CHAPTER 46

35 3 0
                                    

CHAPTER 46 | Reunion |

"Are you sure you'll be fine here?" I looked at Yijin while he's putting my luggage down. Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. Napagod ako sa haba ng biyahe namin kaya parang gusto ng bumagsak ng katawan ko sa kama.

Yijin scanned me as if he don't believe what I said. He also look around our old house. Napatingin din tuloy ako sa paligid ng bahay, pakiramdam ko may kung ano'ng bigat ang sumampa sa dibdib ko. My heart churn because I badly miss this place so much. This is where I grow up with my mother and father.

"Don't worry, everything is fine here. May caretaker naman at from time to time na nililinisan ang bahay," ani ko kay Yijin nang bumalik ang tingin ko sa kanya.

He sighed and walked closer to me. He held both of my hands and interwined our fingers to each other.

"Maybe I should stay a little longer? I'll cook you food?" I look at his eyes and smile.

"Huwag na, you're also tired from the the travel. And I'm sure Tita is expecting you right now. Baka nga hinihintay ka na no'n ngayon sa bahay ninyo."

He pouted cutely kaya natawa ako. Napatingin ulit ako sa buong buhay, I really miss it and I feel like I need an alone time to reminisce everything here.

"Are you sure you'll be okay here? Call me if you need anything o kung may problema sa bahay n'yo." Tumango ako sa kanya.

"Yes po." I hugged him longer and he lets me. Pagkatapos ay hinatid ko na siya sa gate namin.

"I'll call you later, bago kita sunduin," aniya nang makahanap ng sasakyan. Kumaway na lang ako at tumango sa kanya.

Mamayang gabi ay may night party sa malapit na hotel kung saan gaganapin ang kasal ni Cruzel, napag-usapan namin na susunduin ako ni Yijin at sabay na kaming pupunta roon. Maaga pa naman kaya matutulog na lang ako buong maghapon para may energy ako buong magdamag. I'm sure the girls will not let me sleep later, lalo pa't nasa iisang room lang kami mamaya. I want to spend the whole night with them either, kahit na marami pa kaming oras sa susunod na mga araw dahil magtatagal naman ako rito.

Saglit muna akong nagmuni-muni sa bahay namin. Binisita ko ang terrace, ang backdoor at ang ibang parte ng bahay na na-miss ko. My room is still full, nandoon pa rin ang mga abobot ko at mga damit na hindi nadala. Malinis ang lahat at sinigurado talagang walang alikabok.

Hindi na nakayanan ng katawan ko at agad na akong nakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras lang akong nakatulog, bigla kasi akong nagising sa maingay na yapak ng mga paa. I'm still half asleep nang may kumatok sa pinto ko, malakas ang mga katok at tila nagmamadali.

Bumangon ako sa kama, saglit kong pinasadahan ang suot na pajama at napailing. I brush my hair using my fingers before opening the door.

"Chantal!" Biglang nilipad ng hangin ang antok ko nang makita ang dalawang babae na sobrang miss na miss ko na.

Chloe and Seri both look fine and gorgeous as they stood in the door of my room. My mouth agaped upon seeing them.

"Oh, my—"

"Na-miss ka namin!" Wala pa akong nasasabi ay pareho na silang tumalon sa 'kin para yakapin ako. Halos mapiga na ako sa higpit ng pagkakayakap ni Chloe at Seri. I laugh and hug the both of them. Sobrang miss na miss ko rin sila.

Tears started to pooled in my eyes. Sobrang saya ko na nakita ko ulit sila. I miss their hugs and presence so much!

"Na-miss ko rin  kayo!" I said and my voice immediately cracked.

"Ano ka ba! Bakit ako naiiyak!" Natawa ako nang marinig ang basag din na boses ni Chloe. Bumitiw sa pagkakayakap si Seri at nakita kong namumula na ang mga mata niya. Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ni Chloe kaya naramdaman ko ang paghikbi niya. I hugged her more because of that. Tuloyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko. I didn't expect na magiging ganito ka-emosyonal ang pagtatagpo namin ulit.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon