CHAPTER 16

27 1 0
                                    

CHAPTER 16 | Busy |

“Happy Sunday!” Chloe greeted me with a smile on her face. I smiled back at her and immediately cling on her arm.

“Happy Sunday, tara na. . . pasok na tayo.”

“Nasaan si, Seri?” tanong niya sa ’kin nang makapasok na kami sa simbahan. We’re sitting at the back kaya kitang-kita namin ang mga pumapasok at umuupo sa harap.

“She’s coming, malapit na raw siya,” sagot ko. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita kong papasok si Yijin. Ewan ko ba, pero palala na ’ko nang palala. Hindi naman ako ganito rati, hindi naman ako kinakabahan kapag nakikita ko si Yijin noon.

“Speaking of Seri, here she is,” Chloe whispered. Nang bumaling ako ulit sa double door ay papunta na nga si Seri sa ’min. “Tagal mo!”

“Sorry na, ah?” nakangiwing ani Seri. The meeting immediately started, tahimik lang kaming tatlo at kapag may gustong sabihin ay nagbubulong-bulongan lang. The speaker was so good kaya focus talaga ang attention ko.

“Sino ’yan?” Chloe suddenly whispered. Pinapagitnaan nila akong dalawa kaya rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila.

“Hala ang guwapo! Oh, my gosh. Visitor yata,” bulong din ni Seri. I was distracted kaya napatingin ako sa tinitingnan nila.

My eyes immediately landed on the two tall guys, they seemed like a twin dahil halos magkapareho ang mukha at tindig nila. Three girl followed them, the first one looked serious and mature, habang ang dalawa naman na magkahawak ang kamay ay mukhang ka-edad lang namin, kasunod din nila ang mga parents nila.

They are late so they quiet made a scene but what really struck me was their visuals. Sigurado akong isang pamilya sila, nakakamangha na lahat sila ay puros magaganda at gwapo.

“Baka nga visitor, pero ang guwapo ng lalaki!” Seri whispered. Ngumisi lang naman ako at hinayaan sila, maski ako rin ay nagwa-gwapuhan sa dalawang lalaki na iyon.

Tama nga ang hinala ko. Pagkatapos ng Sunday service ay pinuntahan namin sila para makipag-fellowship. Noong una ay nahihiya akong e-approach sila, nagtutulakan pa nga kaming tatlo kung sino ang babati sa kanila. Mabuti na lang at naunang ngumiti sa ’min ’yung isang babae.

“Hi!” I greeted the girl and offered my hand to her for a shake hand. Agad naman niya itong tinanggap.

“Ahm, hello!” She excitedly smiled kaya I felt welcomed.

”Ako nga pala si, Chantal. Ito naman ang mga kaibigan ko. . .  sina, Seri at Chloe.” Chloe and Seri greeted her as well and shook hands with her.

“It’s nice to meet you two, ako nga pala si, Avah.” Tumango-tango ako sa kanya.

“Avah, nice name, ah?” ani ko. “Ilang taon ka na?”

“Ahm, I just turned 17 this year, kayo?” tanong niya sa ’min.

“Same age lang tayo ngayon, I’ll turn eighteen this year na, eh.”

“Oo, she's the oldest among us!” Chloe laughed. Bahagya namang nagulat si Avah.

“Oh, really? You looked young for your age. I thought you were sixteen!” ani Avah.

“Complement ba ’yon?” natatawa kong ani. Avah is pretty and cute, she’s like a living barbie doll with her fair skin, long wavy hair and girly style.

“Oh, by the way, nandito na ang mga kapatid ko. Ipapakilala ko kayo sa kanila,” excited na ani Avah. Tumango-tango naman kaming tatlo.

“Ahm, this are my siblings pala. Si Ate Avrielle, ang oldest namin. Tapos sina Kuya Arvin and Arkin, they are twins. And this is our bunso si Aviona,” Avah introduced them. Kung wala lang ako sa tamang huwisyo at kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, siguradong napanganga na ’ko.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now