CHAPTER 07

23 1 0
                                    

CHAPTER 07 | First Dance |

_______________________________

“Bakit ba kasi ako nag-HUMSS!” naiiyak ko ng ani habang nire-review and two thousand words essay ko sa Creative Fic. Kailangan ko na ‘tong ipasa bukas kaya minamadali ko. Wala pa ‘kong update sa story ko kaya naiiyak na ‘ko. “Laban lang self!” I cheered myself up before rereading my essay for the last time.

Naging abala ang buong week ko kapapasa ng mga requirements para sa midterm namin. Kailangan kong taposin agad ngayong week para next week ay enrollment na lang para sa sunod na sem ang poproblemahin ko.

Hindi na rin kami gaanong nagkikita ng mga kaibigan ko pero nagkakasalubong naman kami sa campus paminsan-minsan.

“Hindi ka na nakakatulong PerDev,” angil ko habang nagre-review. Wala akong maintindihan at parang dudugo ang utak ko. Hindi naman kasi nag-discuss ang teacher namin tapos sasabihin niyang kasali ito sa test. 

Naging abala lang ang buong Linggo ko sa school kaya naman nang mag-aya sina Seri na tumambay sa church, kinuha ko na ang pagkakataon ‘yon para mag-study break, total ay wala namang pasok.

Pagdating ko ay kumpleto na silang lahat doon, si Cruzel lang ang wala na ewan ko kung may balak na pumunta eh, naka-seen naman siya sa gc.

“Hi guys!” I greeted them. Agad naman silang napatingin sa ‘kin. Nginitian ako ni Yijin kaya tipid na ngiti ang naging ganti ko.

“Oo, gano’n nga yata sa STEM,” ani Klint. Mukhang tungkol din sa school ang topic nila.

“Hindi ko alam, hindi naman ako STEM student,” ani Seri.

“Si, Cruzel STEM ‘di ba?” ani Yijin.

“Bakit ba?” singit ko. “Hindi ba STEM din ang strand mo Yijin?” I asked the guy. Tumango naman siya. Napasimangot nga lang ako nang pekeng umubo si Seri at ang iba naming kasama. Lumalala na ang mga sakit nila.

“Wala, ‘di ba wala kayong General Math?” tanong sa ‘kin ni Seri.

“Sa HUMSS? Wala na ngayon, noong Grade-Eleven pa 'yon, wala na kaming Math,” ani ko.

“Sana all,” aniya. ABM kasi ang track ni Seri.

“Huwag na nga ‘yan! Hindi kami maka-relate,” reklamo ni Chloe. Natawa naman si Hendrio at nag-second the motion. Pareho kasi silang Junior pa.

“May course na kayong naiisip sa college?” nakasimnagot na tanong ni Seri.

Agad naman akong tumango, “Psychology, malala na kasi ang sakit mo at kailangang-kailangan mo ‘ko!” ani ko sa kanya.

“Sira!” Nagtawanan kaming lahat. “Hindi pa kasi ako sure sa ‘kin, magla-law siguro?”

“Mag-Psy ka na lang din para pre-law mo.” Nginisihan ko siya.

“Tss, kayo? Ano’ng balak n’yo sa college?”

“Bussiness Ad,” parehong sagot nina Chloe at Rio. Nagkatinginan pa sila.

“Architecture siguro, kung hindi papalarin AA na lang.”

“Ano ‘yon?” tanong ko.

“Asawa Agad,” natatawang ani Klint. Napailing na lang ako.

“Ikaw Yijin?”

“Engineering,” he said. It seems like he’s very sure of what he chose.

“Naks, Eng. Lorenzo shawty!” Chloe teased.

We moved on to our next topic, ganito talaga ang bonding namin, pag-uusap at pagkain. And like the usual, may kanya-kanya na namang usapan ang lahat. Ang mga boys ay naglalaro ng ML, ang girls naman ay nagti-Tiktok, ako ay nasa sulok lang at nagbabasa ng bagong on-going na story.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now