Chapter 51

1.8K 42 1
                                    

“Okay ka lang? Ilang araw kana matamlay, ah? May masakit ba sa’yo?” May pag aalalang tanong sa akin ni Cassidy.

“Yeah, marami lang iniisip katulad ng papalapit natin na graduation.” Pagsisinungaling ko kahit hindi naman.

Hindi ako masyado makatulog nitong nakaraan, dahil sa mga nalaman ko nitong nakaraan na araw. Lagi rin ako nananaginip ng masama about sa amin ni Alas.

“Sure? You can tell me everything.” I smiled at her para hindi na siya mag alala pa.

About kay Alas, gano’n pa rin pakikitungo sa kaniya kahit marami akong tanong sa kaniya. Maybe, mamaya ko nalang siya tatanungin, hindi ko na rin kasi kayang i-hold.

Si Santie naman hindi na rin nagpakita, hindi ko rin alam kung nagsasabi ba siya ng totoo or sinusubukan lang niya kami paghiwalayin ni Alas.

Should I trust him? Paano kung nagsasabi nga siya ng totoo?

“Psst, kanina pa nag paalam si prof, hindi ka pa ba bababa para mag lunch?” tawag sa akin ni Cassidy, tumayo naman ako at sabay kaming bumaba.

Nasa office na ‘ko ni Alas at naka upo sa tapat na lamesa niya.

“Hey, you good?” bumalik naman ako sa realidad at binigyan siya ng isang ngiti, nagsimula na kaming kumain. Hindi ako maka concentrate sa kinakain ko dahil madami ang bumabagabag sa akin.

“Cookie?” tawag ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin habang kumakain, ang cute niya hehe.

“Sino ‘yong lalaki nung nakaraan?” tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman. Nagpahid muna siya ng dumi sa gilid ng labi niya.

“He's Santie Melen Capacio,”

“How did you both met?” parang nag aalinlangan siya kung sasabihin niya sa akin.

“I can't explain, but he's like a brother to me.” I nodded.

“Ano pala pinag usapan niyo nakaraan?”

“Kinakamusta lang niya ‘ko, actually it was dad. Why baby? Are you worried?”

“N-no, gusto ko lang makilala mga taong nakakasalamuha mo. I know your friends aren't my friends, but gusto ko lang makilala.” Sabi ko sa kaniya, ngumiti lang siya at hinaplos ang pisngi ko.

“Noted, you don't need to worry, I don't like him.......romantically.” I smiled.

“Cookie, ayoko mag lihim sa’yo, actually kinausap niya ‘ko nakaraan.” Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko.

“Ano sinabi niya sa’yo?” kinuwento ko naman sa kaniya ang lahat, lalo na mga bumabagabag sa akin. She's my partner after all, deserve niyang malaman.

“Do you believe in him?” umiling naman ako.

“Nope, but I do believe in you no matter what.” I should believe in her, only her.

Pero nung tinignan ko ang mga mata niya, marami rin siyang gustong sabihin.

“Malapit kana grumaduate, I’m happy for you.” Pagiiba niya sa usapan.

“Pupunta ka, right?” tanong ko sa kaniya.

“O-of course,” Alas, what's wrong? Kahit gusto ko itanong, mas pinipilit manahimik ng mga bibig ko.

Bahala na.


Bago kami umuwi ni Alas dumiretso muna kami sa isang park dahil maaga pa naman. It was her request. Nakaupo lang kami sa bench habang nanonood ng mga batang naglalaro.

“Gusto mo mag laro?” tanong ko sa kaniya.

“I’m too old, you know.” We both chuckled.

“Yeah, but you're still my baby.” I said na ikinapula niya.

“Hindi ba na parang ang weird? Ako ‘yong matanda pero bakit ako ‘yong nag mumukhang bata sa atin.”

“It doesn't matter, mahalaga mahal kita.” I replied. May tinuro akong swing kahit nag da-dalawang isip siya na sumunod, in the end, ako rin nanalo.

Wow, first time, huh.

Umupo siya at tinulak ko ng mahina lang, just to enjoy the moment.

“First time mo ba sumakay diyan?” She nodded.

“Lakas, please.”

“Sure ka?” tumango naman siya, walang sisihan ah hehe.

“Damn it! Rainiel! Are you going to kill me?”  tumawa lang ako ng malakas dahil sa reaksyon niya, malakas daw, e. Sumusunod lang ako.

“Ugh, what's funny?” I hugged her from behind para hindi na siya lalong magalit sa ginawa ko.

“Sorry na, kasalanan mo naman, e.” Mas lalo siyang nainis dahil sa sinabi ko at pilit na kumakawala, kaso mukhang wala siyang energy.

Tumigil na ‘ko sa pagtawa, mahirap na.

Tinignan ko ang oras, 6 p.m pa lang naman. May nakita akong nagbebenta ng cotton candy.

“Gusto mo?” tumango naman siya, hinalikan ko muna siya sa pisngi bago bumili kay manong.

Dalawa lang binili ko, dahil dalawang lang naman kami, duh.

Alam ko hindi siya mahilig sa matatamis kaya dalawa lang binili ko.

Mabilis niyang naubos at mukhang natamisan siya ng sobra.

“Water?” umiling naman siya.

“Sa bahay nalang.”

Paunti-unting sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakatingin sa akin.

“What?” tanong ko sa kaniya.

“You’re magnificent.” She said out of nowhere, agad naman akong kinilig. Agad nagbago ang mood niya at kinagat ang braso ko, bigla naman akong napahiyaw.

“Awww, para saan ‘yon?” bumangon siya at tinarayan ako.

Mood shifter lang, ‘teh?

Ilang minuto ang lumipas nang napagdesisyunan namin na umalis. Hinatid niya ‘ko of course.

“Thank you, cookie. See yah!” paalam ko sa kaniya. Pinalapit naman niya ako at biglang hinalikan, tumugon din ako

“I love you, mon amour. Good night.”

“I love you more than you know.” We both smiled at pinanood ko siyang umalis.

“Wow, nak. May pa i lab u, i lab u, ah.” Nagulat naman ako dahil biglang sumingit si Nanay sa likod, agad akong nahiya.

“Aba, dapat hindi mo kinakahiya lalo na kapag mahal mo ‘yong tao. Okay lang ‘yan, nak.” Niyakap naman niya ako at sabay na kaming pumasok sa loob.

Kahit paano nakalimutan ko rin mga iniisip ko nitong nakaraang araw. Biglang tumunog ang phone ko at may isang unknown number na nag text.

Santie.

Deceive MeWhere stories live. Discover now