CHAPTER 33

26 2 0
                                    

CHAPTER 33 |  Happy  |

I'm lost for words after what Yijin said. My heart is pounding so crazily and it's so hard to breathe right now. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula sa kanya.

He said it's familliar. . . hindi naman kaya?

Mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang ma-realize na baka kaya pamilyar sa kanya kasi ang kwentong 'yon. . . sa kanya naka-base. I have him in mind while writing the male lead. An almost perfect guy everyone is crushing.

"Do you know that story?" Napaayos ako ng upo nang bumaling siya sa 'kin para sa tanong niya.

I almost stop breathing because of it, sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Spur of the moment at agad akong nakatanggi. "H-hindi ko alam 'yung story," I denied. "Baka h-hindi ko pa nabasa," utal kong ani. Oh, my Chantal! Anong hindi pa nabasa eh, ikaw nga 'yung nagsulat!

Yijin nodded slowly. I weighed on my seat and tried to relax, baka mahalata ni Yijin na nagsisinungaling ako.

"You know what's interesting?" aniya.

"Uhuh?"

"I stalked the writer and she haven't revealed her identity yet. She's mysterious and cool." Mas lalong bumigat ang paghinga ko.

"Talaga? Nakakatuwa naman, alam mo minsan lang ang gano'ng writer dito sa bansa."

"Yeah, pero 'yon lang naman. I haven't read much about novels. Ah, meron pa pala. . . 'yung 'Till The Last Fall ni Ricky Sylvania."

"Oh, I know that. I've read that story years ago and it's really heart breaking," ani ko. Napatingin naman sa 'kin si Yijin.  "The guy there was so mad because the girl leave him, without knowing that the girl suffered more than him and is about to die."

"Yeah, oh. . . the pain! It still hurts," Yijin laughed. Napatingin ako sa kanya at naaliw, I can't believe I'll be talking to him stuffs like this.

But I still can't move on from the fact that he read Lost In The Weather. Oh, my gosh! I think I'm not going to sleep tonight rereading whatever I wrote on there. I admit, I wrote scenes there that happened in reality. Oh, gosh! Sa dami ng story sa reading platform na 'yon bakit isa 'yung story na 'yon sa binasa niya. Mababaliw ako kaiisip kung ano-ano ang nasa utak niya habang binabasa ang kwento. And I even lied to him that I don't know about the story.

Mabuti na lang at. . . mukhang wala namang alam si Yijin.

"It's really late, saan kita ihahatid?" Yijin asked carefully. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses at mata niya. Sa tuwing hinahatid niya kasi ako, laging sa malapit na convenience store sa condo ko o sa malapit na unity park ako nagpapababa. I didn't tell him about my address at alam kong pansin niya 'yon dahil doon ako lagi nagpapababa. I just. . . don't want to tell him, I have this odd feeling na baka puntahan niya rin ako sa condo unit ko. That sounds weird but I can't just tell him, at least I want to keep it for my privacy.

Pero ngayon. . . pagod na ako at sobrang haba ng biyahe namin. Malayo kasi ang book store. Okay lang naman siguro na magpahatid ako sa building, hindi naman niya alam kung saang floor at room ako.

Napailing ako sa iniisip. Nakalimutan kong si Yijin nga pala ang pinag-uusapan, he's a gentleman and I think. . . he will never do what I'm thinking.

"Hmm, pwedeng sa condo na lang? Malapit lang sa convinience store, nasa unahang kalye." I saw the shock on his face, I bit my lower lip and smiled a little.

"S-sige," aniya tila hindi makapaniwala. Kasi sa unang pagkakataon, ihahatid niya 'ko sa mismong building kung saan ako nakatira.

"Bigla kong naalala si, Cruzel. How is he?" I opened a topic, naisip ko kasi silang tatlo ni Klint at Rio, tapos naalala ko na close rin naman si Cruzel sa 'min."

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now