CHAPTER 17

25 1 0
                                    

CHAPTER 17 | Escort |

Research approved!

Masaya ko sanang ibabalita ’yon sa GC namin, I didn’t open my phone for four hours kaya sigurado akong marami ng messages sina Seri at Chloe sa ’kin.

But it feels like lightning struck me.

Wala silang reply sa ’kin, hindi nila pinansin ang message ko. Instead, they just sent photos of them in Napcheco’s house together with Vion.

I felt sad, pakiramdam ko may tumarak sa puso ko. Dapat masaya ako ngayon dahil approved kami pero nakakatanga dahil parang bula na nawala ang tuwa na ’yon.

I’ll stab myself to death kapag sasabihin kong hindi ako nasaktan. Na hindi ako nagseselos.

Tumingala ako upang pigilan ang aking luha. Ano ba naman ’yan Channel! Ang babaw mo naman!

Ewan ko, hindi naman ako galit sa kanila. Syempre, hindi lang naman ako ang dapat na kaibigan nila. Pero pakiramdam ko pinapalitan ako ni Vion, parang nawawala ako sa picture.

Maybe I’m just overthinking things but it still hurt.

I decided to unsent my message and deactivate my Facebook account. Ayaw ko munang makita ang pictures nila. Pity me.

Alam kong mali ang mag-selos, envy should not filled our hearts. Pero hindi ko talaga mapigilan ngayon, eh.

Umuwi ako ng bahay na may ngiti sa labi. Of course, I need to face my mother with a smile. Baka magtaka siya na approved naman research namin pero malungkot ako.

“I’m so proud of you Channel! Mana ka talaga sa ’kin,” ani Mama habang pinapaulanan ako ng halik sa mukha. Proud na proud siya kaya natawa ako.

“Hindi lang ’yan, iti-treat pa kita bukas!”

“Hmm, hindi ba dapat ako ang mag-treat sa ’yo? Ikaw ’tong may achievement eh,” aniya.

“Ma, promise ko po sa ’yo ’tong treat na ’to kaya ako ang bahala. I saved up for this,” I said smiling at her.

“Such a lovely girl,” aniya sabay yakap sa ’kin.

“Aww, so sweet.” I hugged her tighter to comfort myself, ang lungkot kasi ng puso ko.

“Sakto rin at pupuntahan natin ang organizer na tutulong para sa debut mo,” she said excitedly. Nanlaki naman ang mga mata ko.

“Talaga?” tuwang-tuwa kong ani. Debut means a lot for me. It’s one of my dreams! Hindi man sobrang engrande, pero pangarap ko talaga na makapag-debut in a traditional way.

“Yes, and your father promised na uuwi siya!”

“Wow! The best po talaga kayo!” Niyakap ko ulit si Mama at pinaulanan ng halik. My mind was occupied with my debut, it’s two months from now and Mama is so excited for it. Ako rin naman.

Kinabukasan nga ay nagpunta kami ni Mama sa mall, I treat her lunch in her favorite go to restaurant while video calling Papa. Pareho silang excited para sa debut ko, muntik pa ngang mag-drama dahil dalaga na raw talaga ako. Hindi na minor ang baby nila.

As an only child I understand them, hindi sila naging sobrang higpit sa ’kin pero ramdam na ramdam ko ang sobrang pagmamahal nila at pag-aalaga sa ’kin. I’m such a lucky girl to be honest, I grow up with their love, they nurture me and lead me to grow in church. 

Pagkatapos naming mag-lunch ni Mama ay dumeritso na kami sa office ng isang event organizer. Mabuti na lang at may office sila rito sa mall at hindi na namin kailangan bumiyahe.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now