CHAPTER 35

35 2 0
                                    

CHAPTER 35 | Shock |


I agree with the date kasi naiinis na ako  sa pangungulit ni Lara at baka 'pag pinagbigyan ko siya ngayon, titigilan na niya  ako.

That was what I told myself the main reason why I agreed. But yeah, I know I'm lying to myself. Pumayag ako kasi, pagod na akong isipin si Yijin. Pagod na 'kong siya na lang lagi ang nasa isip ko.

I know this is not so me, to do this kind of thing. To date someone just to forget someone. But I want to give it a try, something is void inside me that I want to give it a push.

Kinabukasan ko na na-realize na katangahan pala talaga ang gusto kong gawin. Katangahan na pumayag ako kagabi. Nadala ako ng emosyon, galit at pride ko kaya pumayag ako. As if I will get my revenge and satisfaction by joining this double date.

I immediately regretted it. Pero hindi ko na mababawi ang sinabi ko kay Lara. She was so happy last night when she texted me because I finally agreed. I sighed heavily and did my mourning rituals.

Medyo natakot ako kagabi na baka mag-break down na naman ako, my weeks were so busy that it can overwhelmed and pressure me, enough to trigger my mental breakdown. Dumagdag pa ang hindi magandang pag-uusap namin ni Yijin, I shouted at him again. I didn't listen and didn't let him explain his side. Mabuti na lang talaga at tumawag sina Chloe at Seri, naging mahaba ang pag-uusap namin dahil inusisa pa nila ako sa date na sinabi ko. Sa sobrang haba ay inantok ako at madaling nakatulog pagkatapos ng tawag.

Right, I didn't let Yijin to say something. Bahagya akong na-guilty, nauna na naman ang emosyon ko at sumabog na naman ako sa harapan niya. This is the second time that it happened. I checked my phone and saw that Yijin doesn't message nor call me. Agad na nawala ang guilt na naramdaman ko.

So, this really ends everything then?

Habang kumakain ay na-realize kong medyo maalikabok na ang condo ko, kailangan ko ng maglinis ng mga sulok at mag-grocery. Iyon na lang ang inisip ko buong agahan.

Pagdating ko sa University ay tuwang-tuwa si Lara sa 'kin, kulang na lang ay maglatag siya ng red carpet dahil sinalubong niya talaga ako sa pintuan ng room namin.

"I told Ranzel about the date and he was so excited. Ako rin excited na!" she giggled. Muntik na ako mapairap nang marinig ang pangalan ng engineering student na nirereto niya. "Sa Sabado, ah!  Four pm sharp, huwag mong kalilimutan."

"Oo na," iritado kong ani. I guess I just have to deal with this. Mabuti na rin siguro 'to para makausap ko si Ranzel at masabihan ko siya na hindi ako interesado sa kanya, na pumayag lang ako dahil sa pangungulit ni Lara. It's better to  give him an idea what's my stand on this para hindi na kung ano-ano ang isipin niya.

It's better to tell him straight to his face what is this for than to give him false hope. Mas mahirap 'yon, well. . . that's base on experience. Isa pa, ayokong maging katulad ng isa d'yan.

I think Ranzel was somehow serious about his thing for me. He's persistent, kung hindi ko nga blinock ang number niya ay malamang marami pa akong text messages na matatanggap  mula sa kanya. Pero hindi rin ako ganoon ka sure, baka kasi makulit lang talaga siya, mahangin at sobrang presko.

"Focus Chantal!" bulong ko sa sarili habang nagbabasa ng libro. Nasa bench ako at naiinis na ako sa sarili dahil panay ang baling ko sa mga taong dumadaan. I really hate that I'm expecting him to suddenly show up after our conversation.

Hindi na talaga magpapakita iyon sa 'kin. I already confronted him. 

I sighed and close my book, wala namang pumapasok sa utak ko kaya mabuti pang umuwi na ako. Dumaan muna ako sa grocery para bilhin ang mga kailangan kong supplies sa bahay, lalo na mga panlinis dahil balak kong maglinis ng condo bukas. Sabado kasi at wala naman akong ibang gagawin bukod sa pagsagot ng emails. Bumili na rin ako ng dress para sa upcoming book signing ko. Excited ako na kinakabahan kaya pinaghahandaan ko talaga.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now