Chapter 23

2K 67 6
                                    

“Anak, ano ginagawa mo rito sa kusina ganitong alas tres ng madaling araw?” tanong sa akin ni Nanay at halatang kakagising lang, napakamot naman ako sa batok.

“Nag b-bake lang po, Nay.” Nahihiyang sagot ko sa kaniya, napatingin naman siya sa ginagawa ko.

I decided na magbake for Miss Frontera, I know she loves cookies. I don't know why she's mad kahapon, and I just want to make her feel better by doing this.

Even though I don't know how to bake, I still want to do this for her, naks. Lumapit naman sa akin si Nanay.

“Ikaw talagang bata ka, dapat tinawag mo ‘ko para natulungan kita.” Saway sa akin ni Nanay.

“Eh, ayaw ko po kayong maistorbo at madaling araw palang po.” sabi ko at nahihiyang ngumiti, huminga naman siya ng malalim.

“Sige na, tutulungan na kita. Kung kanino man ‘to, anak, napakswerte niya.” Nanay teased me kaya agad akong nahiya, what does it mean?

Tinuruan naman niya ako kung paano mag bake, nagtaka siya bakit ganitong design daw ang pinili ko, sabi ko nalang ‘secret’.

Mag a-alas kwatro na nang matapos kami at pinagmasadan ko ang gawa namin ni Nanay, napangiti ako. I hope she likes it.

★★★

“Good Morning, mareng Rai.” Cassidy greeted me, I playfully rolled my eyes at her.

“Good Morning to you too, where's Natalie?” Cassidy just shrugged her shoulder and she was munching something.

“I don't know, baka late.” Sagot niya at tumango ako, naupo naman ako sa tabi niya.

“Why Natalie's crying kahapon?” I heard Cassidy ask me kaya nabigla naman ako, umiyak siya? Ano nangyari? Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

“What happened? Nagkita kami kahapon pero mukhang okay naman siya.” Paliwanag ko sa kaniya.

“Rainiel my friend, I love you but you need to open your eyes sometimes.” Then she gently pats my shoulder.

“Mukha bang nakasara mata ko?” pabirong sagot ko sa kaniya kaya bigla niya akong hinamapas, napadaing naman ako.

“Ewan ko sa‘yo, beh.” She looks so pissed kaya natawa naman ako. Dumating naman si Natalie kaso parang puyat. Tinawag ko siya at lumapit sa amin, tinuro ko ang tabi ko para maupo siya.

“Are you okay?” nag aalalang tanong ko sa kaniya, napahinto naman siya at tumingin sa akin. Bago pa siya makapagsalita ng kahit ano, I hugged her at alam kong nabigla siya.

“We’re here, okay?” sabi ko sa kaniya, bigla akong napahiwalay dahil may naramdaman akong nakatingin sa akin, lumingon ako, wala naman.

Baka kulang lang ako sa tulog.

Nag paalam na kami sa kaniya at pumasok sa kaniya-kaniya naming room, hindi ko pala siya nakita kanina, bakit kaya? Baka late lang?

Naka halumbaba lang akong nakatingin sa bintana. Nagulat kami sa biglang pag bukas ng pinto, malakas kala mo may galit kung sino man nagbukas no’n. I saw Miss Frontera, tama nga, may galit nga, kidding.

Bigla kaming natahimik at napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sa amin lalo na nung nakita niya ‘ko.

“Get a whole sheet of paper, we have a long quiz.” Her cold voice gave me a shiver, agad naman nagulat mga classmates ko, even me.

“And, whoever gets a score lower than 90, must repeat the quiz.” Mas lalo kaming nabigla. Sino ba gumalit kay Ma’am bakit kailangan kami ang mag dusa? Kidding.

Deceive MeWhere stories live. Discover now