CHAPTER 15

32 2 0
                                    

CHAPTER 15 | Pages |

I wiped my own tears. Mabagaan ang dibdib ko, parehong natutuwa at nalulungkot. Katatapos ko lang makapagsulat ng isang nobela. Ganito talaga kapag ending scene na lagi akong naiiyak. Lalo na kapag ikinakasal ang mga bida o ’di kaya nag-propose ang isang bida.

It’s the ending, and I have to close the pages now.

Natutuwa ako na natapos ko na ang kwentong ito, another achievement unlocked. Pero nakakalungkot kasi mami-miss ko ang mga characters, ang mga taong sumuporta sa ‘kin, at ang buong journey ko sa pagsusulat ng kwentong ito.

Pero gano’n talaga, eh. Sa bawat kwentong isinusulat, mayroong kataposan. Ang totoo, parehong malungkot ang kwentong meron at walang katapusan. Pero mas masayang kalungkotan ang kwentong may ending.

Everyone deserves an ending so they can turn another page of a book.

Gano’n din sa buhay ng tao, may mga parte na kahit ayaw natin kailangan nating taposin at isara. Kasi kapag hindi natin ginawa, hindi tayo makakausad.

People needs to turn their pages so they can move forward and not remain stagnant. There’s more to look forward ahead. We can still turn the pages while having the learning we had, the experience we had on that certain page.

Ilang minuto kong ikinalma ang sarili bago ko isinarado ang laptop. Tapos na talaga. Maghihintay na lang ako sa magiging feedbacks ng mga readers ko, it matters to me. Sana ay natuwa sila at may natutunan sa kwento na isinulat ko.

Napatingin ako sa calendar na nasa study table ko, ilang araw na lang birthday na ni Chloe pero wala pa ’kong naiisip na regalo para sa kanya.

Two days before Chloe’s birthday, I decided to buy her a shoes. It’s random but I’m sure she’ll love it kasi mahilig talaga sa sapatos si Chloe.

Naging maingay rin ang GC namin dahil sa upcoming birthday niya, she’s inviting all of us at gano’n nga ang nangyari nang mag-Sabado. Chloe don’t want to celebrate her birthday extravagantly kaya intimate dinner ang naging setting namin with her family. Kami lang ding mga malapit niyang kaibigan ang invited.

“So, how is everyone doing?” tanong ni Tita Chela nang magsimula kaming kumain. “Lalo ka na Yijin, I heard you’re preparing for your college?” Napatingin ako sa katabi kong si Yijin. He’s wearing a simple black t-shirt and jeans but he looked dashing as always, seriously. . . kailan ba pumangit ang lalaking ’to?

“Okay naman po ako Tita, and nakapagplano na rin po para sa college,” sagot niya. Napansin siguro ni Chloe ang titig ko kay Yijin kaya sinipa niya ang  paa ko sa ilalim ng mesa. Nang tingnan ko siya ay nakangisi na siya sa ’kin. Inirapan ko lang naman.

“What’s your plan? Kayo, ano’ng plano ninyong lahat? Don't take me wrongly, nakakatuwa lang kasing malaman ang mga plano ng mga kabataan na gaya n'yo ngayon.” Tipid akong napangiti kay tita. Itinigil ko na ang pagtingin kay Yijin, wala na ’kong excuse kasi hindi na siya ang nagsasalita.

“I‘ll take up engineering po next year, saka may nakita na po akong magandang school sa City,” aniya. Bahagya naman akong nagulat sa choice of career niya. Engineering?

“Civil ba?” tanong ni Tita na tinanguan ni Yijin. “So, you want to become a civil engineer! Wow, ngayon pa lang proud na ‘ko sa ’yo Yijin.”

Engineer? Naku, mas mahirap ka nang abotin niyan? Pati pangarap ang taas!

Eng. Yijin Lorenzo, Eng. Lorenzo. Grabe bagay sa kanya, ang guwapo pakinggan.

“How about you guys?” Napaayos ako nang upo, muntik na ’kong mag-space out.

“Ahm, I’m planning to take up Psychology tita,” sagot ko dahil ako ang kasunod ni Yijin. Napatango naman si tito, he’s a psychiatrist kaya nagustohan niya ang sagot ko.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now