CHAPTER 05

40 1 0
                                    

CHAPTER 05 | Teasing |

Bakit parang inaasar nila ako kay Yijin ngayon?

Hindi lang parang. . .  talaga, inaasar talaga ako nila kay Yijin!

Bakit biglang kay Yijin nila ako inaasar?

It reminds me the way they teased me to Cruzel. Noong nalaman nilang may something sa ‘min ni Cruzel. Pero iba ‘to, eh. Pati mismong leaders namin ang nang-aasar!

Bakit nila ako inaasar kay Yijin. Paano? Wala namang ibang nakakaalam sa nangyari noong gabing pumunta kami ng fastfood chain. Bukod kina Seri syempre.

“Ibibigay ko po muna ‘to,” paalam ni Yijin bago umalis ng office. May hawak siyang papel na hindi ko alam para saan.

Nagkibit lang ako ng balikat bago umupo sa upuan katapat ng lamesa ni President. Katabi ko si ate Ruby na abala sa mga papeles.

“Bakit n’yo po ako pinatawag?” tanong ko.

“May ipapa-confirm lang na file, wait lang hanapin ko,” ani ate Ruby. Tumango naman ako at hinintay siya.

“By the way, nasabihan mo na ba siya tungkol sa script?” Napatingin ako kay President nang sabihin niya ‘yon.

“Ah, oo nga pala!” Bumaling ako kay ate Ruby.

“Ano po ‘yon?” tanong ko.

“Gagawa kasi kami ng short video na e-fe-feature ang life story ni President. Isang inspiring video na ipapakita kung paano ang pananampalataya sa Dios ay nakakatulong sa mga tao.”

“So, parang short film?” I said asking.

“Parang gano’n.” Tumango-tango si ate Ruby. “Napag-usapan namin na humingi ng tulong sa ‘yo para sa script. Syempre alam namin na magaling ka sa pagsusulat.” My eyes widened a little.

I felt excited at the same time nervous, medyo nagulat ako kaya matagal bago ako naka-respond. Syempre, it’s a great honor na makatulong at ma-share ang talent mo but at the same time, kabado ako. I doubt it, hindi naman kasi ako script writer, novel writer ako at mas magaling akong mag-imagine. Hindi ko alam paano sumulat ng script o gumawa ng story mula sa totoong nangyari.

“P-wede naman po? Susubukan ko,” I said, still doubting myself. Nag-uunahan talaga ang mga takot ko sa ganitong mga bagay. I’m still not confident about it.

Kapag nga pinagmamayabang ng mga kaibigan ko na isa akong writer ay nahihiya ako. Lalo na kapag tinatanong ng mga tao kung ano ‘yung mga sinusulat ko at saang platform ako nagsusulat. Natatakot akong baka basahin nila ang mga sinulat ko at hindi nila magustohan.

Proud lang yata ako na writer ako pagdating sa social media. Sa realidad at sa mga taong nakapalibot sa ‘kin ay hindi. At least kasi sa social media hindi ko personal na kilala ang mga taong aayaw sa ‘kin. Hindi ko personal na makikita ang reaction nila sa tuwing hindi nila gusto ang story ko. At least I can hide, hindi katulad kapag nasa harap ko na mismo ang mga tao.

Takot talaga akong mahusgahan at hindi magustohan. Hindi lang sa pagsusulat ko kun‘di ako bilang tao.

“Naku, alam namin na kaya mo ‘yan!” Ate Ruby cheered me up, she even tap my back. “Oh, ano ikaw na aasahan namin sa script, ah? Interview-hin mo na lang si, President para sa kwento niya.” I felt pressured pero tumango na lang ako.

Inisip ko na lang na another experience and challenge ‘to para sa ‘kin. Wala namang masama kung susubukan ko. I should take this as a challenge.

“Hindi ka naman busy ‘di ba?” tanong ni President. Hindi ko alam kung bakit parang nagtatago ng ngiti si President.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now