Chapter 56

1.7K 41 7
                                    

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan at napapansin kong patingin tingin siya sa salaman sa itaas.

"What happened?" binasag ko ang katahimikan sa aming dalawa.

"Is it bad?" I added, pero hindi pa rin siya sumasagot. Ilang minuto ang lumipas bago ko siya narinig mag salita.

"Maghanda ka," maikli lang niyang sagot.

Maghanda? Bakit anong okasyon, 'di ko naman birthday.

Buong biyahe halos hindi mapanatag ang isip ko sa mga nangyayari, I hope walang masamang nangyari kay dad or kahit kanino.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas at agad naman tumunog ang phone ko. Binuksan ko at may isang message na kinabigla ko.







Ubos na ang isang daang load ko.

Pero may isang message pa ang sumunod. From Santi.

"Surprise," 'yan lang ang nakalagay. Buhay pa pala 'to? Ilang buwan na rin hindi nagparamdam kasama nung isa.

Pero ang pinagtataka ko kung bakit muling nagpaparamdam itong isa pagkatapos ng ilang buwan na pananahimik.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang mga nangyayari, basta alam ko, gulong gulo na ako.

Habang palapit kami nang palapit ay siya rin pabilis nang pabilis ng puso ko, halos hindi na ako mapakali.

I can't take it anymore parang aatakihin ako sa puso. Bigla ko naman hinawakan ang dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kirot. Fuck, alam ko naman wala akong sakit sa puso pero bakit ang sakit at halos hindi ako makahinga.

"Miss Rai!" tila naalertuhan ang bodyguard ni dad.

"A-ang.... s-sakit.. haaa" halos malagutan na 'ko ng hininga habang nagsasalita. Ilang minuto lumipas at bigla rin naman nawawala at sakto lang dahil papalapit na kami sa bahay.

Hindi pa man kami nakakalapit sa gate ay may natatanaw na akong mga ilaw, unti unti kaming lumapit at naaaninagan ko ang mga sasakyan na kulay itim sa labas ng gate namin, napansin ko naman na nanginginig ang bodyguard ni dad at parang ayaw lumapit.

I saw a little hesitation in his movements. Hindi na ako naghintay at lumabas na 'ko sa sasakyan at nag mamadaling naglakad patungo sa gate namin, napansin ko naman na walang tao sa mga sasakyan.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob may napansin na akong mga patak ng dugo na siyang kinabahala ko. Nagmamadali akong pumasok at napansin ko na ang gulo ng sala, nagkalat ang mga vase sa sahig. Hindi ko na maipinta ang itsura sa loob.

"M-Miss R-Rainiel," I heard one of our maids, lumingon ako at kita ko ang takot sa at pag aalala sa kaniyang mga mata.

"S-sumunod po kayo." Nagmamadali naman kaming pumunta sa office ni dad. Pagkabukas ko nakita kong napapaligiran siya ng mga lalaking naka itim. Napansin kong puro bugbog siya at nakatayo lang sa isang gilid, habang mga bodyguard ni ay nakatali at mga walang malay pero isa ang naka caught ng attention ko, si Santi na may hawak din na baril.

Naramdaman nila na nandito ako kaya napalingon sila sa gawi ko. Kita ko naman ang pag aalala sa mata ni dad. Santi showed no emotion.

"A-anak," I heard dad.

Tumakbo naman akong papalapit sa kaniya pero hindi naman ako pinigilan ng mga tauhan nitong isa, I hug him.

"S-Santi, don't h-hurt my daughter, p-please." My dad pleaded

"Don't worry, Rico labas ang anak mo at wala akong balak hawakan siya ni daliri ko. Pero kailangan niyang malaman ang totoo." Seryosong sagot niya.

"A-Ano ang totoo?" I asked them confusedly.

"Hintayin natin sila saglit." Ilang minuto ang lumipas bumukas muli ang pinto, biglang tumibok ang puso ko sa nakita ko.







A-Alas?

Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon, napapalitan ng saya, lungkot, pagtataka, at sakit.

