Chapter 1

8K 116 1
                                    

How it's started,

















Nagmamadali akong bumaba sa hagdan namin dahil mahuhuli nanaman ako sa pagpasok, scratch, late na pala ako. It sucks, maaga pasok mo tapos nakuha mo pang magpuyat? Maybe the word "punctuality" doesn't exist in my vocabulary.

Before that, I'm Rainiel Louise Villarreal, a psychology student and currently on my last year, I'm 22 years of existential crisis.

Pagkababa ko agad akong dumakot ng isang hotdog at kinagatan ito, wala na akong oras para kumain.

"Itong batang 'to, kumain kana muna, Rai." Narinig ko si nanay, nasa labas na ako ng bahay at tumingin sa kaniya.

"Huwag na po, mahuhuli na ako, love you!" habang kinaway ang hawak hawak ko na pagkain. Nagmamadali ako pumunta sa sasakyan ko, I owned rolls-royce cullinan color white. Nang makapasok na ako biglang tumunog ang phone ko.

"Hell-" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang mag salita siya.

"Nasaan kana? Alam mo bang galit na gali-"

"Is that Villarreal? Give me your phone at kakausapin ko lang ang batang 'yan." I know what's coming next, he's my professor, alam ko naman hindi na bago sa akin 'to pero, halos pare-parehas lang ang pangaral nila sa akin, e.

"Villarreal, pag wala ka pa sa loob ng limang minuto, bibigyan na kita ng malalang disciplinary action, at huwag mong idadahilan na dahil malayo ang bahay mo sa unibersidad." Mahabang litanya niya, napangiwi nalang ako.

Ano gusto niya? Paliparin ko ang sasakyan ko? Mabuti sana kung maayos ang kalsada sa pinas, e ang lala sobra ng traffic, jusko.

"Are you listen-"

"Chappy kayo, sir, hehe bye!"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at binaba ko na phone ko.

When I arrived at university nakita ko agad si manong guard, sana hindi pa siya sawa sa pagmumukha ko dahil ako nalang ang huling pumasok.

"Oh, tropa, late ka nanaman, buena mano kana sa akin." Pabirong hayag niya, mabait naman si kuya guard, nginitian ko lang siya at mabilis na tumakbo papasok sa elevator.

"Teka miss!" habol ko para makapasok, pinindot ko na kung saan floor ako. Nang makarating na ako agad ako tumakbo sa dulong room, bwisit bakit kasi sa dulo pa ako, e.

Baka nakalimutan mo na merong elevator din sa tabi ng room mo?

Oo nga pala, pasensya na tanga lang minsan.

Nang makarating na ako agad ako sumilip sa bintana, fudge, nagsisimula na sila.

"And our topic for today is.....Miss Villarreal bakit late ka nanaman?" bigla akong nagulat dahil sa prof ko, syete may lahi ba 'tong cctv para makita ako agad.

"Huwag kana magtago, huli kana, pasok!" napakamot nalang ako sa batok ko at nahihiyang pumasok, kita ko mga tinginan ng mga classmates ko.

Oh bakit? Inggit kayo? Magpalate rin kayo.

Nang makaupo na ako sa tabi ng bintana, nakahalumbaba akong tumingin sa labas, wala akong gana para makinig sa kaniya.

"Villarreal, are you listening?" nabasag ang pag mumuni-muni ko nang marinig ko nanaman siya, tumingin ako sa prof namin.

"Yes po, sir." Sagot ko kahit hindi naman, napataas ang isa niyang kilay at sinara ang libro.

"Okay, tell me what's the answer for number one." Tanong niya, tumingin ako sa kaibigan ko pero she just shrugged her shoulder, salamat, napakalaki ng ambag mo.

"Uhmm," patingin-tingin ako sa orasan, bilis kaunti nalang matatapos na siya.

"Uhm? Come on, stop wasting my time." Ramdam kong nauubusan na siya ng pasenya.

