Chapter 9

2.5K 74 3
                                    

I woke up and grab my phone immediately to see kung na-accept na niya or may reply, but to my disappointment naka seen lang, but at least she accepted it. I check the time, It's 4 a.m in the morning, himala new record napaka aga.

Good Morning po, Miss, sana
masarap agahan niyo (◕દ◕).

Chinat ko uli, huwag niyo tanungin kung bakit ko ginagawa, hindi ko rin alam, maybe magaan lang loob ko sa kaniya kahit duda ko pinaglihi siya sa sama ng loob, kidding.

Nakangiti akong pumunta sa C.R to start my morning routine. Tinignan ko muna sarili ko sa salamin. Mukhang nagsisimula nanaman akong mag break out, pero cute pa rin naman ako.

I start undressing myself hanggang sa undergarments ko nalang ang natira at nagsimula na mag shower. Hindi naman ako matagal maligo, matagal kumilos, oo. Nang matapos na ‘ko agad akong namili ng susuotin ko.

I wear plain white t-shirt na pinatungan ng army green bomber jacket, straight leg jeans, and pair of white sneakers. I let my shoulder length hair na nakalugay. I put some light make up na rin. I check the time, It’s 5 a.m.

Bago ako umalis tinignan ko ang phone ko muna if may reply. Isang like lang natanggap ko, pero at least may reply, hmp. Kakagising lang ba niya?

Nagising po ba kayo ng
presensya ko, Miss?(•ө•)♡

Yeah, It was a nightmare.

Wow, nag reply, agad naman ako napanguso sa sagot niya, nightmare ka riyan, ang cute ko kaya.

Awts, masheket,
u hert my felengs•́  ‿ ,•̀

I don't care, stop
using that stupid emoticon.

Kahit sa chat dama ko kasungitan niya, aga-aga ang init ng ulo, pag nawalan nga kami ng gas siya ipapalit ko, tutal palagi naman mainit ulo niya, baka umapoy kung saka-sakali, kidding. I bit my lower lip habang kausap siya.

Bakit nio q chinachat, Miss.
May pasok pa po q ʕ´• ᴥ•̥'ʔ

Pigil ang tawa ko habang kausap siya, hindi na niya ako nireplyan at sineen nalang, baka nainis na sa ka-kulitan ko, okay lang makikita ko naman siya mamaya. Lumabas na ‘ko ng kwarto at pumunta sa dining area, nakita ko si Nanay na nag hahanda.

Nang makita niya ‘ko bakas sa mukha niya ang gulat, gulat ba kayo dahil ang aga ko? Ako rin, e hehehe. I gave her a smile and kissed her cheeks bago umupo.

Nang matapos na ‘ko kumain sumakay na ‘ko sa sasakyan ko. I start the engine, good to see na walang traffic ngayon, sana ganito palagi. Ngayon ko nalang na-appreciate ang kapaligiran, so long.

Mag a-alas sais na nang makarating ako sa university, ang aga, alas siete pa pasok ko. Nginitian naman ako ni kuya at sumaludo siya, I returned the smile. Umupo muna ‘ko sa bench nag basa ng libro.

“Early, eh?” I heard the familiar voice at tinignan ko kung sino ‘yon, I saw Natalie naka crossed arms habang nakatayo sa harapan ko, nginitian ko lang siya.

“Good Morning, Nat, sit beside me.” Paanyaya ko sa kaniya, umupo naman siya sa tabi ko. May pag ka american siya at maganda talaga. Napapaisip lang ako bakit single pa rin siya.

Nag kwentuhan lang kami ng kahit anong bagay, lalo na tungkol sa science especially astronomy at nakikinig lang ako sa kaniya. Habang nag k-kwentuhan kami, may nakita akong pamilyar na pumasok.

“Wait lang, Nat, may pupunta ako, thank you!” pag papaalam ko sa kaniya.

“Y-yeah, thanks din, ingat.” Wait, tama ba nakita ko? Glimpse of sadness in her eyes? Ngumiti naman siya pero parang pilit lang. Tumakbo ako papalapit sa taong kagabi at kanina ko pa ginugulo.

“Miss!” medyo napalakas boses ko at agad siya huminto. Lumingon siya sa akin, mukhang masama nanaman ang timpla niya, lagot Rai.

“Stop shouting.” May diin sa boses niya at halatang naiinis, I scratch my nape.

“Hehe sorry, Good Morning, pwede ko ba kayo samahan?” I said at nginitian siya, blanko lang siyang nakatingin sa akin. Pero nilagpasan lang niya ako kaya hinabol ko siya.

“Miss!” tawag ko uli.

“Stop bugging me.” Napahinto kami at pumasok na siya sa kwarto niya. Iniwan lang niya ako sa labas, tumalikod na ‘ko at napailing nalang na pumunta sa room namin, Good luck ka nalang talaga kay tito, Rain.

★★★

“Miss, hatid ko na kayo, please please.” Kakatapos lang niya mag turo sa amin at paalis na siya.

“Why are you so stubborn, Villarreal?” inis na tanong niya.

“Why are you so stubborn din po, Miss?” balik na tanong ko para napakunot lang ang kilay niya.

“What?”

“Wala, sabi ko po kapag ang giraffe humiga,  may isdang naka palda.” Hinihintay ko lang ang reaksyon niya at pinigilan ang sarili na huwag tumawa.

“You’re hopeless.” Napailing nalang siya at nilagpasan ako, ano ba mali sa sinabi ko?

Nasa cafeteria kami at kumakain, I scan the whole place, bakit wala siya? Huminga ako ng malalim.

“Ehem.” Tikhim nung isa, I saw Cassidy faking a cough.

“Ano?” I rolled my eyes.

“Init ng ulo ah, wala lang.” Bakit ba ‘ko bigla-bigla naiirita. Saan kaya kumain ‘yon?
Napagod ba sa kakulitan ko? Nag lakad ako sa counter at umorder ng vegetable salad, napansin ko kasi ito lagi niyang kinakain, pinalagay ko sa styro, baka ayaw niya sa plato ng school kaya rito ko nalang pinalagay.

Nag paalam na ‘ko sa kanila at pumunta sa office niya, alam ko naman dahil sinundan ko siya. Huminga ako ng malalim, kumatok ako ng mahina. Naka tatlo akong katok pero walang sumasagot, dahan-dahan kong pinihit ang  door knob, sumilip muna ako kaunti at pumasok sa loob.

Nakita ko siya nakatango sa lamesa niya, kaya pala wala dahil natutulog. Nilagay ko sa tabi ng lamesa niya ang binili ko at umupo muna sa couch, maliwanag silid niya at malamig. Wala rin gaanong gamit.

Marami siyang papel na naka kalat sa lamesa niya. Gumalaw siya at paunti-unting inangat ang ulo. She blinks at parang nangingilala.

“Why are you here?” tanong niya kaya nabigla ako.

“Nakikitambay po hehe.”

“What?”

“Wala, sabi ko po dinalahan po kita ng pagkain.” Tinuro ko ang styro na nasa lamesa niya, tinignan naman niya ito. Napalunok ako, bakit ako kinakabahan?

“Get out.” Sabi lang niya, hindi man lang ‘thank you?’ get out talaga? Napanguso ako. Lumabas na ‘ko kahit labag sa loob ko, ayoko naman dagdagan init ng ulo niya ngayon, hmp.

Bigla akong napangiti first time, Rain.

She's a good memory to remember and I will never forget it.

Deceive MeWhere stories live. Discover now