Chapter 54

1.7K 38 1
                                    

Tahimik lang kaming kumakain sa cafeteria at halos hindi ko nagagalaw ang kinakain ko.

“Kakainin mo ba yan?” kalabit sa akin ni Cass habang tinuturo ang pagkain ko.

“PG ka talaga.” Pang aasar ni Onse kay Cassidy at inirapan lang niya ito. Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling, agad naman niya itong kinuha na may malaking ngiti.

Tahimik lang ako sa tabi habang pinapakinggan ang mga asarin nila Cass at Onse, si Natalie naman panaka-nakang tumitingin sa akin at kapag nahuhuli ko siya, umiiwas din siya agad. I just shrugged it off.

Bigla naman tumunog ang phone ko at agad kong kinuha sa bulsa, agad ko rin sinagot.

“Rainiel Villarreal?” tanong ng isang babae sa kabilang linya.

“Uhm, yes. Why po?” hindi ko maipaliwanag pero hindi ako komportable sa nararamdaman ko.

“Pumunta po kayo ngayon dito.”

“Saan?” tanong ko.














Nandito ako ngayon sa ospital dahil dito ako pinapunta ng tumawag sa akin. Nakaupo lang ako sa labas ng kwarto habang nakapikit.

Narinig ko naman bumukas ang pinto at lumabas ang doktor, agad naman ako lumapit sa kaniya at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

“Doc,” mahinang usal ko. He smiled at me.

“He’s okay, pwede kana pumasok pero bawal ma stress ang daddy mo.”

“Ano po ba nangyari?” tanong ko.

“Inatake raw ang daddy mo kanina habang may kausap sa phone.” Sagot niya. Umalis na siya at dahan dahan akong pumasok sa kwarto. Nadatnan ko siyang natutulog. Umupo ako sa tabi ng higaan niya.

I kissed his forehead and caress his hand gently.

“Get well, dad.” Mahinang usal ko at nginitian siya.











Nakatayo ako sa hallway at may naaninagan naman akong tao sa ‘di kalayuan sa akin. Agad ko siyang nakutuban agad.

A-alas.” Naging malinaw siya sa paningin ko. Lumapit naman siya sa akin, I miss her so damn much.

“Nasaan kana?” tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumasagot at nakatingin lang sa akin na may maliit na ngiti.

I-Imissyou,” bigkas ko habang nagingilid na ang mga luha ko. She wiped my tears at ramdam ko uli ang mga palad niya.

Unti-unti naman nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pagkalungkot, inalis naman niya agad ang kamay niya at dahan dahan akong tinalikuran.

“Saan ka pupunta? Iiwan mo nanaman ba ‘ko ulit?” tanong ko ngunit naglakad lang siya papalayo habang kinakain ng dilim.








Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at may naramdaman akong humahaplos sa mga buhok ko. Nakatulog ako.

Nakita ko si Dad na nakatingin sa akin at ngumiti.

“Dad,” I hugged him. Kumalas naman ako sa pagkakayakap at bumalik sa pagkakaupo.

“Nananaginip ka ata kanina, nak.” I heard him. Naaalala ko nanaman ang napaginipan ko kanina.

Narinig ko bumukas ang pinto at nakita ko sila Cassidy, Natalie at Onse na may dala dalang pagkain.

“Hi, Tito!” bati ni Cassidy at may pakaway kaway pa.

“Ingay mo, nasa ospital tayo.” Saway ni Onse sa kaniya. Natawa nalang si dad sa inaasal nung dalawa habang si Natalie tahimik lang sa gitna, lumapit naman sila sa pwesto namin.

“Ang dami niyo namang dala.” habang tinitignan ang mga basket na hawak nila.

“Hindi naman para sayo yan.” Narinig ko si Cassidy at agad ko siyang sinamaan ng tingin, baliw talaga kahit kailan.

“Tama na yan, salamat.” I heard dad. Agad naman niya tinignan si Onse.

“And, who are you young boy?” tanong ni dad sa kaniya, nakita ko naman na nahiya siya at napakamot sa ulo.

“Onse po, nice meeting you, sir.” Ngumiti naman si dad sa kaniya, masaya lang sila nagkukulitan habang si dad tumatawa lang.

“Ano nangyari kay tito?” I heard Natalie habang kumakain ng slice bread.

“Inatake raw sa puso.” Sagot ko.

Bumukas naman ang pinto ulit at nakita ko si Tito, agad naman silang natahimik.

“Aalis na po kami Tito. Tara na.” Pagyayaya ni Cassidy at agad silang lumabas ng kwarto. Naiwan naman kaming tatlo.

“Sige po aalis na rin ako.” At agad na rin akong lumabas ngunit nagtago lang ako sa gilid ng pinto.

“Why are you here?” tanong ni Dad kay tito.

“Nandito ako dahil sa balita, I’m sorry, Rico.” Napuno ng katahimikan ang kwarto, “kailan mo sasabihin kay Rain ‘yan?” tanong ni tito.

“Sasabihin ko rin kapag nakalabas na ‘ko rito.”

“Satingin mo sinadya ba ‘yan?” tanong ni tito

“Ang alin?”

“Ang pagkabagsak ng lahat sayo.” Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Tito.

“Bumagsak na ang negosyo at kumpanya ko, unti-unti na bumabagsak ang mga pinaghirapan ko, hindi lang para sa akin, para rin kay Rain.” I heard Dad said.

“Magpagaling kana muna, Rico. Bawal sayo ang ma stress, baka atakihin ka uli.” Nagmamadali naman ako naglakad upang makaalis sa ospital, agad akong tumakbo papuntang parking lot para sumakay sa sasakyan ko.

Doon ako umiyak nang umiyak dahil sa sobrang bigat ng mga nangyayari sa akin.

I cried hanggang sa wala na ‘kong mailabas.

“A-alas nasaan kana.” May halong panginginig sa boses ko habang binabanggit ang pangalan niya.



A: mauuna pa yata ako matapos kesa sa story ko.

Deceive MeWhere stories live. Discover now