"An-"

"Okay, sir, time kana." Nakangiting sabi ko sa kaniya at napatingin naman siya sa orasan.

"Tsk, magtutuos pa tayo, see you class!" pag papaalam niya, nakangiti lang ako habang umupo, hehe talino ko talaga.

"Bwisit ka talaga, Rai ipapahamak mo pa ako!" singhal sa akin ng kaibigan ko.

She's Cassidy Dela Cruz, hindi kami childhood friend, ngayong college lang.

"Sorry, sa uulitin." Sabi ko sa kaniya at inirapan lang ako. Nagpatuloy lang ang klase hanggang sa mag lunch break na.

"Tamo, pagpasok sa klase, late ka, pero sa lunch, ang bilis bilis mo!"

"Duh, masamang paghinatayin ang grasya." Sabi ko sa kaniya habang naghahanap kami ng mauupuan.

Nang makahanap na kami, hinihintay nalang namin 'yong isa pa.

"Sorry, late na kami pinalabas."

"That's okay makunatz." Natalie rolled her eyes at umupo sa tabi ko.

"Stop calling me that." Her name is Natalie Jimenez, a political science student. Hindi sa pag d-down ng sarili pero siya ang maganda sa aming tatlo, magandang single, well, magaganda rin naman kami, kaso iba lang sa kaniya. Binigay na namin kay Cass ang order namin, siya naman ang taya ngayon.

Nang makarating na siya nilapag na niya sa lamesa ang mga pagkain.

"Don't tell me na late ka nanaman, Rai." I heard Natalie asked me, I'm busy munching my food.

"Yeah, as usual, busy ata sa kakahanap ng lalaki kaya napuyat." Sabi ni Cass, what she'd said caught my attention .

"Alam mo naman na hindi ko gawain 'yan, I would like to wait than to find."

"Sabagay, wala ka bang plano mag try kahit isang beses? Look, bente dos kana tapos wala ka pa rin experience." She added, Natalie shrugged her shoulders. Huminto ako at tumingin sa kaniya.

"I'm not like you, okay? Kung ikaw pa iba-iba ang kasama every week, ako mas gusto ko mag settle by my own or wait for that person."

Sa aming tatlo si Cass lang ang playgirl, Natalie? Masyadong busy sa pag aaral, kulang nalang 'yong libro na ang pakasalan niya. Me? Same as Nat.

Pero minsan na c-curious ako bakit single pa rin siya, nasa kaniya naman na lahat.

"Stop making excuses, just say hindi ka lang marunong lumandi. Girl, live your life, go explore, hindi ka palaging twenty-two years old." Sabi niya pa.

"Yeah, mas pipiliin ko pa maging ganiyan kesa matulad sa'yo. I'm living my life, hindi nga lang gaya sa'yo which is every week ibang guy or girl ang kasama. I pity you, to be honest."

"Cut it out, baka magkainitan kayo." Napansin niya ata ang tensyon sa amin kaya nagsalita na si Natalie.

"Cassidy, you should understand na hindi lahat ng tao ay gaya mo, play play lang ang gusto." Napasimangot lang si Cass, hindi naman ako galit sa kaniya, totoo naman din sinabi niya about sa akin.

"Sorry, hindi na nga e." Paghihingi niya ng tawad.

"We should respect each other decisions and choices, hindi sa lahat ng oras mapipilit natin ang gusto natin." Dagdag niya pa, one of Natalie's characteristic I like, napaka lawak niya mag isip.

"I'm sorry again, Rai." Nginitian ko lang siya.

"I'm sorry If I offend you, ayoko lang masaktan ka sa ginagawa mo." Ngumiti rin siya pabalik.

The high mighty above knows kung gaano ako nagaalala para sa mga kaibigan ko.

Kung susugal man ako, gusto ko siya na hanggang sa huli, I'm not up for their games or something.

Deceive MeWhere stories live. Discover now