CHAPTER 21

19 1 0
                                    

CHAPTER 21 | Change |

Nothing will really change the day after you turned eighteen, not until you'll slowly realized it. Time is really fast. Dati, wala akong ibang inatupag kung hindi ang maglaro at mag-abala sa pag-aaral ko. Now, I really need to decide about my future!

Taking the course I want for College will really bring a great u-turn for my life so I should think about it thoroughly. May gusto na ’kong kurso, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip na nakakatakot at baka hindi ko kaya at hindi ko mapanindigan.

Hours after hours, days after days, months after months, celebration after celebration. Everything feels like a whirlwind.

It's been more than six months since I turned eighteen yet, it feels like it happened yesterday.

It’s been two months since everything happened. Deadlines were fast approaching for me kaya naging sobrang abala ako sa school. We had our work immersion and right now I have to do reports about it starting from my day one to ten. We also finished conducting our survey and now we’re going to interpret the results which is more stressing. Hindi pa nakakatulong na kailangan na naming gumawa ng business plan para sa Entrepreneurship namin at community action plan naman para sa Community Engagement. Kaliwa’t kanang reporting at presentation din mula sa Creative Writing at Empowerment Technology. Dagdagan pa ng Contemporary Arts na ewan ko kung may naintindihan ba ako.

Masaya naman akong mag-aral pero nakakapagod talaga. Sa loob ng two months, mas naging focus ako sa sarili ko at sa pag-aaral, konting tiis na lang at magtatapos na ang school year kaya halos abala na ang lahat sa ’min.

Lagi kaming magkasama nina Chloe at Seri, pero since last month minsan na lang namin makasama ang mga boys. Lalo na si Yijin na mukhang abala talaga sa ginagawa niya. Lagi ko siyang nakikita sa campus pero mukhang lagi rin niya ’kong hindi napapansin.

Last week, the school announced about our up coming prom. We are also told to choose a partner that are the same Grade level to us. Si Yijin ang una kong naisip pero agad ko ring kinansela ang idea sa utak ko.

Si Yijin kasi, this past few weeks parang. . . ang hirap na niyang abutin. I know he’s just busy dahil gaya ko ay graduating student din siya pero masasabi ko talaga na may nagbago.

I don’t know if it’s because of my confession two months ago o sadyang busy lang ang mga tao ngayon.

I honestly miss our hangouts together with the boys, miss ko na ring mag-sleep over pero minsan na lang talaga kami nagkakasama ngayon. Lalo na dahil may something kina Seri at Klint, ewan ko lang ano pero mukhang may alitan yata sila. Para tuloy kaming nahati kapag nasa church.

Really, the only constant thing in this world is change. Nakakapanghinayang na medyo may ilangan sa pagitan namin ngayon. Hindi ko na tuloy alam kung tama pa ba ang mga naging desisyon ko sa buhay.

Pinilit ko talaga ang sarili ko na taposin ang mga trabaho ko sa school para kapag pumunta ako ng simbahan ay wala na ’kong ibang iisipin. Mabuti na lang at nagawa ko talaga.

“Chantal,” Rio approached me as I enter the room. Agad akong napatingin sa likuran niya. Nandoon sina Seri at Klint, magkatapat na nakaupo.

Kung dati silang dalawa ay parang may sariling mundo, ngayon tig-iisa na silang may sariling mundo.
They are not talking or teasing each other like they usually do, pareho silang tahimik at abala sa mga cellphones nila.

Nagkatinginan kami ni Rio, he’s giving me a what happened to them look. Nagkibit lang naman ako ng balikat dahil hindi ko rin naman alam.

Sunod na dumating ay si Chloe na halatang hindi rin maganda ang timpla ng araw. May chika sana ako sa kanya kaya lang wala siya sa mood. Mas lalo tuloy naging awkward ang lahat.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon