Chapter 50

1.8K 51 3
                                    

"Order anything you want, It's all on me." Santie said we're here at the shop.

"An orange juice will do." He nodded his head at tinawag ang waiter. Habang hinihintay namin ang inorder namin, tahimik lang kaming dalawa.

Nakatingin lang ako sa kaniya samantala siya naka halumbaba lang na nakatingin sa labas.

"How are you? How is she?" He asked out of nowhere, napaayos naman ako ng upo, tumingin siya sa akin.

"We're good."

"So Rainiel, hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, break up with her." Walang ka preno-preno niyang sabi sa akin habang seryosong nakatingin.

"No,"

"You don't have a choice, Rain. I'm here trying to save both of you. You need to listen."

"And, why would I do that? You're not my father nor her. So, you don't have a rights na utusan ako gano'n-gano'n lang." May diin kong sagot sa kaniya, matalim ko lang siyang tinignan. He clenched his jaws.

"Ginagawa mo 'to dahil gusto mo siya, right?" napangisi naman siya dahil sa tinanong ko.

"Yeah, but I'm not a desperate man na gagawin ang lahat para lang makuha ang isang bagay na gusto ko. I still respect her also you. I'm doing this not because of my own selfishness, but because I'm trying to save you." Hindi ko na maiwasan maguluhan dahil sa sinasabi niya.

Trying to save me? From what?

"You need to listen to me, you're running out of time. Hindi mo magugustuhan kung ano mangyayari sa susunod. I'm not threatening you." Pinipilit kong i absorb lahat ng sinasabi niya, ngunit mas lalo lang akong naguguluhan.

"Naguguluhan ka dahil wala ka pang alam kung anong gulo ang mangyayari sa inyong dalawa, lalo na kapag dumating siya."

"Sino tinutukoy mo?" I asked him.

"His father, but not a real one. Alam ko naman na kinuwento niya sa'yo kung ano nangyari sa kaniya." I nodded my head.

"At nagsasabi ako ng totoo. I'm not here dahil inutusan ako, nandito ako to give you and her a warning, lalong-lalo na siya kapag hindi niya sinunod ang dapat niyang gawin."

"Kahit gusto kong sabihin sa'yo, ayoko siyang pangunahan, pero kapag ayaw na pa rin, ako na ang magsasabi sa'yo." May kinuha naman siyang isang newspaper na halatang luma na, inabot niya ito sa akin.

Isang headline 27 years ago.

"May I asked where's your mom?" tanong niya habang humihigop ng kape.

"Namatay pagkatapos akong ipinanganak." Sagot ko sa kaniya, tumango lang siya.

"And, you know what happened to Alas' parents, right?" tumango rin ako.

"What would you do if the killer is in front of you?" natigilan naman ako dahil sa tanong niya.

"I don't know,"

"And, how would you feel kapag nalaman mong nagsisinungaling ang mga taong mahal mo?" hindi ako sumagot at nakikinig lang sa kaniya.

"What are you trying to say?"

"I'm giving you a hint." He said, napansin ko dumako ang tingin niya sa kwintas na suot ko.

"Beautiful necklace, binigay niya sa'yo?"

"Yes,"

"You're lucky, seryoso talaga siya sa'yo. But, hindi rin kayo magtatagal." I clenched my fist, hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako para mag paalam.

"Aalis ka na? Pasabi kay Mr. Rico kinakamusta ko siya." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Ahh, alam ko, walang nakakaalam na ama mo siya maliban kay Alas, hindi ba? Bakit kaya? Too bad, but before you go, may I asked for your number?" inabot naman niya ang phone niya sa akin, at nilagay ko ang number ko.

"Why do you need my number?"

"To make sure na maririnig mo ang lahat, thank you, by the way." Hindi ko na siya tinanong at lumabas nalang sa shop.

"Dad? May kilala kang Santie?" Natigilan siya sa pagkain at napatingin sa akin.

"Wala, anak."

"Pero kinakamusta ka niya sa akin?" napahigpit ang pag hawak niya sa kutsara't tinidor.

"Baka nagkamali lang." I just nodded at pinagpatuloy ang pagkain.

"Rainiel,"

"I love you, my daughter." Napatigil ako dahil sa sinabi ni dad at ngumiti.

"Mas mahal kita, dad." Natawa siya dahil sa sinabi ko.

Nasa kwarto ako ngayon at busy mag search sa laptop. If you're wondering kung ano sinesearch ko, na cu-curious kasi ako sa newspaper na binigay sa akin ni Santie.

Halos umabot na ako ng isang oras ngunit wala akong mahanap na article tungkol dito. Hanggang sa may nakita akong website at binuksan 'yon.

Binasa ko at namukhaan ko ang isang tao nan nandoon.

Ito 'yong nakita ko sa bahay ni Alas, 'yong lalaki sa pic na mukhang bata pa.

"Who are you?" I asked myself at sinuri ang larawan. Nag scroll pa 'ko sa baba at may isang larawan pa ang lumabas.

Tatlo sila, may isang lalaki pa at bakit ang gaan ng pakiramdam ko? Dumagdag ang kaguluhan sa utak ko nang makita ko ang nasa huling picture.

Dad,

Kaano-ano niya mga ito?

Binasa ko ang mga pangalan nila.

Rommel, Alissandro, and Rico.

Man found dead.

After the death of Rommel, his wife took her own life.

Alissandro F. Trinidad was found dead with his wife at home, their only daughter went missing and never found.

Mas lalo akong nabigla dahil sa huling article.









Is Rico Villarreal witness or suspect?

Deceive MeWhere stories live. Discover now