EPILOGUE

33 4 3
                                    

EPILOGUE | The Final Pink Sky |

"Shali! You have to do your laundry now!" We heard a scream from the laundry room but she chose to ignore it. She clicked her fingers, ready for the long typing but when she looked at me, I gave him a, "What are you still doing here?" look. She lazily rolled her eyes and prepare herself to shout.

"I'll do it later, okay? This is important!" she shouted back, we waited for a response but there were none. She smiled michivously at me and raised her eyebrows.

"So, I want to know how, why, when, and where everything happened!" I sighed, I know I had no choice but to tell her everything!

I knew the first time I saw her, I instantly had a crush on her.
Mahaba ang buhok, naka-itim na dress, mapungay ang mga mata, hindi gaano matangkad, katamtaman ang kulay ng balat, at ang hindi ko makakalimutan. . . ang ngiti niyang sobrang gandang pagmasdan.

 
I still vividly remember the first time I saw her in our church, akala ko visitor lang at taga ibang lugar at sa susunod na Linggo hindi na babalik.

"Hello, ano'ng name mo?" tanong ni Seriah sa kanya nang makausap ito sa hallway.

Dahan-dahan lang ang lakad ko, gustong makinig sa usapan nila. Natural sa 'kin na kausapin ang mga taong bumibisita sa church lalo na kapag hindi pamilyar sa 'kin ang mukha. Kaya lang nahiya agad ako sa kanya, pagpasok niya kasi kanina sa hall parang nabigla ako. . . parang biglang humina ang ikot ng mundo dahil sa kanya. Nakakapanghina.

"Chantal, Thalia Chanel ang pangalan ko pero, Chantal na lang," aniya.

Chantal. Pangalan at boses pa lang napakaganda na.

"Hi, ako nga pala si, Seri! Tapos ito naman ang friend kong si, Chloe. Welcome sa church! Ilang taon ka na?"

"Ah, nice to meet you, sixteen pa lang ako, kayo ba?"

"Oh, magkalapit lang pala ang mga edad natin," ani Chloe.

Lalagpasan ko na lang sana ang mga girls nang bigla akong tinawag ni Seriah.

"Uy, Yijin! Si, Chantal nga pala, bago siya rito."

Natigilan ako sa paglalakad, aaminin kong medyo kinabahan ako kay Seri. I calmed myself before smiling at them. 

Sa unang pagkakataon, nagtama ang mga paningin namin. Saglit lang 'yon dahil agad siyang umiwas pero para sa 'kin, hindi ko makakalimutan ang unang pagtatama ng mga mata namin na iyon.

Ngumiti siya at tumango sa 'kin, mukha siyang mahiyain at tahimik. . . katulad ko.

"Hi, nice to meet you, welcome sa church. Ako nga pala si, Yijin." Inabot ko sa kanya ang kamay para makipag-shake hands, normal na batian iyon sa 'min kapag nasa simbahan kaya madali sa 'king gawin.

Ngumiti ulit siya bago nakipag-kamay.
"Nice to meet you, I'm Chantal," tipid na aniya.

Saglit na conversation lang 'yon dahil biglang dumating sina Rio at Cruzel upang batiin din siya. May tumawag naman sa 'kin kaya agad din akong nagpaalam sa kanila.

Akala ko iyon na ang una at huling pagkakataon na makikita ko siya. She kinda stayed on my mind for a week kaya hindi ko alam kung ano'ng level ng tuwa ang naramdaman ko nang makita ko ulit siya sunod na Linggo.

I discovered na matagal na pala siyang member ng simbahan, ang family niya actually. Kalilipat lang nila ng bahay rito sa Lusiento kaya dito na rin siya magsisimba for good. Maganda iyon dahil madadagdagan na naman kami.

Chantal and I were. . . friends, sa social media accounts. Pero sa personal hindi kami gaanong close. Mahiyain siya at ganoon din ako, kapag naman may activity sa church hindi siya gaano nagsasalita unless sina Seri at Chloe ang kasama niya. Pansin ko na sila lang ang kinakausap niya nang mahaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon