CHAPTER 34

23 1 0
                                    

CHAPTER 34 |  Tired  |

Just friends. That two words rang a bell on me. It brought me on that painful day, in front of our school in Lusiento, when it was raining and I told him that I never really looked at him as just a friend.

Hearing Yijin saying those words behind me hit every core and fiber of my being. Bumilis ang paghinga ko, I walked faster and I almost couldn't feel my legs. Nanginginig ang kamay ko pero pinilit kong maging matapang.

"Lara," pigil ko sa kanya nang may itatanong pa sana siya kay Yijin. Her eyes widened upon seeing me, pagkatapos ay pilya siyang ngumiti sa 'kin.

"Thalia! Here you are, kanina pa naghihintay 'yung kaibigan mo sa 'yo rito." Mas lalong kumuyom ang kamao ko, kaibigan. That word is so, irritating to hear.

Binalingan ko si Yijin kaya ngumiti siya sa 'kin. I only glared at him bago muling bumaling kay Lara.

"Can you please excuse us? I need to talk to him." Mukhang napansin ni Lara na hindi ako natutuwa sa mga nangyayari kaya sumeryuso siya at tumango nang dahan-dahan.

"Okay. . ." she said before stepping out. Nananatili akong nakatalikod kay Yijin, nang makalayo si Lara ay humugot ako nang malalim na buntonghininga.

Imbes na kausapin si Yijin ay nilampasan ko lang siya.

"Chantal. . ." I heard him chasing me pero mas lalo ko lang binilisan ang lakad. "Chantal!" tawag niya ulit.

I turned my hand into a fist, halos bumaon na ang mga kuko ko sa sarili kong balat pero wala akong maramdamang sakit.

"Chantal, is something wrong?" Yijin caught my arm and faced me to him. Galit ko siyang tiningnan at alam kong alam niya na ngayon na galit ako. "You're mad, is something going wrong? Did I. . . do something wrong?" tanong niya sa kalmadong boses. I stared at him angrily, nang 'di ko makayanan ang titig niya ay natawa ako sabay pahaklit na binawi ang braso ko sa kanya.

"You know what Yijin, hindi mo namang kailangan gawin 'to, eh. You can just leave me alone!" Napapikit ako nang mariin.

"I won't leave unless you tell me what's wrong with you. And. . . you have a date, with whom?" He held my arms and put me in front of him. Mas lalo namang napigtas ang pasensya ko sa sinabi niya.

"What's wrong with me?" I scoffed. Napailing ako sabay tulak sa kanya, I can't let him hold me while I am this angry. "No, Yijin nothing is wrong with me!" Hindi ko na napigilan at tumaas na ang boses ko.

"Chantal I. . . what's wrong?" Kita ko ang takot sa mga mata niya na para bang takot siya sa kung ano pang kaya kong sabihan at gawin.

"Hindi mo talaga alam?" I asked bitterly. Yumuko siya at dahan-dahang umiling. "Yijin, hindi ko na naman kasi alam, eh. Nalilito ako sa 'yo, nalilito ako sa mga pinapakita mo. Ano ba tayo?" Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, muli na naman akong napailing nang maalala ko ang sinabi niya.


"Chantal I like—"

"No, I think I don't have to ask. Narinig ko na nga pala ang sinabi mo kanina. That we're just friends," I said the last words with diction. I sighed and tried to calm my nerves. "You know what Yijin? You really know how to push me, but you don't know how to catch me. You know how to hurt me and it's really devastating, and you always never failed to dissapoint me."

"Chantal can you please listen to me?" he pleaded.

"Paano ba. . . makinig sa 'yo bilang kaibigan mo lang?"

"No, please listen to me. What you're saying is that—"

"Hindi na Yijin, huwag ka nang magsalita. Baka kasi may sabihin ka na namang malabo, and then I'll end up overthinking things until I have my assumption that is in favor of me. But in the end, all of my thoughts were wrong and I misinterpreted your words." Sinubukan niyang lumapit pero agad akong umatras.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon