na para bang gulat na gulat siya sa mga sinabi ko. Tumaas ang kilay ko dahil sa mga artehan niya, alam ko namang maarte na talaga si Jovanna. Pero ngayon ko lang napagtanto na nasubrahan na siya.

"So, where do you live now?" Curious niyang tanong sakin.

"Attorney's house." Simple kong sagot sa kanyang katanungan.

Malakas na hampas ang natamo ko ng bigla niya akong hampasin sa braso ko na para bang mali ang naisagot ko sa kanya. Mabilis kong inihinto ang sasakyan, dahil nandito na kami sa may tapat ng paborito niyang bar. Alam kong may katanungan siya, dahil nakikita ko yun sa kanyang magandang mukha.

"How?" Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at kaagad akong lumabas ng kanyang sasakyan. Sumunod naman siya sakin habang naririnig ko parin ang mga tanong na ibinabato niya sakin. Inihagis ko naman sa kanya ang susi ng kanyang sasakyan na mabilis naman niyang nasalo at inilagay sa kanyang purse.

Nauna na ako sa kanya na maglakad, tanghali palang pero nandito kami ngayon sa bar. Maaga pa para magpakalasing, siguro iinom lang ako ng kakaunti. Papasok na sana ako sa loob ng biglang hinawakan ni Jovanna ang braso na para bang sinabi nitong hintayin ko siya. Mabilis akong lumingon sa kanya at pinaikutan siya ng mata.

"Wait for me, you idiot." Narinig kong sabi niya.

Pinagsawalang bahay ko nalang iyon. Ganun naman kasi talaga kaming dalawa, kumabaga sa mga ganyang salita kami nagkakasundo. Inayos niya muna ang kanyang sarili at pati narin ang kanyang buhok na para bang nasira ang hairstyle nun, sana kotse lang naman kaming dalawa at isa pa hindi siya ang nagmaneho nakaupo lang naman siya.

"You're beautiful." Biglang kong sabi habang nakatingin lang sa kanya.

Kita ko naman kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi at humawak pa sa kanyang baywang na para bang nasa poster siya ng isang commercial.

"I know, right." Kumindat pa siya sakin.

As always pinaikutan ko lang siya ng mata. Hindi ko alam kung ilang minuto siyang nag-aayos ng suot niya at patin na rin ang kanyang buhok. At ang nakakainis pa nasa may initan pa talaga niyang napili!

"Let's go." Sabi ng magaling kong kaibigan.

Sa wakas, natapos na rin siya. Nakita niya sigurong naiirita na ako kakatingin sa kanya. Sabay kaming naglakad papasok, may dalawang bouncer na nakabantay sa labas nitong bar. Mabilis lang kaming nakapasok dahil kilala na kaming dalawa ni Jovanna ng bouncer, kaya madali na lang samin ang makalagpas dun.

Mula sa malaks na sinang ng araw ay unti-unti nitong nagdilim at tanging iba't-ibang kulang ng mga ilaw ang aking nakikita. Kahit na tanghaling tapat, medyo karamihan ang mga taong nandito ngayon sa bar. Pero mas malala dito ang mga tao kapag takipsilim. Sa ngayon iinom lang naman kami ng kaunti diba?

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now