Napansin kong nabigla din siya nung nakita ako, pero napalitan uli ng pagseseryoso nung napagawi siya kay dad, at may kasama pa siya.

Natalie?

"I think, we're complete." I heard Santi.

"What do you think, Mr. Rico?" nakita ko ang alinlangan ni dad sa mga mata niya.

"H-hindi ko sinasadya." I heard dad habang nakayuko ang ulo. Naka kuyom naman ang mga kamao ni Alas na halatang nag titimpi, Santi just crossed his arm.

"Anong hindi sinasadya, you ruined my family!" biglang sumugod si Alas at tinutukan ng baril si dad, pero pinigilan naman siya ng mga tauhan ni Santi, kita ko ang galit sa mga mata niya, ngunit unti unting kumakalma nung napansin niyang natatakot ako.

"W-What do you mean?" I heard dad.

"You are the one who killed my family." Sagot ni Alas, napansin kong nagulat si dad.

"H-Hindi ko sinasadya."

"You are lying," Alas answered.

"Kung hindi niya lang sana nalaman ang totoo, hindi siya madadamay. Wala akong choice."

Tumingin sa akin si dad at ngumiti.

"I love your father, Rain." He said while tears rolling down to his face and gently caressing my cheeks.

"But he chose your mom." Napatigil ako dahil sa mga sinabi ni dad.

"Bakit kailangan madamay ni dad? Why did you killed him? Kung hindi dahil sayo, hindi sana kukuhain ni mom buhay niya, I despise you." Galit na hayag ni Alas habang nakatutok ang baril kay dad.

"Your dad saw it all. How I k-killed Rain's parents. Wala akong choice!" Nanunumbalik nanaman ang sakit sa dibdib ko ngunit hindi ko pinapahalata.

"You are selfish." I heard Alas.

"I did it because I love him."

"No, you are obsessed." I heard Alas again. Habang parami nang parami ang nalalaman ko, dumadagdag ng kirot sa dibdib ko.

Muling bumukas ang pinto at nakita ko si tito.

"Rico, sumuko kana. Marami kana kasalanan sa batas, hindi kana makakatakbo ngayon."

"You killed Alas and Rain's parents, matagal mong tinakbuhan ang kasalanan na nagawa mo, they deserve justice." Tito added.

Nakatingin lang si dad sa kaniya na para bang blanko ang mga tingin, he smiled at may kinuha sa likuran niya, isang baril. Tinulak ako ni dad ng medyo may kalakasan upang makalayo sa kaniya. Tinututok naman niya ang baril sa kaniyang sintido, lahat kami’y napasinghap.

My dad look at me and smiled.

“R-Rain, I love you, my daughter.” The last thing I heard bago niya iputok ang baril.

He killed himself Infront of me.

“Rico!” sigaw ni tito, nakatulala lang ako at hindi ko rin alam ano ang gagawin, blanko ang isipan ko.

“R-Rainiel?” I heard Alas na nakapagpabalik sa akin sa ulirat, tinignan ko siya pero hindi ako makagalaw, kita kong umiiyak siya at dahan dahan na lumalapit sa akin. Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na siya at naramdaman ko ang yakap niya.

“I-I’m sorry, baby.” She said while sobbing, hinagod ko ng marahan ang likuran niya, I hug her also.

“You won’t leave me again, right?” I asked her, I buried my face in her neck. Pero hindi pa rin siya sumasagot.

“P-Please don't..... leave me again.” Ilang minuto kaming magkayakap.

“Alas,” I heard Tito.

“I-I’m really sorry, baby,” at may naramdaman akong tumusok sa likod ko na unting unting nagpalabo sa aking paningin.

“W-Why?” I said while struggling to stay awake. Kahit nanlalabo na ang paningin ko kitang kita ko ang mga luha na umaagos sa pisngi niya. I can still feel her hug.

“N-Natalie, please alagaan mo siya.” I heard her.

“I-I love you,” the last thing I heard from her bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

-----
gwenchana

Deceive MeWhere stories live. Discover now