CHAPTER 14

18 0 0
                                    

CHAPTER 14 | Ice cream |

"Ikaw ba sino ang crush mo?" Yijin asked while soulfully looking in my eyes. He's just innocently staring at me but my chest is already pounding so hard.

I don't have plans on confessing my feelings to him. . . yet. It's too early, bago ko pa lang siya naging crush. Isa pa, I don't want to make things awkward between us. Awkward na nga dahil sa mga pang-aasar nila sa 'min, dadagdagan ko pa ba?

But if I confess to Yijin today, chance ko na 'to. I'm sure naman no one will know except for him if I tell him about it. Yijin is not the type na etsi-tsismis ang ganitong mga bagay.

Consumed by my feelings. . . I answered, "W-wala, wala akong crush." Umiwas ako ng tingin sa kanya, I know I'm not good at lying but I just can't say it yet. Pinapangunahan ako ng takot, hiya, at pangangamba.

Yijin give me a wry smile, "We? Bakit naman?"

"W-wala lang talaga, tamad ako magka-crush." I laughed awkwardly after saying that. Scam Chantal! Mahilig kaya ang mata mo sa pogi!

"Gano'n? Kahit ako 'di mo crush?" My eyes widened at his sudden question. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko.

"H-huh? Nagbibiro ka ba?"

Yijin cutely laugh, "Joke lang!"

"Tss, marami na nga'ng pumipila sa 'yo idadagdag mo pa 'ko?" I joked, sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

Pagkatapos naming kumain sa foodcourt ay hinatid na 'ko ni Yijin sa salon kung nasaan si mama. Nakita 'yon ni mama kaya agad niya 'kong inusisa.

"Hindi talaga nanliligaw sa 'yo?" she asked for the nth time. Namimili na kami ng mga damit sa favorite niyang brand pero hindi pa rin siya tapos sa pang-uusisa sa 'kin tungkol kay Yijin.

"Hindi nga po! Kulit nito," maktol ko.

"Ang guwapo talaga ng batang 'yon, crush mo ba?" natatawang aniya. Agad naman akong namula sabay iwas ng tingin. My mother chortled kaya sinamaan ko siya ng tingin. "'Pag 'yon naging boyfriend mo, payag ako."

"Ma! Crush ko lang po si, Yijin. I don't do boyfriends."

"I don't do boyfriends!" she mimicked me sarcastically. "Eh, ano pala si ano—"

"Shh, past is past," I stopped her. Ayaw ko nang marinig ang pangalan na 'yon sa kanya. Tinawanan niya lang naman ako, hanggang sa makauwi kami ay puros asar ang inabot ko kay mama.

We're close at expressive talaga ako pagdating sa kanya kaya nasasabi ko lahat-lahat pati ang listahan ng crushes ko. My mother is also my bestfriend.

Mabilis lang na natapos ang bakasyon. Christmas and new year passed by and I celebrated it with my family. Sobrang saya ko at dahil panibagog taon na naman, na-inspired na naman akong mas maging mabuti pa sa 'king sarili. I want to be the best version of myself for this year.

Pero syempre, pagkatapos ng lahat ng celebration, balik na naman sa realidad. At ang stressing na exam ang bumungad sa 'kin.

I sighed heavily. No one is pressuring me to do good in my academics but I'm striving hard and doing my best all the time. Ayaw kong nahuhuli ako sa lahat, I'm a constant achiever kaya nandoon 'yung pressure na kailangan kong e-maintain ang lahat.

It's my first time to experience a moving exam at hindi ko alam kung paano ginagawa 'yon. Basta ang instruction sa 'min ay moving exam ang style ng examination namin sa Entrepreneurship.

I studied so hard na halos ma-memorize ko na ang buong notes ko. Delikado kapag bumagsak ako sa test na 'to dahil malaki ang magiging epekto nito sa grades ko.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now