Chapter 4

2.7K 71 7
                                    

The day today is sunday, yes, weekend tapos ang dalawang araw na kasiyahan kasi bukas back to basic nanaman.

Papunta ako ngayon sa mall, Cassidy called me she said hangout daw kaming tatlo, as her mabuting kaibigan na nagmamalasakit lubos sa kaniya, nagpauto ako.

Mabuti na nga lang maayos ang daloy ng kalasada ngayon at hindi traffic, mamaya puputok na sa galit ‘yon pag huli nanaman ako.

Nang makarating na ako agad ako naghanap ng parking space. Papasok na sana ako nang biglang hinarang ako ng guard.

“Ops, bata nasaan na magulang mo?” agad naman napakunot ang noo ko, insulto ba ‘to?

“Kuya, college na po ‘ko.” Sabi ko sa kaniya pero parang hindi siya naniniwala, ano masama sa pagiging 5’4? Gusto niyo ba pagbubuhulin ko kayo?

“Weh, hindi nga? Bakit ang liit mo?” tanong niya pa, my jaw dropped dahil sa sinabi niya. Bakit parang may height discrimination dito?

“Ikaw kuya matanda na kayo bakit nandito pa rin kayo?” I blurted out, nanliit naman mga mata niya.

“Ano?”

“Ngayon kuya alam niyo na kung ano pakiramdam na maapi, ah? Bye, hinahanap na ‘ko ng mga kaibigan ko.” Paalam ko sa kaniya at saka pumasok sa loob. Tatangkad din ako.

Sabi niya nasa department store sila kaya agad akong pumunta ro’n.

“Rainyyy!” may tumawag sa akin at agad akong lumingon, pati ba naman dito kailangan isigaw ang pangalan ko?

“Tone your effin’ voice down.” Saway naman ni Natalie, she pouted.

“Tigil mo ‘yan, mukha kang tanga.” Pang-aasar ko kaya sinamaan lang niya ako ng tingin.

“Tara mag window shopping muna tayo!” masiglang paanyaya niya sa amin at agad kaming dalawa hinila.

“Rain! Bagay sa’yo mag dress!” sabi niya habang may hawak hawak na hindi ko matukoy kung anong damit ‘yan, napangiwi ako.

“Alam mong hindi nagsusuot si Rainiel niyan.” Natalie said habang naghahanap ng mga shirt, buti pa si Nat kilala ako.

“Fine! Ikaw nalang Nat!” sabi niya.

“You want me to stab you here?” banta niya kay Cass kaya agad nalang niya binalik ang hawak niya, kawawa naman ‘to.

Sa dalawang oras namin na paglilibot sa department store, wala kaming napala.

“Tara arcade?” ako naman ang nagyaya, tumango naman sila at agad kami pumunta ro’n.

“Ilan token ang binili mo?” tanong ko kay Cass.

“One thousand.” Sabi niya na parang wala lang.

“Ang dami!”

“Okay na ‘yan tapos kailan nanaman tayo lalabas kaya sulitin nalang natin.” Sabi niya.

Hinati-hati na namin ang token at naglaro sa kung saan ang trip namin. Usually sa basketball, arcade at racing lang ako. Nakita ko si Cassidy na may inuuto nanaman na bata.

“Beh, bigyan kita isang token akin nalang ‘yang buong ticket mo.” Alok niya sa batang walang kamuang-muang, agad naman pumayag ang bata binigay sa kaniya, ang dami nung ticket! Agad namang umalis si Cass, kahit kailan talaga.

Si Natalie naman busy sa parang isda, actually magaling siya ro’n.

May nakita naman akong claw machine at agad akong pumunta ro’n. I insert one token, gusto ko makuha ‘yong chibi!

Pero dahil sa hindi ko nakuha, sinipa ko nalang ang claw machine, agad naman tumunog ‘yon kaya nataranta ako.

“Lagot ka!” sabi ko sa batang lalaki na tahimik lang na nanonood sa akin at biglang umiyak.

“Akala niyo hindi ko nakita mga kalokohan niyo sa loob.” Wika ni Natalie habang nagbabasa nanaman, as usual.

“Si Cassidy nang uuto ng bata.” Sabi ko at inirapan lang niya ako.

“Ang kapal, ikaw nga nagpaiyak ng bata, ‘e!” ganting pang aasar niya.

“At least, hindi pinaiyak ng mas bata!” she squinted her eyes at me, hahampasin niya sana ako nang pigilan kami ni Natalie.

“Para kayong mga bata.” She plainly said while reading. Nag make face lang ako kay Cassidy.

“Gutom na ‘ko.” Reklamo ko.

“Let’s find somewhere to eat.” Natalie said at naghanap naman kami. May nakita kaming Filipino restaurant kaya agad kaming pumasok.

Marami kaming inorder, kala mo mga hindi pinakain sa bahay.

“Slow down.” Saway ko sa isa, hindi naman siya bibitayin bukas. ’Yong isa naman parang maharlika kung kumain.

Syempre nag bayad kami pagtapos alangan namang hindi.

“Saan na tayo?” tanong ko sa kanila.

“Wala, manlimos tayo.” sagot ni Cassidy, siraulo ba ‘to?

“Punta tayo sa bookstore.” Natalie said at umalis na kami.

Hindi talaga ako mahilig sa libro o magbasa, mas gusto ko manood.

“Alam niyo bang may papalit kay Mr. Samaniego.” Sabi ko sa kanila habang busy naman sila tumingin ng libro.

“Hindi namin alam pero dahil sinabi mo na, alam na namin.” I rolled my eyes dahil sa sagot niya.

“Matutupi na kita sa walo.” Nag make face lang siya.

“She or He?” Natalie asked me, wala naman sinabi kung babae or lalaki.

“I don't know.” She nodded.

Nang matapos na kami sa paghahanap at paglilibot we decided na umuwi na. 5 p.m na pala kay nag paalam na ako sa kanila.

Deceive MeWhere stories live. Discover now