Chapter 18

2.1K 74 7
                                    

“Good to see you, Rainiel.” Our president greeted me at pumasok ako sa loob ng opisina nila.

“Sit so we can discuss about the band.” She said and smiled at me, she's pretty though.

“I-If it's okay, may I know what's your name?” nahihiyang tanong ako, tumawa naman siya ng mahina, I hope hindi ko siya na offend.

“Yeah, yeah, It's okay, I’m Luna Bautista.” Pakilala niya sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya. Nagsimula na siyang mag discuss about sa banda kaso hindi ma-process ng utak ko dahil kanina, hayst.

“Raniniel, are you listening?” tanong niya sa akin kaya agad akong natauhan.

“S-Sorry, come again?” pag uulit ko, tumawa lang siya ng mahina.

“My, my, you seems pretty pre occupied, but that's okay.” Sabi niya at ngumiti, mabait naman pala siya I thought mang wa-warshock e.

“Okay, I’ll repeat. Ikaw kakanta pero ikaw din pipili ng song, romantic dapat.” Sabi niya at tumango naman ako, romantic? Puro alternative rock song lang alam ko.

“Don’t worry may tutulong sa’yo.” Dagdag niya pa.

“Sino?” tanong ko, umayos naman siya ng upo.

“Si Mr. Martinada.” Sagot niya, napakunot naman ang noo ko, siya talaga? Kinaaayawan ko sa lahat.

“Wala na bang choices?” tanong ko at napakamot nalang sa batok, binigyan niya lang ako ng isang ngiti.

“Sorry, wala na.” Nginitian ko rin siya nang matipid.

“Kailan start ng practice?”

“Next week, after class.” Tumango naman ako bilang pagsang ayon, medyo na di-distract ako sa harapan niya dahil, uhmn paano ko ba i e-explain? Basta ‘yon hehe. Napatingin naman siya sa ano niya at binigyan ako ng ngisi, umiwas naman ako ng tingin.

Wow, ano ‘to? Sahig?

“Are you okay?” may pag aalalang tanong niya pero nakangisi pa rin siya, napalunok naman ako.

“A-ahh, oo hehe.” I chuckled, hindi ako makatingin kasi kakaiba ang titig niya.

“You’re cute, by the way.” Sabi niya pa, para naman akong nahiya at the same time uncomfortable.

“Rainiel Louise Villarreal, right?”

“H-How did you know my name?” nauutal na tanong ko, hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa labi niya.

“Of course, who wouldn't know a star player of a baseball team.” Oo nga pala, I thought nakalimutan na nila ‘yon? Naramdaman kong tumayo siya at lumakad papunta sa pwesto ko. I can't stop swallowing hard, para akong naging yelo sa kinauupuan ko.

“You know, I like you.” Medyo maharot na bulong niya, bigla naman nanindig ang balahibo ko, napapikit nalang ako. Naramdaman kong hinahaplos niya ang balikat ko pero hindi ako makagalaw.

“What are you doing to her?” biglang may nagsalita, that familiar voice.

“Hello, Miss Frontera, kinakausap lang naman siya regarding sa University Day.” sagot niya, unti-unti naman akong tumingin kay Ma’am na naka sandal pader habang naka crossed arms.

“Really? Then why are you touching her in a inappropriate way?” pangontra niya.

“You have no evidence po.” Sagot niya tumingin naman sa akin si Ma’am, I saw how she clenched her jaw, naglakad siya papalapit sa akin at agad akong hinila para lumabas sa kwarto.

“This meeting is over.” Huling sinabi niya kay president bago kami tuluyang lumabas ng kwarto, sobrang higpit ng pagkakapit niya.

“M-Miss, kalma lang po, stick na nga ako babaliin niyo pa ba?” tanong ko at napanguso. Hindi pa rin siya nakikinig at napunta kami sa opisina niya. Nang makapasok kami sa loob naglabas siya ng panyo at alcohol.

“W-what are you doing po?” tanong ko.

“Disinfecting.” Walang ganang sagot niya at pinunasan ang balikat ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya at agad siyang napahinto.

“Kalma lang po.” Sabi ko at binigyan siya ng ngiti, umiwas naman siya ng tingin.

“Fix yourself, we’re going home.” Agad naman nanlaki ang tenga ko, we’re going home raw. I bit my lower lip to prevent myself from smiling.

“You look like an Idiot.” Sabi niya at agad naman nalukot ang mukha ko, ang sama!

“Ano hinihintay mo? Pasko?” mataray na tanong niya, hindi ko alam na nasa labas na pala siya ng pinto, agad naman akong sumunod. Naramdaman kong bigla niya akong hinila, ang hilig naman nito manghila.

“M-Miss dahan-dahan, kanina ka pa.” Pag protesta ko.

“You’re slow.” Sagot niya kaya wala akong nagawa kung hindi magpatangay nalang. Ang lambot ng kamay niya at ito nanamang puso ko!

“Where’s your car?” tanong niya

“Wala po, pinapaayos ko pa, driver lang namin ang naghatid sa akin.” which is true naman na wala akong dalang sasakyan ngayon. Inirapan lang niya ako.

“Sakay.”

“Ano po?” paguulit ko, kita ko sa mukha niya na nauubusan na siya ng pasenya.

“I don't need to repeat myself.” Anya at pumasok sa driver seat, nakanguso akong pumasok naman sa frontseat.

“Ma’am, galit po ba kayo?” tanong ko.

“No.” Sagot niya, pero bakit may nagsasabi sa akin na hindi?

“Okay.” Sabi ko, e okay daw siya, e?

“Really? Hindi mo man lang ako tatanungin?” napakunot akong tumingin sa kaniya, sabi niya ayos lang siya, she's clenching her jaw.

“Nevermind.” Ang bilis naman mag bago ng mood niya, mood shifter ba ‘to?

Nagsimula naman siyang mag maneho at naka focus lang siya sa daan. Hindi ko talaga siya ma-gets minsan, scratch palagi.

May marahan na tumatapik sa pisngi ko at agad ko nakita ang magandang mukha niya. Nakatulog pala ako.

“We’re here.” Sabi niya at dahan-dahan naman akong lumabas ng sasakyan niya at pumunta sa driver seat.

“Miss, thank you.” Sabi ko habang nakatayo sa bintana ng sasakyan niya, tumango lang siya.

Aalis na sana ako nang marinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.

“Rainiel.”

“Ano po?” tanong ko.

“Join me for lunch, always.” Sabi niya at tumango naman ako.

“And don't you dare na hindi pumunta.” Dagdag niya pa na medyo may pambabanta, nakangiti lang ako na tumango.

“Yes po.” Sagot ko pero tinaas lang niya ang bintana niya at nag drive paalis, pinanood ko lang siyang mag maneho papaalis.

Deceive MeWhere stories live. Discover now