CHAPTER 25

22 2 0
                                    

CHAPTER 25 |  Cry  |

I immediately rushed to the hospital after recieving the call. Nanginginig ang buong katawan ko, buong biyahe papunta sa hospital ay wala ako sa tamang pag-iisip. Umiiyak lang ako ng tahimik, gulong-gulo ang utak ko at kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko.

Pagdating ko sa hospital ay hindi ko alam ano ang gagawin. Nagtanong ako sa counter at itinanong ang pangalan ni Mama. Agad naman nila akong itinuro sa emergency room.

My knees trembled the moment I saw my mother in a hospital bed. Puno ng dugo ang katawan niya at maraming tao ang nakapalibot sa kanya. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari, pakiramdam ko ay tumigil ang oras at wala akong maramdaman sa lahat.

“Mama,” umiiyak kong ani. Sinubukan kong lumapit pero agad na may pumigil sa ’kin.

“Bawal po kayo rito,” ani ng nurse sa ’kin. Umiling ako sa kanya, sinubukan kong lumapit pero agad niyang isinarado ang kurtina. Napaupo na lang ako sa sahig, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Basang-basa ako, magulo ang uniform, at basa ang mga gamit.

“Naku, halika muna rito, hija!” May ginang na lumapit sa ’kin. Pinatayo niya ’ko at inakay papunta sa isang upuan. Pinapagalitan niya ’ko dahil basa ako at nasa gitna ng daan pero wala akong marinig. Everything around me muted.

Ang duguang katawan ni mama ang nagpabalik-balik sa isipan ko. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatunganga. Everyone is busy around the emergency hall, maya-maya ang pasok ng mga pasyenteng nakahiga sa kama. Ang iba ay halos mamilipit na sa sakit.

Isang malaking aksidente raw ang nangyari sa San Rabaja Street. Nawalan ng preno ang isang jeep at maraming sasakyan ang nadamay.

Napaahon lang ako nang buksan ng isang nurse ang kurtina. Nagmamadali akong lumapit sa kanila.

“Doc, a-ano pong nangyari sa Mama ko? Okay lang po ba siya?” I asked breathily, sigurado akong magang-maga na ang mga mata ko kaiiyak. Ni hindi ko magawang matawagan si Papa dahil balisa ako.

“Sa ngayon, hindi pa maayos ang kalagayan ng Mama mo, she’s unstable. We need to transfer her in ICU, may iba ka bang kasamang kaanak? She needs an immediate operation.”

“Legal na po ako, I can be her guardian.” Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi kong iyon. The doctor looked at me, para bang hindi niya ako mapagkakatiwalaan dahil mukha akong miserable. “Doc, I can call my father,” dagdag ko agad tinanguan niya.

Inilabas nila si Mama at inilipat sa ICU, I held her hand while she’s being transferred. May oxygen sa kanyang ilong at kung ano-anong aparatus ang nakakabit sa kanyang katawan.

Hanggang pintuan lang ako, bawal daw akong pumasok ng ICU. Wala na naman akong nagawa kun’di ang umiyak. I sat on a chair outside the ICU, sumasakit na ang ulo ko kaiiyak pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili.

My mother is in danger right now! The fact na nasa ICU siya, hindi siya okay. Sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko, hindi ko kaya kung mawawala siya. Hindi ko kaya. . .

Bakit naman sa kanya pa nangyari ’to? Maayos siya bago umalis, eh. Bakit naman ganito?

My phone rang. Agad kong kinuha iyon sa bag ko at nang makitang si Papa ang tumatawag ay gusto ko na lang maiyak.

“P-papa,” basag ang boses ko nang sagutin siya.

“A-anak,” I heard his weak voice. Mas lalong nadurog ang puso ko dahil mukhang alam na niya.

“Papa, si Mama po. . .” umiiyak kong sumbong sa kanya. “Papa si, Mama!” Ang hirap huminga, para akong sinasakal. Baradong-barado na ang ilong ko at lumalabo na naman ang mga mata ko. I wiped my tears to tell some details to my father pero puros paghikbi lang ang nagagawa ko.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now