CHAPTER 03

41 3 0
                                    

CHAPTER 03 | Confession |

“Ang ganda rito ‘no?” ani Seri habang tinitingnan ang paligid. Nakaupo kaming lahat sa benches ng park para sa lunch namin, katabi lang ito ng museum.

“True!” ani ko habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Nakahelira ang iba’t ibang klase ng tanim at may maliit na maze garden sa left part ng park. May mini fountain din sa gitna na pinapalibutan ng giant sunflowers.

Nasa right part ang mga benches at table, may kulay brown itong bubong na pinapalibutan ng vines ang celling. Isang helira lang ang mahabang table nila. Mabuti nga at nagkasya kami.

“Patabi. . .” Napatingala ako kay Yijin nang bigla siyang tumabi sa ‘kin. “May umuupo rito?” dagdag tanong niya.

Umiling ako sa kanya sabay sabing, “Wala.”

Napatingin ako sa mga katapat ko na sina Chloe at Seri. Malisyosa na ang mga tingin nila.

“Ikaw Yijin, ah!” nang-aasar na ani Seri.

“Huh?” ani naman ng isa. Sinamaan ko ng tingin si Seri pero tinawanan niya lang ako. “Bakit?” tanong pa ulit ni Yijin.

“Aray!” angil niya nang palihim ko siyang sinipa sa ibaba ng mesa. Umakto naman ako na parang wala lang lalo na’t pinagpasa-pasahan na ang mga food packs namin na nakalagay sa styro box. Wala kaming mga kutsara kaya nagkamay na lang kami, mabuti na lang at may hand gloves.

Pagkatapos kumain ay saglit kaming namasyal at nag-picture sa park. Ang daming nagpapapicture kay Yijin kaya natawa kami. Parang artista lang, ah? Ang dami kasi talagang nagkaka-crush sa kanya.

Naaliw kami sa maze garden nina Seri at Chloe kaya medyo nagtagal kami roon kakakuha ng pictures. Panay selfie lang kami dahil wala namang magpi-picture sa ‘min.

Palabas na kami ng maze garden nang biglang dumaan si Yijin.

“Ay! Yijin, picture-ran mo kami please!” ani Seri sabay hila sa kanya papasok sa maze garden. Natatawa namang sumunod ang lalaki.

“Sige game,” anito.

“Wait lang, saan ba magandang angle?” ani Seri habang hinaharap sa kung saan-saan ang cellphone niya. Katabi niya si Chloe na kasama niya sa paghahanap ng angle.

Itinapat sa ‘kin ni Seri ang cellphone. Agad ko namang tinakpan ang mukha ko at baka kunan niya ‘ko ng litrato.

“Yijin, tabihan mo nga si, Chantal. Tingnan ko kung maganda ‘yung angle.” My eyes widened, agad kong naibaba ang kamay para samaan ng tingin si Seri.

“Hoy!” angil ko sa kanya.

“Bakit? Titingnan ko lang ‘yung angle, anong arte ‘yan?” pa-inosenting ani Seri. I scoffed. Hindi ako makapaniwala! Hindi ko alam kung ano ire-react ko dahil alam na alam ko ang ginagawa nila.

“Sige na Yijin!” ani Seri. Seryoso kuno pero alam kong natatawa na siya, sila ni Chloe.

I sighed heavily, kamot-ulo namang pumunta sa tabi ko si Yijin.

“Sige, one, two, three, smile!” ani Seri. Nag-smile ako ng tipid sa camera. “Isa pa!” sigaw ulit ni Seri. Saglit kong tiningnan si Yijin, nakangiti lang din siya ng tipid. “Okay, magandang angle d’yan. Dito ka Yijin.” My eyes widened a little, tapos na ‘yon?

Tumabi sa ‘kin sina Chloe at Seri, pinagitnaan nila ‘kong dalawa.

“Bagay na bagay kayo,” Chloe whispered and giggled. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Sige, smile kayo,” Yijin said. Agad naman kaming ngumiti sa camera.

After sa garden ay pumunta pa kaming mall para mag-stroll. Saglit lang kami roon pagkatapos ay bumalik na sa bus para umuwi.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now