Chapter 30

2.2K 56 1
                                    

I woke up and check the time, It's 4 am in the morning. Kailangan ko talaga gumising ng maaga ngayon dahil sa camping, Yes, I decided na sumama nalang, pupunta kasi siya, e.

Hehe.

Bago ako tumayo sa higaan tinignan ko muna kung online siya, hindi siya online baka natutulog pa. Mamaya ko nalang siya guguluhin.

Baka nasa ibang account at may kausap na iba? OMG mag o-overthink naba ako? I brushed out my thoughts, hindi 'yan!

Humimikab akong tumungo sa cr para maligo, tumingin muna ako sa salamin. Humahaba nanaman buhok ko mukhang kailangan na uli magpagupit. I start undressing myself hanggang sa undergarments ko nalang ang natira at nagsimula na maligo.

"Ingat ka, Nak!" may pa iyak-iyak pa at sabay niyakap ako ni Nanay bago sumakay sa sasakyan namin. Para namang mangingibang bansa ako, niyakap ko rin siya pabalik. Magpapahatid nalang ako sa driver namin dahil walang mag uuwi ng sasakyan ko

Nang makarating na 'ko sa unibersidad, hinanap ko naman ang mga bugok. Nakita ko sila sa loob ng school at kumpleto na.

"Sup, Rainyyy, buti hindi ka late." Pagbibiro ni Cassidy, nandito rin si Natalie and as usual libro nanaman. Si Onse naman na palangiti kahit wala naman dapat ikangiti, adik lang? Palinga-linga naman ako, baka lang makita ko siya.

"Ehem," Biglang tumikhim si Cassidy, and she gave me her malicious stare, ano nanaman ba problema nito?

"Ano?" medyo inis na tanong ko.

"Wala!" sagot naman niya. Nakakainip naman sana sumakay na kami. I check the time, It's 5:30 am, 6 pa raw ang datingan ng mga bus. Pero himala dahil kaunti lang sumama ngayon, siguro hanggang 3 bus lang lahat.

Nakita ko naman na busy si Cassidy sa kaka-chat at panay ngiti ang gaga, may pa kagat-kagat pa ng ibabang labi, edi sanaol masaya, 'di ba?

Sa una lang naman kasi 'yan masaya.

Si Natalie naman parang naiirita kung sino man nag cha-chat sa kaniya, while Onse? Pangiti-ngiti lang. Kaunti nalang papa drug test ko na 'to.

Hanggang sa dumating na ang bus namin at pumila na kami para sumakay. Sa may bintana ako umupo, favorite spot ko hehehe.

Si Cassidy naman nasa likuran ko lang, si Natalie naman medyo malayo sa amin habang si Onse nasa ibang bus. Nakahalumbaba lang akong nakatingin sa bintana, nasaan na kaya siya.

Narinig ko bumukas ang pinto ng bus at nakita ko siya with Miss Contreras and Benavidez. Nang nagtama ang tingin namin, nginitian ko siya, may isang bata nanaman ang masaya. Ang ganda niya pa rin kahit simple lang ang suot niya ngayon.

Naka fitted long-sleeve siya na itim at pinatungan ng open front cardigan, skinny jeans, at naka messy bun siya na may nalalaglag pa na buhok sa gilid.

Damn, napakaganda. Papalapit naman sila at nakita ko naghahanap siya ng mauupuan.

Ehem, nandito lang naman mukha ko anytime, kidding. Hehe, ang halay mo, Rainiel.

Act fool, Rai. Wow, ano 'to? Aircon?

Nang naramdaman kong nasa tapat ng upuan ko siya parang pinipigilan ang hininga ko.

"Ops!" biglang may sumanggi sa kaniya kaya napaupo siya sa tabi ko.

"Lydia." She said in a warned tone pero tumawa lang ng mahina si Miss Contreras.

"Kunwari ka pa." She muttered, tumingin naman ako kay Miss Contreras at kinindatan ako, naupo siya sa tabi ni Cassidy. Hindi ko maiwasan magtaka.

Ano 'yon?

Meanwhile, tumabi si Miss Benavidez kay Natalie na mukhang ayaw pa nung kaibigan ko. Bumalik ang tingin ko sa unahan, Act fool.

"Okay, 4 hours pa naman ang biyahe kaya makakatulog pa kayo. May mga professor naman kayo na kasama kaya maging mabait, okay?" Paalala ni principal sa amin kaya tumango naman kami.

Tahimik lang ang biyahe at nakatingin lang ako sa bintana. Gusto ko na talaga siyang kausapin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula!

Alam ko na.

"Miss," mahinang tawag ko at napatingin naman siya sa akin.

"Ilan ang butil ng asin sa bahay niyo?" tanong ko sa kaniya. She creased her forehead. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang tawa ko.

"Just sleep, Villarreal." Sagot lang niya kaya napanguso akong tumingin sa harap, last name nanaman?

"Ito, Miss. Pwede bang mag dinner nang may dalang lunchbox?" tanong ko pa, napapikit naman siya at parang pinapakalma ang sarili, gusto ko na talaga matawa.

"I don't know." Madiin na sambit niya habang nakatingin lang sa unahan. Hindi ko na siya tinanong uli, naalala ko 'yong sampal niya sa babae. Umayos naman ako ng upo.

Sa peripheral vision ko nakita kong kumakain siya ng cookies, well ano pa nga ba. Napatingin ako sa kaniya, parang reyna kung kumain.

What if reyna talaga si Miss Frontera tapos nagpapanggap lang pala na professor? OMG tapos ako 'yong makakapangasawa niya. Eme lang.

"Get one," I heard her, ano raw?

"You can get a cookie, deaf." Inulit niya uli ang sinabi niya kaya lumawak naman ngiti ko, syempre hindi ko na inintindi ang last part kahit na insulto nanaman 'yon, sanay na 'ko.

Kumuha ako ng tatlo, sulitin na natin.

Masama naman siyang tumingin sa akin pero nginitian ko lang siya, wala na siyang magagawa nalawayan ko na lahat. Hehe.

Habang kumakain ako naalala ko naman sinabi niya last time, I-It means?

"It's nothing, okay?" I heard her, wala pa nga, e. Inunahan na agad ako. Wewz, nothing daw.

"I saw you were looking for me a while ago." She said habang nakatingin lang sa unahan, nakatingin lang ako sa kaniya.

"Taas naman po ng confidence." I said, totoo naman e. Pero totoo naman.

"Of course." She plainly answered.

"Any proof na hinahanap ko kayo?" tanong ko at kumagat uli sa cookies.

"You are into me." Sagot niya sabay tumingin sa akin. This heart of mine ang lakas nanaman ng kabog. I swallowed hard dahil sa lalim ng tingin niya sa akin. I'm trapped.

Bigla naman pumreno ang bus na nakapagpabalik sa ulirat ko. Napapikit ako dahil akala ko mauuntog ako sa katapat ko na upuan, pero may naramdaman akong kamay na sumuporta sa ulo, especially sa forehead ko para hindi ako mauntog.

"Are you okay?" tanong niya at binitawan ako.

"O-Opo, thank you, Miss." I said, she just nodded pero halatang naiinis dahil sa nangyari.

Humingi naman ng paumanhin ang driver. Nakaramdam ako ng antok at sinandal ko naman ang ulo ko sa bintana para matulog. I closed my eyes.

Hindi ako makatulog ng maayos dahil nauuntog ako sa bintana.

Naramdaman ko nalang na may marahan na humawak sa ulo ko at pinasandal, I feel comfortable. Ang lambot at ang bango. The familiar sweet and lavender scent. I can't help but to smile a bit hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Deceive MeWhere stories live. Discover now