CHAPTER 11

31 2 0
                                    

CHAPTER 11 | I Love You |

Pagkatapos namin sa scripture study na iyon ay tinawag na kami ng mama ni Yijin para mag-dinner. Naunang bumaba ang boys at si Chloe dahil sinamahan ko pa si Seri mag-bathroom. Nakakuha na naman tuloy siya ng pagkakataon para tuksohin ako.

“Iba talaga, eh! The way Yijin stare at you? And also, the way you stare at him? Sa sobrang lakas ng connection n’yong dalawa pati ako na-fi-feel ko! Hay! Kinikilig na talaga ako, alam mo feel ko liligawan ka ni Yijin.” My eyes widened at what she said.

“Hindi naman, may priorities ang tao, saka ako rin may priorities ako. Saka ang labo, hindi gano’n, walang aabot sa gano’n,” ani ko. It's hard for me to find the suitable word to describe Yijin and I's relationship.

Hindi, eh malabo ang gano’n. Yijin is not the type of guy who's not into relationship, not because he don't want commitment but because he's just simply not into it. . . girlfriend and relationship.

“Pero. . . hulog ka na niyan?” Tiningnan ako ni Seri na may ngiti sa labi. Inirapan ko lang siya at pabirong tinapik sa balikat.

“Tara na nga!”

Pagbaba namin sa kusina ay nakaupo na silang lahat sa dinning table. Wala ang parents ni Yijin, ang sabi ay mauna na raw muna kaming kumain at susunod na lang sila.

“Upo na kayo,” ani Yijin sa ’min. Magkatabi naman kaming umupo ni Seri sa tabi ni Chloe. Sa harapan namin ay sina Klint, Cruzel, at Yijin, nasa kabisera naman si Rio.

“Paabot ng kanin,” sabi ko kay Seri dahil hindi ko maabot. Agad naman niyang ibinigay sa ’kin ang plato ng kanin. Nagsandok lang ako ng ayon sa mauubos ko, konti lang ’yon kasi madali lang akong mabusog.

“Ang sarap nito,” komento ni Seri sa adobo. Tumango-tango lang ako bilang pagsang-ayon. Masyadong marami ang niluto ng mama ni Yijin, nakakatuwa.

“Ang sarap magluto ng mama mo Chantal,” biglang ani Seri.

“Mama ko?” kunot-noo kong tugon, paano nasali si mama bigla? Inabot ko ang baso na may lamang softdrinks at ininuman.

“Future mother-in-law.” Nginisihan ako ni Seri sabay taas-baba ng kilay niya sa ’kin.

Agad akong nabilaukan dahil sa sinabi niya. Lahat naman sila ay naghiyawan except kay Yijin, and then they started teasing us again!

Sobrang sakit ng ilong ko, umuubo na ’ko pero tinatawanan lang nila ako.

“You okay?” Yijin asked me sabay abot niya sa ’kin ng tissue. Tinanggap ko iyon at agad na pinunasan ang bibig ko.

“Uy caring!” pagpaparinig ni Chloe. Nang maayos ko ang sarili ay pinandilatan ko sila ng mata. Kinurot ko rin si Seri sa tagiliran dahil sa ginawa niya.

Sabing huwag akong aasarin, eh!

Pagkatapos naming kumain at magligpit, umakyat na ulit kami sa itaas para manood ng movie. Nagtatalo pa silang kung ano ang panonoorin namin dahil gusto ng horror nila Klint at Rio, ayaw naman nina Seri at Chloe.

“Mas maganda nga ’yung horror para thrilling!” Klint insisted.

“Ayaw ko, baka hindi lang ako makatulog nang maayos,” angil ni Chloe.

“Ayaw mo bang matakot?” ani Klint.

“Huwag na, nakakatakot naman na ’yang mukha mo,” sabat ni Seri. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa, katatapos ko lang mag-toothbrush sa bathroom kaya pagbalik ko ay nakapwesto na silang lahat sa ibaba ng kama. Tumabi ako kay Seri sa gilid at yumakap sa bewang niya. Wala pang ilang segundo ay dumating si Yijin na mukhang galing sa kwarto niya.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now