CHAPTER 12

20 1 0
                                    

CHAPTER 12 | Pure |

“I love you,” he repeated.

Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas nito, hindi na ’ko magtataka kung maririnig ito ni Yijin. Para akong sinasakal, ang hirap huminga. Tila may sumabog na kung ano sa loob ko at natulala na lang ako.

“As a friend,” dugtong niya. Pero hindi pinatigil ng dalawang salitang iyon ang lakas nang kabog ng dibdib ko.

I smiled at him, kailangan kong makabawi. Gusto ko ring sabihin sa kanya ang mga katagang iyon kahit na bilang kaibigan pero ang hirap! Parang pinutol ang dila ko at nawalan ako ng kakayahan na makapagsalita.

“T-thank you,” I said instead. Gusto ko pang sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal. Umiwas ako ng tingin, I’m trying to calm my heart but I can‘t.

Nagpasya akong tumayo at magpaalam na iinom lang ng tubig sa labas. Habang pababa ng hagdan ay pinapaypayan ko ang sarili habang sinusubukang kumalma. Baka mahimatay ako rito!

Pumunta ako sa kitchen nila at uminom ng tubig gaya ng balak ko. Nag-flashback sa ’kin ang sinabi ni Yijin kaya napahilig na lang ako sa sink. Ibinaba ko ang baso sabay hawak sa ’king dibdib. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.

Simpleng I love you lang naman ’yon bilang kaibigan pero bakit ganito ang epekto sa ’kin?

“Oh, gosh!” I whispered to myself. Mukhang hindi na nga talaga ako makakatakas. Wala na, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Ngayon ko pa talaga na-realize na tapos na ’ko sa indenial stage, nasa acceptance stage na ’ko!

Kasalanan talaga ’to ni Yijin kaya dapat panindigan niya ’ko!

“Ano’ng ginagawa mo d’yan?” Seri suddenly appeared.

“Ay, panindigan!” gulat kong ani. Madilim kaya hindi ko napansin ang presensya niya. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig, halata sa mga mata niya na galing lang siya sa pag-iyak.

“O-okay ka lang?” tanong ko.

“Ikaw ang okay lang, ba’t ka namumula?” natatawang tanong niya. Agad akong napayuko at napahawak sa ’king pisngi, gosh halata ba?

“S-seri, ikaw nang bahala sa ’kin kapag nahimatay ako rito,” tulala kong ani. Natigilan naman siya at mukhang nag-alala.

“Huh?”

“S-sinabihan ako ng I love you ni Yijin!” hindi makapaniwala kong ani.

“Ano!” Seriah shouted. Sa sigaw niya ay magigising na niya ang buong bahay. I ended up telling her what exactly happened, na as a friend lang ’yon pero kilig na kilig pa rin siya.

Hindi ko alam pero nang mga sumunod na araw ay mas naging magaan ang pakiramdam ko. Masaya ako na kahit kaunting bagay ay na-a-appreciate ko.

Pati ang pagpunta sa simbahan ay na-e-excite ako. Gusto kong sampalin ang sarili nang maalala ko noon na ayaw kong magka-crush sa ka-churchmate. Pero duda na ’ko sa sarili dahil dakila talaga akong scammer. Busog na busog ako sa mga salitang kinakain ko.

Hindi nga lang naging maganda ang sunod na balita nang sumunod na week, namatay ang mama ng isang ka-churchmate namin.

Matanda na si nanay pero palangiti kaya mami-miss namin ang smile niya. Kahit nakakalungkot, panatag pa rin kami dahil makakapagpahinga na siya. Dati, sobrang lungkot ko talaga nang maisip ko na ang tao kapag nawala na sa mundo, katapusan na niya. Hindi na siya muling masisilayan. Pero sa simbahan ko natutunan na hindi naman pala, naniniwala ako na may kabilang buhay pa at mas payapa roon.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now