CHAPTER 19

16 2 0
                                    

CHAPTER 19 | Debut |


Yijin greeting me exactly twelve in the morning seems so impossible. . . but it’s real!

Ilang beses kong ni-refresh ang app pero totoo nga! Hindi ko guni-guni ang lahat!

Dahil sa chat na iyon ay agad na tinangay sa bintana ang antok ko. Nagising ang buo kong diwa. My hands were shaking because of excitement, embarrassment, kilig. . .  everything! Everything I felt is so foreign.

Pakiramdam ko ay may nauna nang nag-party sa loob ko dahil sa chat na iyon ni Yijin!

Thalia Channel Lastimosa:

Thank you!!

Thalia Channel Lastimosa:

Grabe gising ka pa?

I bit my lower lip after sending my replies. Hindi naman yata ako mukhang desperada ’no dahil dalawa agad ang reply ko?

Yijin Lorenzo:

Hindi lang makatulog, ikaw ang matulog na kasi magiging busy ka whole day.

Mas lalo akong napangiti sa reply niya. Wala na! Buo na ang 18th birthday ko dahil sa kanya!

Thalia Channel Lastimosa:

Kaya nga, thank you ulit! Good night.

Yijin Lorenzo:

Good night po 

Nag-react na lang ako sa reply niya kahit gusto ko pang mag-reply, natunaw na ang puso ko sa "po" niya.

Kinaumagahan ay mas maaga akong ginising ni Mama kaya medyo antok pa ’ko nang bumangon. Sobrang excited niya na halos buhatin na niya ’ko papuntang banyo dahil masyadong mabagal ang kilos ko.

“Chill lang Ma, okay? Sobrang haba pa ng oras. Umaga pa po, bawal po magpa-stress,” malambing kong ani sa kanya. Para kasing siya pa ang mas kinakabahan sa ’ming dalawa para sa araw na ’to.

My mother sighed heavily and then she hugged me, “Happy birthday my forever princess.” Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

“Thank you po, I love you my forever, Love.”

“Sige na, maligo ka na!” aniya nang bumitiw sa pagkakayakap sa ’kin. Bahagya naman akong napasimangot.

“Mama naman, eh! Ang excited!” Inirapan niya lang ako at tinulak na talaga papuntang banyo.

Naging abala ako buong umaga sa pagtawag at pag-reply sa pagbati ng mga relatives at friends ko. May mga minor details din akong inayos at ni-make sure na magiging okay ang lahat.

Nang maghapon ay nauna na kami nina Seri at Chloe sa resort kung saan gaganapin ang debut ko. I had a final fitting there and a photo and videoshot for my pre-debut video. Nakasuot kaming tatlo ng black and white robe habang nagkukulitan sa sofa para sa shoot. Nagpahinga kami saglit pagkatapos ng shoot tapos ay nag-proceed na kami para magpa-make-up.

Habang palapit nang palapit ang oras, mas lalo akong kinakabahan. This is my grandest birthday party ever at sa totoo lang, medyo hindi ako sanay sa ganito. Habang inaayosan ako ay pakiramdam ko lalabas na ang kaluluwa ko sa katawan.

“Happy birthday muna for now, mamaya na ang birthday message at baka maiyak ka rito at mawalan ako ng linya mamaya,” biro ni Seri habang inaayosan kami.

Chloe laughed with us, “The same for me as well.”

“Kamusta na kaya ang mga boys?” Seri asked. Well, nasa kabilang room sila at doon naghahanda. Nakasama ko rin sila sa shoot kanina.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now