Chapter 47

1.7K 48 3
                                    

“Saan tayo kakain?” someone asked us.

Busy lang ako nakatingin sa phone habang naglalakad sa mall kasama ang tatlong hatdogs, we decided na mag bonding ulit.

“Or may gusto ba kayong puntahan?”

Grr, bakit ang tagal niya mag online? 11 a.m na wala pa rin siya. Isang buwan na rin simula nung umalis siya.

“Hello? May kausap ba ‘ko?”

Hindi ko na masyado inintindi kung sino man ang nagtatanong, mas nag i-invest kasi ngayon ang atensyon ko kay cookie.

“That’s it, I’m done!” Inis na hayag kung sino man ‘yon, biglang may humablot ng phone ko, at tinignan ko kung sino ang kumuha. Nakita ko si Cassidy na halatang naiinis sa amin, at hawak-hawak niya ang mga phone namin.

“Kanina pa ‘ko tanong nang tanong, wala man lang sumasagot. Instead na mag bonding tayo, ano ang ginagawa niyo? Nag pho-phone. Edi sana pala hindi nalang tayo gumala. To be honest, nakakabastos kayo, oras nga natin ‘tong magkakaibigan tapos kung ano pa pinag kaka-busyhan niyo. Diyan na nga kayo!” Naiinis at may halong pagtatampong litanya niya sabay padabog na umalis at pumasok sa department store.

Nilapag naman niya ang mga phone namin sa isang bench malapit sa pwesto namin. Nagtinginan naman kaming tatlo sa isa’t-isa, at tinignan namin si Onse.

“Hoy, bakit sa akin lang kayo nakatingin? Ako lang ba may kasalanan, ha?”

“Duh, wala pa naman akong sinasabi, ah?” I said and rolled my eyes.

“Enough na, galit na ‘yong isa, okay? So what should we do?” Natalie asked us. Napatingin naman ako sa kaniya na puno ng pagtataka, teka, bago ‘to ah? Hindi siya palagamit ng phone pero bakit pati siya nadamay? Hmm.

“Stop giving me that look, okay? Fine! I am also guilty.”

“Teka, ano ba kasi ginagawa niyo sa phone?” tanong ko sa kanilang dalawa, napakamot naman si Onse ng ulo at nag aalangan sumagot.

“Nagbabasa,” Onse replied in a low tone voice at medyo nahihiya pa.

“Nagbabasa lang pala.” Pero inabot niya ang phone niya sa amin at napatingin kami kung ano binabasa niya. Napatingin kami ni Natalie sa isa’t-isa.

“I’m not gay, okay? Trip ko lang talaga magbasa ng mga BL manhwa. Kasi for me straight stories are already overrated, gosh, nakakasawa na kaya.” Then he rolled his eyes at us. Napatawa ako ng mahina habang si Natalie napailing nalang.

“Duh, wala akong sinasabi, ‘no. At, ano naman kung maging gano’n ka, suportado naman kami sa’yo.” I said.

“Talaga?” Namamanghang tanong niya.

“So bading ka?”

“Hindi nga, teluk mo talaga.”

“Tama na nga ‘yan, isipin nalang natin paano paaamuhin ang isang ‘yon.” Pag puputol ni Natalie sa amin, tinignan naman  namin siya ni Onse, at binigyan kami ng isang irap.

“Stop, okay?”

“Hoy, Rainiel, ikaw na ang sumuyo ro’n.” Utos ni Onse sa akin, ano pa nga ba? Pinuntahan ko siya at nakita ko siyang nag susukat ng mga damit. Kinalabit ko siya.

“Pstt, sorry na.” Kaso hindi niya ako sinasagot. Sinundan ko naman siya kung saan siya pupunta uli.

Hindi ko alam na mas mahirap pala manuyo ng kaibigan.

“Hey, Cass, sorry na, please?” I hug her from behind, pilit niyang tinatanggal pero sumuko rin siya.

“Tapos na ba kayo?” may bahid pa rin ng pagtatampo sa boses niya.

Deceive MeWhere stories live. Discover now