CHAPTER 02

41 5 0
                                    

CHAPTER 02 | Trip |

"We're complete!" Chloe shouted while hugging us. Natatawa naman akong napailing sa kanila. Nasa simbahan kami, dito kasi ang meeting place naming lahat. Dito rin namin hihintayin ang bus.

"Oo nga, itong si, Chantal. . . pa-ayaw-ayaw pa! Si, Yijin lang pala ang makakapilit!" Natatawa akong napailing kay Seri. The two of them gave me a meanicing look. Tinuro ko naman sila at nginusuan. Alam ko na ang ipinapahiwatig nila.

"Groupie na lang tayo, memorable 'to kasi another trip na naman ang pupuntahan natin," pag-iiba ko sa topic. Agad namang na-excite pareho sina Seri at Chloe.

"Game ako d'yan!" Chloe giggled then immediately extended her selfie stick. We smile together as she shouted, "One, two, three, smile! Okay, sunod wacky naman." We did what she said. Kapag usapang groupie talaga ay walang tatanggi sa 'min. Nakailang shots kami nang biglang dumating ang mga boys.

"Uy, sali kami!" I heard Rio shouted. Nang lumingon ako ay palapit na silang apat sa 'min. Natawa na lang ako nang mag-groupie kaming lahat. Meron pa kaming kuha na puros mukha lang ni Rio at Yijin ang kuha dahil nilapit nila 'yung mga mukha nila sa camera habang nakadila. May pagka-isip bata din talaga 'tong mga 'to!

"You look great Cruzel!" Napatingin ako kay Seri nang punahin niya si Cruzel. Tipid na ngiti lang naman ang naging sagot ni Cruzel. Seri looked at me and smiled at me sheepishly. Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Rio, may baon kang foods?"

"Meron, marami!" Tumabi ako nang bigla nilang pagkagulohan ang dalang snacks ni Rio.

"Uy, benta 'yan! Hindi 'yan pinapamigay," biro ni Klint.

"Huwag kang madamot, hindi sa 'yo 'yan!" sagot ni Seri. Naiiling akong nangiti nang biglang magtama ang tingin namin ni Yijin.

"Pupusta ako mag-aaway na naman 'yan," I said to Yijin. Ang tinutukoy ko ay sina Klint at Seri.

Yijin laugh, "Pupusta rin ako na magkakatuloyan ang dalawang 'yan." Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi impossible 'yon." Sobrang close kasi nina Klint at Seri, para silang aso't pusa na mag-jowa. I don't know how it happened. Hindi naman kasi close sina Seri at Klint dati, halos hindi nga 'yan magpansinan. Kami rin, hindi kami close sa mga boys. Pero nitong nakaraang buwan, naging closer kami sa kanila. Lalo na sina Seri at Klint sa isa't isa.

"Sabi ko sa 'yo 'di ba? Malakas ako kay Ate Ruby." Natawa ako sa sinabi ni Yijin. Siya kasi talaga ang nakiusap na ihabol ako sa list.

"Nadali mo 'yon, thank you." Tipid akong ngumiti sa kanya. Nagpogi sign naman siya sa 'kin sabay taas-baba ng kanyang kilay.

"Ako pa?" Umiling na lang ako. Nang lumingon ako sa pinagkakagulohan nila ay naabutan ko ang titig sa 'min ni Cruzel. Nang makita niyang nakita kong nakatitig siya sa 'min ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Tahimik akong bumuntonghininga nang malalim. Bahala siya sa buhay niya, ayos na ang puso ko ngayon. I feel better now. Nadala ng pagdarasal at comfort ng Dios sa 'kin kaya huwag na niya 'kong gugulohin.

Ewan ko ba, but I really see it as a miracle. Hindi ako nasaktan kay Cruzel higit sa inisip ko. Nasaktan ako pero hindi ko inaasahan na ganito ako kabilis makaka-move on.

I can tell you all that it's not love. Umasa lang talaga ako at nag-assume kaya gano'n.

I understand things better from the Lord's perspective kaya mabilis akong naka-ahon. He's not for me, I don't deserve someone like him. I deserve more than like him.

"Matagal pa ba ang bus natin?" ani Cruzel sabay tingin sa kanyang relo. Nakasuot siya ng kulay pulang t-shirt at black na maong pants.

"Excited ka?" ani Klint sa kanya. "Ah, alam ko na! Makikita mo na si, Hope."

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now