Chapter 31

2K 51 0
                                    

What is this soft thing on my cheeks? I’m so comfortable and I love the scent. I snuggle more it reminds me of someone. I’m too comfortable with this pillow, and why is it moving? I slowly opened my eyes and,

What the heck!

It’s....It’s.....

Someone's chest, I slowly lifted my head and shocked was written on my face.

“The pervert is now awake.” I heard the familiar cold voice, What? Pervert? Ako? I creased my forehead and something I realized.

The pillow is her freaking chest! She showed no emotion at nakatingin lang sa harapan.

“Get off your hands in my..” Sambit niya na may diin sa tono.

“In my?” nagtataka kong tanong, napapikit siya.

“In my freaking chest!” mahinang singhal niya sa akin, napatingin naman ako sa kamay ko, and gano’n nalang ang gulat ko.







HINDI KO ALAM BAKIT NAKAHAWAK ‘YON DOON, I SWEAR, NATUTULOG LANG AKO.

Nanlaki naman ang mata ko at agad kong tinanggal ‘yon doon, I apologetically smiled at her pero inis lang niya akong inirapan. Nakakahiya ka talaga, Rai!

Inayos ko ang upo ko at tinignan si Cassidy sa likuran ko, payapang natutulog na nakasandal kay Miss Contreras. Tinignan ko naman si Natalie at as usual nagbabasa, habang si Miss Benavidez nakatingin lang sa bintana. Itong katabi ko naman, nakatingin lang sa harap.

Sinilip ko naman ang katabi ko, napakaganda pa rin, pero naalala ko nanaman ‘yong kanina kaya ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Kalimutan mo na, Rainiel.

“Malapit na po tayong bumaba.” May narinig akong nagsalita. Tinignan ko naman ang phone ko kung anong oras na, mag la-lunchtime na pala kaya ramdam ko na ang gutom.

“Miss,” mahinang tawag ko.

“Ma’am,” tawag ko pa uli.

“Cookie Monster,” tawag ko pa at nakakunot siyang napatingin sa akin.

“What’s your problem?” may bahid ng pagkainis sa boses niya.

“Kung ikaw po halimbawa ay wanted, at may reward kang 1 million, kapag ba sumuko ka makukuha mo yung reward?” I asked her, but she just stared at me blankly, I grinned like a kid, she look so pissed right now. Magsasalita pa sana ako ng pinalsakan niya ng tissue ang bibig ko, agad naman ako napabusangot.

Napaka bad talaga sa akin. Hmp. Tatanong lang, e.

Ilang minuto ang lumipas huminto na rin ang bus.

“Maaari na po tayong bumaba.” At nagsimula na kami bumaba, iniwan naman ako nung isa, grrr hilig talaga mang-iwan.

“Namamanhid ako.” I heard Cassidy.

“Gusto mo galawin ko?” I said pero sinamaan niya ako ng tingin. Naglakad pa kami para puntahan ang lugar and, taraaan!

I scan the place, mapuno, mahangin, at makulimlim. May mga bundok at palayin akong nakikita.

“Okay, separate ang lalaki sa babae,” I heard our principal at madami naman ang nag reklamo. “Huwag na kayo umangal, may makakasama kayo sa bawat tent, it's either schoolmate niyo or professor, dipende ‘yan.” Not bad, basta siya kasama ko. Aangal pa ba siya? Cute naman ako.

Hihi.

Speaking of Miss Frontera, nasaan na kaya siya? Nawawala nanaman!

“Three days tayo, and every each day, may iba’t-iba tayong gagawin basta makakatulong sa kalikasan. Bukas pa tayo magsisimula. Sa ngayon, pwede kayo mag ikot-ikot sa lugar na ito, pero pag may red mark it means hanggang doon lang kayo, okay?” We nodded.

“Sir, saan kami maliligo?” may narinig naman kami na nagtanong.

“About diyan, bahala na kayo dumiskarte, sige na, mag a-assign na ng bawat partner sa inyo.” Narinig ko maraming nag reklamo dahil hindi raw nila alam kung saan maliligo, problema ba ‘yon? Edi huwag na maligo.

Three days lang, sus. Ako nga kahit one week pa lalo na pag bakasyon.

Nakita ko lahat sila may mga partner na, ako wala pa rin.

“Bud, sino sa’yo?” Cassidy asked me.

“Wala pa nga, e. Ikaw?” Tanong ko, ngumisi naman siya. Alam ko na ‘yan. Gusto ko sana siya kaso grrr, ayaw naman ata sa akin. Napabuntong hininga naman ako.

Nakita ko naman na palapit sa amin si Natalie.

“Andiyan na pala si Natalie, babush magtatayo lang kami ng tent kasama ng partner ko.” Talagang pinamukha niya talaga sa akin na may partner siya, tinulak ko naman siya para lumayas na sa pagmumukha ko. Tumawa lang siya habang paalis.

Kaasar!

“Hi, Natz.” I greeted Natalie, nginitian lang niya ako.

“Wala ka pang partner?” tanong niya sa akin.

“Wala, e. Ikaw?” tanong ko rin, pero parang nag aalangan siya na humindi.

“If you want, we can be part—”

“I’m her partner. She'll come with me.” Agad naman ako napalingon and, I saw her, naka crossed arms habang palapit sa amin with her serious looks. Syete, ito nanaman puso ko, at ano raw? Partner? Me?

As she should.

“M-Miss.” Nauutal kong sambit habang palapit siya sa amin. Si Natalie naman hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya.

“Really? But, ako ang nauna sa kaniya.” Seryosong wika ni Natalie habang nakatingin kay Miss Frontera.

“You maybe first, but she’ll prolly choose me.” Miss Frontera said in a cold tone. Parang natigilan naman doon si Natalie.

“But, I am her best friend.” Natalie really emphasized the ‘best friend’, I can see no emotion in Miss Frontera’s face.

“And, I am her professor, also I was assigned.” Miss Frontera countered back. Ano nangyayari? Bakit parang mag-aaway na sila? At talagang pinapagitnaan pa ako. Hindi ko maiwasan makaramdam ng takot.

Tama ba nakikita ko? Naiinis si Natalie?

“Natalie,” I heard Miss Benevidez na nasa likuran ni Natalie. Miss Frontera smirked.

“Let’s go, Villarreal.” I heard Miss Frontera at bigla niya akong hinatak, gusto ko sana kausapin si Natalie pero hinila na ‘ko nang isang ‘to. Nakita ko naman na sumama siya kay Miss Benevidez.

Huminto naman kami sa isang tent, pero hindi lang ordinaryong tent. Tent siya na bahay ang design, malaki. Pumasok naman doon si Miss Frontera kaya sumunod na rin ako. Malawak naman ang loob, and may higaan na rin.

“Miss, kayo po nagtayo nito?” tanong ko sa kaniya.

“Yes,” tipid lang niyang sagot.

“Kailan pa po?”

“Before we came here.” Sagot niya. It means, talagang pinaghandaan niya ‘to? I feel special tuloy, kidding. Asa moments.

“Stop assuming.” Dagdag niya pa, okay, medyo masakit ‘yon. Nilalapag naman niya ang gamit niya. Nilapag ko naman ang gamit ko sa gilid.

Pinapanood ko lang siya habang inaayos niya mga gamit niya. I can't help but to smile at kinuhaan siya ng litrato palihim, tinignan ko naman ito.

Napakarilag.

Deceive Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن