Chapter 11

2.4K 65 4
                                    

“Aga natin, Rain.” Bati sa akin ni Cassidy pagkapasok ko sa loob, nakatambay sila sa bench kasama si Nat na busy nanaman magbasa, pero nung naramdaman niya ata ang presensya ko, sinarado niya ang binabasa niya’t tumingin sa akin.

“Well, Good Morning to you too.” Then I playfully rolled my eyes after of what I’ve said. Nag k-kwentuhan lang kami ng kahit anong mga bagay, nakikinig lang si Nat, ang madaldal lang naman sa amin si Cassidy.

“Hi, Onse!“ tawag ko sa pamilyar na lalaking papasok, tumingin naman siya sa direksyon ko at lumapit.

“Onse?” takang tanong ni Cassidy, tumango naman ako.

“Hi, Rain.” Parang nahihiya niya pang sambit, he's cute pag nahihiya, but hanggang friends lang talaga kaya ko. Hindi ko pa nararamdaman na dapat pumasok na agad ako sa isang relasyon.

“Onse Trafalgar?” tanong ni Cassidy sa kaniya ngumiti naman siya at tumango, wait kilala niya?

“Magkakilala kayo?” may kuryosidad kong tanong.

“Duh, kilala siya sa buong school, ikaw lang naman HINDI.” Talagang diniinan niya pa ang huling salita, inirapan ko naman siya. Si Onse parang nahihiya kasi namumula siya, ang soft niya kumilos pero wala naman akong problema.

“He’s a top-tier basketball player in our school.” Dagdag pa ni Natalie, pati siya kilala niya rin? So ako lang talaga ang hindi?

“How come na kakilala niyo?”

“As if naman Rain na may pake ka sa mga tao, ni hindi mo nga napapansin sila. You only revolving sa sarili mo.” Bakit naman parang realtalk ‘yon? Gano’n ba talaga ‘ko?

Pero bakit si Miss Frontera halos na o-observe ko lahat? Wait, ano naman kinalaman ni Ma’am?

“Hindi naman siguro, ayoko lang talaga mangialam sa buhay ng iba.” Sabi ko sa kaniya, nakikinig lang sina Nat at Onse.

“By the way Onse, meet Natalie and Cassidy, pwede ka sumama sa amin paggusto mo.” Nginitian ko naman siya at kinamayan siya ni Cassidy, si Natalie tumango lang. One thing napansin ko, may similarities sina Natalie and Miss Frontera, hindi sa mukha, sa personality.

Wait, bakit lagi kong dinadamay ang propesora na ‘yon?

“See you mamaya sa lunch.” Cassidy said, magkakahiwalay na kasi kami ng building, magkaiba sina Onse at Natalie, while me and Cassiy of course magkasama, tumango naman sila at inakbayan na ‘ko ni Cassidy papunta sa room namin.

“Good Morning Miss Frontera.” Bati namin tumango naman siya at pinaupo na kami, ang ganda niya ngayon, scratch everyday. Nang mag tama ang mata namin, napalanuok, why do I feel her sudden dominance against me!

“We’ll start our discussion.” Malamig na hayag lang niya at nagsimulang magturo. Buong discussion niya, kung nasaan siya, sinusundan ko ng tingin.

“Villarreal, are we clear?” bigla akong nagulat dahil sa boses niya, ako nanaman? Bakit ako lagi? Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya.

“Okay, kung nakikinig ka, discuss mo kung ano sinabi ko.” At saka sumandal sa lamesa at nag crossed arms and legs. Tumayo na ‘ko at nagsimulang i-discuss kung ano sinabi niya, though hindi ako maka concentrate dahil feel ko distracted ako.

Nang matapos ako naglakad siya papalapit sa akin kaya hindi ako makakilos. Nang makalapit siya she lean closer kaya mas naamoy ko ang scent niya.

“You’re seem sweating.” I heard her sa mababang boses kaya mas lalo akong nagulat, I can feel my heart beats so fast.

“N-no po.” Nakayuko naman ako, jeez ano ‘to!

Naramdaman kong nakaalis na siya at naglakad papunta sa harapan kaya nakahinga na ‘ko ng maluwag, a-ano ‘yon?

“Villarreal, carry my things.” Hindi siya nagtatanong, more on nag uutos kaya sumunod ako. It's just me na maayos ang mood niya? Nakita ko ipapabitbit niya, isang laptop lang? Jusko kahit bata kaya ‘tong buhatin.

“What’re you waiting for? Christmas?” may pag ka mataray na tanong niya kaya binitbit ko nalang, sungit.

Nang makarating na kami ng opisina niya, pumasok kami sa loob at nilapag ko sa lamesa niya.

“Now, get out.” Parang wala lang niyang sabi at umupo, seryoso? Hindi ba ‘to marunong mag thank you?

“Well, thank you, Villarreal.” Sabi ko at tumingin naman siya sa akin, wala, pinalayas lang ako kaya masama ang timpla ko nung bumalik. Ano ba problema no’n?

★★★

“Bakit bad trip ‘yan?” tanong ni Cassidy, nasa cafeteria kami nakaupo.

“Onse, here!” tawag ni Cassidy pero hindi na ‘ko nag abalang tumingin, naramdaman ko lang na umupo siya sa tabi ko.

“Hi, bakit badtrip ‘tong isa?” tanong niya, they just shrugged their shoulders.

“Baka may dalaw.” Hindi ko na pinatulan, wala talaga akong energy.

“Tama na ‘yan, libre ko nalang kayo.” Sabay akbay ni Onse sa akin at tumingin, ngumiti naman siya.

“Nice, may bagong member na sa gang! Team sakalam!” napangiwi naman ako sa sinabi ni Cass, korni.

“Corny.” I heard Natalie's voice habang nagbabasa. Ngumuso naman ‘tong isa. Binigay na namin kay Onse ang order namin at sinamahan naman siya ni Cass. I roam my eyes around kung nandito siya, nandoon siya sa lamesa na puro teachers, wow, may kasama na. Tatlo lang sila at halos magaganda, si Ma’am tahimik lang na kumakain.

May narinig naman akong nag message.

Looking at me, eh?

Paanong? Kala ko ba kumakain siya?

Luh, feeling po ah

At hindi na ‘ko nireplyan, galing trip ata ako i last chat palagi.

Dumating na sila kasama ng mga inorder namin, may pasta, teriyaki, chicken, and vegetable salad.

“Here, Rai. Mag gulay ka.” I heard Natalie at ngumuso naman ako, ayoko!

“Stop pouting, open your mouth.” Sabi niya at agad ko rin ginawa, sinubuan niya ako, masarap hmm. Teka, si Natalie ‘yong tipong hindi rin nag papahiram ng gamit especially kutsara ‘yan.

“Ako rin, Nat!” singit ni Cassidy at kumuha naman si Natalie kaso sibuyas ang sinubo sa kaniya, kaming tatlo agad nagtawanan habang siya nakabusangot. Sinilip ko si Nat, first time kong makita na tumawa siya ng ganiyan, very unusual. Alam kong nakakaagaw na kami ng atensyon kahit na mga professor na kumakain sa cafeteria, tinignan ko si Ma’am kaso dedma lang siya na kumakain, may sinasabi sa kaniya nga co-professor niya pero tumatango naman siya.

Ugh, can you please stop looking at her,
Rai?

“Rain, are you okay?” I heard Onse ask me.

“Y-yeah, thank you eleven.” He pats my head.

Glad found a new friend, pero naiinis pa rin ako sa kaniya, hmp.

Deceive MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt