Chapter 34

1.9K 59 4
                                    

Today is our last day and tomorrow morning we'll leave. I'm happy and contented because somewhat, I had a chance to be with her. Too dramatic.

I'm here sitting and facing the mountains. I didn't see her, maybe she was somewhere and nowhere to be found. I stood up from the ground and walked by.

"Hi, Raineyyy, my friend and everything." Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi ni Cassidy, inakbayan naman niya ako.

"Mamaya raw gabi magkakaroon ng bonfire, ang saya non!" masiglang hayag niya sa akin.

"Where's Natalie at Onse?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam, hindi naman ako hanapan ng mga taong hindi makita." Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa lang siya, guard may baliw dito.

Naglalakad-lakad lang kami tungo sa kawalan, kidding, basta naglalakad kami kung saan kami mapunta.

It's 3 p.m in the afternoon, tirik ang araw, but malamig naman ang hangin. Nasaan na kaya siya, miss ko na siya.

Joke.

"Ehem, may hinahanap." Cassidy fake her cough at binigyan ako ng nakakalokong tingin.

"Hindi, ah. Btw the way. Ano meron sa inyo ni Miss Contreras?" tanong ko kay Cassidy at parang napahinto naman siya, wait, is she blushing? I teased her more.

"Loh, issue ka, ah. Wala magkaibigan lang." Sagot niya, pero hindi ako naniniwala.

"Issue ka riyan, wala pa nga 'ko sinasabi, nagtatanong pa lang, ay sauce."

"Heh! Tigil-tigilan mo nga 'ko cookie monster." Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya, she's smirking right now. Bwisit! Bakit kasi nalaman pa!

"Nyenye, Miss Contreras." Asar ko sa kaniya.

"Weh, cookie monster." Asar niya pabalik sa akin.

"At least kami may nickname."

"Oh talaga? Wala naman kayong label." Aba, bastusan pala kami rito.

"Oh nagsalita ang meron."

"At least, ramdam kong mutual kami."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya, nakangisi pa rin siya. Grrrr! Ramdam ko rin naman ah. Ramdam ko na wala.

"Tangina mo, walang personalan."

"Tangina mo rin, 'di kita minumura hampas lupang betch!" sinamaan ko naman siya ng tingin. Parang hindi kaibigan kung makalait!

"Villarreal/Dela Cruz words!" biglang may sumaway na kinagulat namin, napatingin kami sa gilid. We saw Miss Frontera and Contreras na halatang naiinis sa amin.

"Kasalanan mo 'to." Bulong ko sa kaniya. Naramdaman kong hinampas naman niya braso ko. Gagantihan ko sana siya nang magsalita pa sila.

"Titigil kayo o malalagot kayo pag uwi?" banta ni Miss Contreras.

"Ugh! I'll take this kid, Alas. Bye." Sabay hatak niya kay Cassidy at naglakad palayo. Nakita kong palapit naman sa akin si cookie monster. Pasimple akong tumingin-tingin sa paligid.

Wow, ano 'to? Langit?

"Come with me." I heard her, nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko naman siya paalis.

Napunta kami sa tent namin at pumasok kami sa loob. Umupo naman siya.

"Ano po kailangan niyo?" tanong ko sa kaniya, prente lang siyang nakaupo at nagbabasa ng kung anu-ano.

"Nothing, you may go." Sabi lang niya, loh adik ba 'to?

"Ano nga kasi!" pagpupumilit ko pa pero seryoso siyang napatingin sa akin, halatang galit. Lagi naman.

Deceive MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant