CHAPTER 06

33 0 0
                                    

CHAPTER 06 | Saved |

______________________________

After having an exclusive interview with President, agad ko nang sinimulan ang scrip ng life story niya. I often ask Seri and Chloe kung okay ba sa kanila or baka may gusto silang bagohin. Hindi ko gamay ang pagsusulat ng script that's why I'm constantly asking my friends if it's okay.

Masyado akong pressured dahil alam ko na hindi basta-basta ang responsibility na ibinigay nila sa 'kin.

Seri and Chloe were laughing because of my worries. They will always say to me to loosen at up at maganda naman daw ang gawa ko kaya wala akong dapat na ikabahala. Naging malaking tulong talaga ang support nila sa 'kin.

After a week of writing, revising, and editing. . . I finished the script. I'm really glad that the result turned out well, President liked it. Pagkatapos makita ang reaction niya ay nakahinga ako nang maluwag.

"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Maganda ang gawa mo kaya wala kang dapat na e-worry." I smiled at Seri, her words are always giving me comfort.

"Aw, thank you! Na-touch naman ako," pabiro kong ani. She just chuckled at me.

"Tiwala ka lang sa sarili mo okay? Someday you're going to be a famous writer. Kaya nga kami nagse-selfie ng marami kasama ka para kapag dumating ang araw na sikat na sikat ka na, hindi mo kami makakalimutan at may ebedinsiya kaming maipapakita sa mga fans mo na BFF mo kami. Ipagmamayabang ko ang mga pictures natin kapag nangyari 'yon."

"Sira!" natatawa kong ani sa mahabang litanya niya.

"Seryoso kasi! Ang hirap kaya magsulat at mag-isip. Talent 'yan kaya dapat lang na palaguin mo."

Kailangan nga ba 'to nagsimula? Ang pagkahilig ko sa pagsusulat?

I remember the time when the idea of writing a story was introduced to me. I was young then and know nothing about the world. May kakilala akong nagsusulat at nabasa ko ang akda niya. I was amazed then, binalak ko rin na magsulat ng sariling akda ko but my thoughts then was. . . I'm too young, wala akong gaanong alam at mamaya na lang kapag marami na 'kong experience.

Unexpectedly, hindi ko akalain na babalikan ko ang idea ng pagsusulat. I was in Grade Seven when I started writing stories on my notebook. Tanda ko pa ang unang story na isinulat ko tungkol sa isang babae na binubully sa school nila ng isang campus hottie. It was cringe and cliche but I enjoyed doing it. Ang tanging readers ko lang noon ay mga kaklase ko na tuwang-tuwa naman. Back then, I don't have any experience about love. Lahat ng sinusulat ko, lahat ng idea ko sa love, kinukuha ko lang sa mga nabasa ko at napanood sa TV. I have a definition of love, pero sa mura kong edad, sobrang babaw pa noon. I don't really have an idea about love when I started writing.

Grade Nine nang sinubukan kong tahakin ang mundo ng online writing. That time, may idea na 'ko kung ano ang love. It was a mixture of happiness, excitement, desperacy, and pain. Love is powerful more than I imagined.

I had a boyfriend. . . it was fun, exciting, chaotic, nerve racking, and painful. My first relationship didn't ended up well. For a young heart to get broken, it was painful.

It took me a long time to heal my heart and to move on. I diverted my attention in reading and writing, I take that experience of failed relationship to be my stepping stone in writing a more realistic story, at least for me.

And that path took me where I am today. I can proudly say that in my name, there's a writer anchored on it.

"Nagugutom ako, manlibre ka since successful ang script writing mo!" Pabiro akong siniko ni Seri. Binubudol na naman ako ng babaeng 'to!

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now