Chapter 26

2.1K 56 1
                                    

“Gala naman tayong apat.” Cassidy said on the other line while solving a cube.

“Saan naman?” I asked, habang nag i-scroll sa social media, while Onse and Natalie both reading a textbook, ang sisipag.

“London, Paris, Rome, Tokyo, or Beijing.” Sagot naman niya, agad naman napatingin sina Natalie at Onse sa screen.

“Gusto mo sa North Korea?” dagdag ni Onse kaya humagalpak ako sa tawa, napanguso naman siya habang si Natalie napailing nalang.

“Basta ikaw papadala ko sa Iraq.” Sabay inirapan niya si Onse, pero dinilaan lang siya ni Onse sa screen, napailing nalang ako.

“Seryoso ngaaaa, pwede naman dito nalang sa pilipinas.”

“Bakit ka nagyayaya agad-agad? May kasalanan ka ba?” tanong ni Natalie sa kaniya, napangiwi naman siya.

“Hindi ah, nag bagong buhay na ‘ko, for your information.” At hinawi pa niya buhok niya, nag thunbs up lang si Natalie habang naka poker face.

“Sa susunod nalang natin ‘yan pag usapan, inaantok na ‘ko. 9 pm na, oh. At kayo rin may pasok pa bukas.” Mahabang litanya ko sa kanila, humihikab akong nag paalam at sila rin, pinatay ko na ang monitor.

Humiga na ‘ko sa higaan at biglang may pumasok sa isip ko.

Miss Frontera....

I made a deal na I will make her fall in love with me at dapat ko ‘yon ipakita sa kaniya. Kaya simula bukas may Oplan pahulugin si Miss Frontera.”

Alam kong corny, kaya wala na kayo ro’n, hmp. Edi gumawa rin kayo. Unti-unti ko na pinikit ang aking mga mata.

I woke up at tinitigan ang oras, 3 am palang ng madaling araw. Bumangon ako at pumikit ng ilan beses bago napagdesisyunan na tumayo, dumiretso ako sa comfort room para maligo. Kalahating oras lang ang tinagal ko sa banyo at namili ng susuotin, dapat mag mukha tayong presentable sa harap niya.

I chose polo collar sweater na black, ankle length trousers, and a pair of white shoes. I let my mid length hair fall, I wear glasses also. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Satisfied enough.

“Ang aga natin, nak.” Bati sa akin ni Nanay, nginitian ko lang siya.

“May bago yata sa’yo, anak. Bakit bihis na bihis ka ngayon? May date?” pang aasar niya pa, nanlaki naman ang mga mata ko.

“Wala, nay. Pwedeng nasa mood lang?” sabi ko at pinaupo na niya ako sa dining room. Sus, kunwari wala ka pa

Nang matapos na ‘ko kumain, agad akong dumiretso sa sasakyan ko. I check the time, It's 4 am.

Balak ko siyang sunduin, since hindi ko naman alam kung anong oras siya pumapasok so I decided na agahan nalang.

Masyado ka naman yata nahulog, self. I heaved a deep sigh. While driving binuksan ko naman ang radio ko.

All this time how could you not know, baby?
You belong with me
You belong with me

Napangiti naman ako dahil sa lyrics kaya sumabay na rin ako, halos magsisisigaw na ‘ko sa loob ng sasakyan habang papunta sa subdivision niya.

“Think I know where you belong, think I know it's meeee!!!” kanta ko pa, I chuckled. May kumatok naman sa bintana ko kaya agad kong binaba.

“Ma’am, okay lang po kayo? May naririnig po kasi akong umiiyak.” Tanong ni kuya guard, ano raw umiiyak? Naririnig ba pagkanta ko?

I scratch my nape because of embarrassment.

“Ahh, opo kuya, wala naman akong naririnig na umiiyak hehe, pwede na po ba akong tumuloy?” sabi ko sa kaniya at agad naman niya akong pinapasok, nakakahiya!

Pagkarating ko sa tapat ng bahay ni Ma’am, naghintay lang ako sa loob ng kotse ko. I check the time, 5 am na pala. Naghintay lang ako sa loob, inaantok ako. Sinandal ko naman ang likod ko to relax myself.

Minutes had passed, pero hindi pa rin siya lumalabas, mag a-alas sais na nung tinignan ko ang oras.

Bumukas ang pinto ng bahay niya at nakita ko siyang lumabas, kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.

“Miss!” tawag ko at napalingon naman siya sa direksyon ko, nakita ko kung paano nagkasalubong ang mga kilay niya. Ang ganda niya pa rin.

“Missss Fronteraaaa!”pinahaba ko pa ang pag tawag ko sa apilyedo niya, pero isang irap lang ang natanggap ko, sungit.

“What are you doing here?” iritableng tanong niya, nginitian ko lang siya.

“Sinusundo ka po.” Sagot ko and I moved my eyebrows up and down.

“Mukha ba ‘kong patay?” I chuckled dahil sa sagot niya, ang aga-aga ang sungit, sabagay ano pa ba ang bago?

“No po, pero ako, patay na patay lang naman sa’yo.” And I gave her a winked. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.

“Ugh, alis!” pagtataboy niya sa akin, pero hindi ako nagpadala, kaya mo ‘yan, Rainiel!

“Sabay ka muna po sa akin.” pangungulit ko.

“No,” sagot lang niya.

“Yes,” sagot ko naman at nagpipigil huwag tumawa. Bakas sa mukha niya na naiinis na siya, pero dahil pinanganak tayong makulit, mas mangungulit pa tayo.

“A no is a no.” May diin pa sa pananalita niya.

“A no is a yes.” And I grinned like a kid, napapikit naman siya na para bang pinapakalma niya sarili niya.

“Sabay na po kayo sa akin, please???” I pouted then I point my index finger to each other habang nakatingin sa kaniya, maawa kana, please.

“Fine! Just stop doing that!” pagsuko niya, kaya lumawak ang ngiti ko, yes!

Kailangan ko lang pala daanin sa pagpapa cute.

Lumabas naman ako para buksan ang front seat. Padabog siyang naglakad at pumasok sa sasakyan ko, nag crossed arms siya pagka upo. Galit yarn? At bumalik na ‘ko sa driver seat.

“Drive.” Malamig lang niyang utos at nakatingin lang sa harapan. I laughed softly.

“What's funny, Rainiel Louise?” agad akong tumigil at napaayos ng upo. Patay, sinama na second name ko.

”Wala, Miss, masaya lang ako dahil kasama kita, yiee kinikilig yarn?” pang aasar ko pa.

“You’re hopeless.” I heard her muttered at napahilot nalang sa sintido niya.

Nagsimula na ‘ko mag maneho papunta sa unibersidad.

I’ll do everything for her even if it means hurting myself in the end.

Deceive MeWhere stories live. Discover now