Chapter 25

2.1K 65 5
                                    

A/N:Please play the audio, enjoy:)

Sobrang nakakapagod, ang dami namin ginawa, mag-gagabi na pala at malapit na ang main event, It's already 6 pm and 7 pm ang start.

"Ya! I'm tired huhu." Reklamo ni Cassidy at pasalampak na naupo sa bench, well ako rin.

"Hoy, galingan niyo mamaya nila Natalie at Onse. Cheer ko nalang kayo, tutal ang ganda ko naman, e." Sabi niya sabay inakbayan ako, inirapan ko lang naman siya, hangin talaga.

Ilang oras ko na siyang hindi nakikita, if you know, you know. Do I miss her? I can't distinguish my feelings, argh! Gusto ko nalang sabunutan sarili ko.

I'm so frustrated right now, please give me a sign.

Biglang may bumato sa akin ng papel, agad ko hinahanap kung sino 'yon, at nakita ko si Cassidy na nakangisi, ano nanaman ba trip nito? Kaya binato ko rin sa kaniya pabalik, nakakainis naman 'yong sign.

"Good Evening, Knights! Excited naba kayo?" masiglang sabi ng emcee, halos lahat ng estudyante energetic pa rin.

"Shall we start, let us welcome from engineering department!" sabay nagpalakpakan ang mga manonood, nandito lang ako sa medyo dulo. Acting ang ginawa nila, maganda naman kaso gasgas na 'Romeo and Juliet'.

The second is from aviation, magic tricks naman ginawa nila. Maganda na rin, nakaka entertain.

Pagdating sa tourism, marami ang nagsi hiyawan, marami kasi magaganda't gwapo, pero nasa psychology department pa rin ang pinakamarami, kidding.

Ginawa nilang fashion show ang event, from their cosplay attire. May nag cosplay pa nga na Rengoku kaso literal na donut ang suot, I chuckled.

"Malapit na kanila Natalie." Narinig ko si Cassidy habang may kinakain na kung anu-ano.

"Hinga muna kayo dahil medyo mainit-init ang susunod." Nagsalita ang emcee.

"Okay, shall we continue? From political science, let's give them round of applause!" maraming nagsipalakpakan, including me.

"Ito na! Ito na!" sabay yugyog sa akin ng katabi ko kaya feeling ko naalog ang utak ko, sinamaan ko naman siya ng tingin at sagay nag peace sign siya after.

Umakyat na sila sa stage, at tama ba nakikita ko na nandoon din si Luna? And si Miss Frontera bumalik sa backstage?

Ang cool nilang tignan kaya marami ang nagsisihiyawan.

"Tapakan mo 'ko, Natalie, ako pa mag so-sorry!" sigaw nitong katabi ko, namumula nalang ako dahil sa kahihiyan. Nag simula na mag play ang tutog, familiar ang song.

16 shots, ang aggressive nilang kumilos pero nag si-sync pa rin, natahimik ang mga nanonood, halatang naka focus sa harapan, magaling din si Luna-si president sumayaw.

"Pst, halika na, tayo na next." Biglang may bumulong sa akin at kinalabit ako, si Anjo pala. Nag paalam naman ako kay Cassidy at tumango lang siya, papunta na kami sa dressing room.

Pagkarating ko, nandoon na silang lahat.

"Ayusan niyo na si Rainiel, dapat maging maganda siya, ah?" narinig ko sabi nung kasamahan namin, bakit panget ba 'ko noon? Medyo insulto.

"Maganda naman si Rai, e, 'di ba?" sabi ni Onse sabay inakbayan ako at pinisil ang pisngi ko.

Pumasok ako sa isang room at nagbihis, simpleng T-Shirt ang binigay sa akin na may tatak ng grupo namin, maganda rin naman. Pagkalabas ko pinaupo nila ako para ayusan, halos mga kagrupo ko na lalaki ang nag ayos sa akin, magagaling naman sila lalo na sa pag me-make up.

Deceive MeWhere stories live. Discover now