Chapter 20

2.2K 70 3
                                    

I woke up and realize na hindi ko pala 'to kwarto, I scanned the place, this is far from my room.

"You're awake." I heard the familiar voice and I saw her learning at the door and wearing night ties. I gulped.

"Stop staring." She said kaya natauhan ako damn, you look like a pervert, Rain, get a grip.

"What happened po?" I asked her, she crossed her arms and looking at me with her natural look.

"Hulaan mo." Napakunot naman ako dahil sa sagot niya, siraulo lang? Tinignan ko ang ilalim ng kumot, iba na ang suot ko. Tumingin ako sa kaniya.

"T-tinanggalan mo na 'ko ng puri, Ma'am?" I said dramatically at tinakpan ang sarili ko, nakita kong kumunot ang noo niya.

"Could you please stop saying nonsense, I'm straight for your information,” Napatingin siya sa katawan ko "and, your body looks like a broomstick." seryosong litanya niya kaya napanguso ako, nagbibiro lang, e. She rolled her eyes.

Ang sama niya sa part na mukha raw broomstick katawan ko, may abs din ako.

Absolute zero

"Joke lang naman po." Sabi ko at lumabas na siya ng kwarto, dali-dali akong tumayo, oh shit! Bigla akong natumba sa kama dahil parang niyanig ang ulo ko.

Hindi man lang ako tinulungan, ang sama ng ugali.

Pagkababa ko ng hagdanan nakita ko siyang nag pre-prepare ng breakfast kaya lumawak ang ngiti ko at dali-dali bumaba ng hagdanan.

"Good Morning, Miss cookie monster." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at umupo lang, umupo rin naman ako. May bacon, egg, waffle and bread. Tinignan ko naman kung ano kinakain niya, as usual cookies.

"Mabubusog ka po ba riyan, Ma'am?" tanong ko habang kumukuha ng waffles.

"Shut up and eat." Sabi lang niya, kailan kaya mawawala ang kasungitan nito? Seryoso lang siyang nagbabasa ng newspaper.

"Hindi pa po ba ubos dugo niyo?" tanong ko at napatingin naman siya sa akin.

"Hehe just kidding, ito naman si Boss galit agad." I chuckled from my own joke, naalala ko lang 'yong sampal niya sa babae kagabi, speaking of that girl, kumusta na kaya 'yon?

"Miss, what happened last night?" I asked her.

"You were drunk." Tipid na sagot niya sabay higop ng coffee.

"N-naalala ko po 'yong babae, what happened to her?" tanong ko na medyo nag aalinlangan nakita kong humigpit ang hawak niya sa diyaryo at tumingin sa akin.

"Why, gusto mo sumama sa kaniya?" tanong niya sa akin kaya nanlaki naman ang mata ko.

"H-hindi naman po sa gano'n." Utal na sagot ko.

"Then stop asking about her." She said kaya tumango nalang ako.

★★★

Nasa living room lang kami at nagbabasa lang siya ng magazine habang naka crossed legs.

"Miss, pwede mag patugtog?" tanong ko, she nodded. Lumapit ako sa stereo niya na malapit sa T.V.

I heard her humming habang nagbabasa kaya hindi ko maiwasan mapangiti.

🎶What if I told you that I've fallen?
The heart-shaped arrow through my chest
I'll make your breakfast every morning
And pick you up when you're a mess🎶

Sumabay na rin ako sa kanta pero mahina lang.

"Miss, Is your name Dunkin?" I asked out of nowhere at nakatingin sa kaniya.

"Why," she respond habang nagbabasa pa rin.

"Because I donut want to spend another day without you." tumingin naman siya sa akin at nginitian ko lang siya, I move my eyebrows upside down.

🎶But don't mind me, I'm just falling, I'll be back up on my own🎶

I noticed her pupils dilated at medyo namula siya.

Umayos naman siya ng upo and she lean forward pero hindi gano'n kalapit.

"How many girls nasabihan mo niyan?" tanong niya sa akin, I swallowed hard at ano raw? Ilan?

"Ilan ka po ba?" I countered back and smirked. Nagkatitigan kami pero saglitan lang, siya ang unang lumayo at bumalik sa pagbabasa.

"Stop saying nonsense." She said but I saw she bit her lower lip.

🎶What if I told you that I've fallen?
Nevermind, nevermind, nevermind🎶

I can't stop from smiling, what's happening to me? Mas lalong kumakabog puso ko habang tinitignan siya.

"Hanggang kailan mo 'ko titignan." Narinig ko siya kaya bigla akong natauhan.

"Hanggang sa walang hanggan po." Sagot ko.

"Corny." Sabi niya, I chuckled.

"Yie, gusto niya naman." I teased her.

"Who?" tanong niya

"Me." I said, naghintay ako sa sagot niya.

"Who asked." Bigla akong napanguso.

"Kailan po ba kayo babait sa akin?" tanong ko sa kaniya.

"I'm not kind as you think."

"Halata nga, inaaway niyo 'ko palagi, e." Sabi ko na parang bata.

"Because you are damn annoying." seryosong sagot niya.

"Sus, baka pag hindi na po kita kinulit, bigla niyo 'ko ma-miss." Sabi ko naman.

"Are you threatening me?" tanong niya sa akin at tumingin, bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa titig niya.

"H-hindi po." Utal na sabi ko.

"Don't you dare try it." Banta niya kaya tumango nalang ako. Lumipas ang ilang oras at halos panggugulo lang ang ginawa ko siya kaniya at sakit sa ulo ang binigay ko.

"Hatid mo 'ko, Miss, wala akong kotse." Sabi ko sa kaniya. Hinahanap ko naman damit ko kaso hindi ko mahanap.

"I washed your clothes." Sabi niya, nilabhan niya? Ano susuotin ko?

"Eh? Ano po susuotin ko?" tanong ko sa kaniya.

"You can go home tomorrow." Sabi niya na kinabigla ko.

"Yiee, gusto niyo lang ako makasama, e." I teased her, tumaas naman ang isa niyang kilay.

"In your dreams." Sabi niya at iniwanan ako. Hindi ko maiwasan mapangiti.

I shouldn't tell you that I've fallen.

Deceive MeWhere stories live. Discover now