CHAPTER 18

20 1 0
                                    

CHAPTER 18 | Happy Birthday |

I’ve got my hopes up again for him. Grabe naman ’to, isang ngiti niya lang, isang tama ng tingin sa mga mata, isang bati, isang salita na matamis para sa ’kin parang binubuo na agad ang araw ko.

Ayaw ko mang aminin pero binubulong ng puso ko ay may pag-asa pa kahit na may alinlangan sa isip na ilusyon ko lang talaga ang lahat.

The thought of making him my escort on my debut gives butterflies on my stomach. Just by thinking about it, it makes my heart flatter. Para na nga ’kong baliw kangingiti, halos hindi pa ’ko makatulog nang gabing iyon dahil sa pag-uusap naming dalawa.

I told the girls about it, that I’m already planning about my debut and making Yijin as my escort. Agad naman silang na-excite para sa ’kin. Halos sabunotan din nila ako sa kilig dahil sa sinabi ko tungkol kay Yijin.

“I can’t wait for that day! Oh, my gosh excited na ako agad pwede bang now ka na mag-debut?” Chloe chuckled.

“Kaso imbes na debut kasal ninyo ni Yijin ang na-imagine ko,” pang-aasar ni Seri. Agad ko naman siyang pabirong hinampas.

“Ikaw talaga! Baka may makarinig sa ’yo!” Pinandilatan ko siya ng mata.

“Luh, pake ko sa kanila?” ani Seri sabay irap.

“Kailangan ko pa palang maghanda ng susuotin ko, excited na talaga ako!” Chloe beamed at me. “Since it’s a polaroid party, make sure to post a pretty picture of me, ah!” We all laugh at that. Tinulongan rin nila akong mamili ng pictures nang araw na ’yon para e-print sa instax for my debut. Sinama pa nila ’yung mga stolen pictures namin ni Yijin na palihim nilang kinukuha sa tuwing nagtatabi kami.

Naisip ko na ilalagay ko na lang ’yon sa parte na hindi gaanong kita ng lahat. O ’di kaya ay for keeps na lang ang mga pictures na ’yon.

Hindi ko naman alam na ganito pala ka-stressing ang mag-prepare para sa debut. Araw-araw akong nag-o-overthink kung ano pa ang kulang, ano’ng pwedeng idagdag, ano pa ang mga dapat gawin!

Mabuti na lang at full support si Mama, ayaw niya na e-involve ako sa buong preparation pero ako ang namilit na tumulong. Pareho tuloy kaming stress sa pag-iisip. But it’s a good stress naman kaya ayos lang, pareho kaming excited dalawa para sa debut ko.

I didn’t tell my parents about my escort in mind. Hindi pa kasi namin napag-uusapan ang tungkol roon. Inuna namin ang ibang details, hindi pa namin napag-uusapan kung sino ang kasali sa eighteen roses, candles at dance. Syempre, si Mama na ang bahala sa eighteen gifts.

“I can’t believe you're turning 18 now,” ani Mama habang tinitingnan ako sa mga mata. Nasa isang cafe kami ngayon, katatapos lang namin makipag-meeting sa isang baker para sa cake ko. Sobrang hands on ni mama kaya one on one talaga ang mga meeting.

“Ako nga rin po, hindi ako makapaniwala na next month legal age na ’ko.” I sip on my fruit shake and smiled wryly. Ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang bata lang ako pero ngayon. . . I’m starting to be mature and soon enough, I’ll make bigger decisions on my own that will affect my future.

“You’re still my baby after you turned eighteen right?” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang nanginginig na boses ni Mama. Pagak akong natawa nang mapagtantong maiiyak na siya.

“Of course naman po! Even if I turned thirty I am still your baby,” I assured her.

She chuckled at me, “Ikaw talaga! Remember Chantal that even if you grow old and starts to make or decide things for your own, I am always here to support and guide you.” My heart melted at that. No one can underestimate the the love of a mother for her child. Walang makakapantay roon, their sacrifices worth a lot that no one can able to pay for it. Their kind of love is strong and overpouring.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now