Chapter 40

1.9K 55 1
                                    

My Cookie Monster♥️

Baby

Hmm???

I have a favor

What is it?

Can you go to my house?

Napahinto ako sa kinakain ko.

Please.

Natuwa ako kaunti dahil first time niya magsabi niyan.

What's the matter?

I miss you, and I wanna hug
you right now.

Okay, I'll be there quickly.

May gusto ka bang ipabili?

Nothing, I want you only.

I quickly get up sa pagkakahiga, time check: 11 p.m. Nagsuot lang ako ng long sleeve and shorts bago bumaba ng hagdan. Agad ako sumakay sa kotse ko't pinaandar.

Naisip kong huminto sa convenience store para bumili ng cookies and ice cream, nang makabayad na 'ko bumalik na agad ako sa sasakyan.

I wonder kung may sumasagabal ba sa kaniya kaya naisipan niya ako papuntahin sa bahay. Anytime naman pupuntahan ko siya, 2 weeks palang simula nung maging kami, and little by little nakikilala ko na siya kumpara noon.

Nang makarating na ako sa tapat ng bahay niya, kumatok ako at agad naman niya binuksan ang pinto.

"Hi," I smiled, she hugs me immediately and I return the hug also. Nang makapasok ako sa loob sinabihan niya akong ilagay muna sa fridge ang mga dala ko, bukas na raw namin kainin. Sinundan ko siya patungo sa kwarto niya at naupo kami sa kama.

"You said you miss me, so I am here." Niyakap niya ako uli pero patagilid, hinimas ko naman ang braso niya habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Higa tayo." Pag aaya niya, tumayo naman ako para patayin ang ilaw, namangha ako dahil sa ceiling niya. May glow in the dark stars siya sa kisame, sobrang dami.

"Do you like it?" I nodded, habang nakatingin pa rin sa kisame, siya rin nakatingin din at humiga ako sa tabi niya.

"Did you know that I love astronomy?" nakangiting saad ko habang nakatingin sa mga stars.

"I'm glad that you love it." I heard her, biglang may nag pop out sa utak ko.

"Hey, let's do something." she looks at me with full of curiosity in her face.

Nakataklob kaming dalawa sa kumot habang flashlight lang ang ilaw namin. Matagal ko na 'to gustong gawin hehe.

"Charaaan! Ang saya, 'di ba?" masiglang tanong ko, narinig kong tumawa siya ng mahina.

"Childish, but I do like it." She pinched my cheeks pero hindi naman masakit, since hindi ako makatulog, idadamay ko na rin siya.

"Magkwento ka, please?"

"Aight, ano gusto mo i-kwento ko?"

"Kahit ano, hobbies, talent, or childhood?"

Bakas sa mukha niya ang lungkot nung binanggit ko about sa childhood, bigla akong nag alala.

"Ito nalang, curious ako kung anong military ang sineserve mo?" pinilit kong ibahin nalang ang pinag-uusapan namin.

"Air Force." Sagot niya kaya napa "O" nalang ako.

"And, I am the général d'armée aérienne." Ano raw? Napatingin ako sa kaniya at nagpipigil siya na huwag matawa.

"Ano 'yon?" sensya, tanga lang.

"The highest rank in air force, the general. I serve in France." Mas lalo akong namangha, just wow.

"When I was 15, I already learned how to fly a helicopter and airplane." Kwento niya pa, wow, nung 15 palang ako bumabangga pa ako sa bisikleta e, awit.

Pero kidding aside, nakakabilib. Lumapit ako sa kaniya at yumakap, sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya, so soft. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Kwento ka pa, please."

"Hmm, I have a tattoo sa chest."

"Anong design?"

"Secret." Hindi ko na pinilit siya na sabihin.

"Pero, ano meaning no'n?"

"I can't say, you'll find out soon."

Nabalot naman kami ng katahimikan at naririnig ko ang mahinang pag hum niya

"Pwede ba ganito nalang tayo palagi?" sana ganito nalang kami.

"As long as we're together." Comfortable na ako sa kaniya sana walang magbago, kahit na alam kong may magbabago pa rin sa amin. But at least, I have her, right?

"Kanta ka, please." Gusto ko lang marinig na kumanta siya, ang ganda e.

"Pilit mang itulak palayo"

"Hihilahin ng tadhana pabalik sa 'yo,"

"Dahil sa minsan mong pagngiti,"

Pinikit ko ang mata ko habang nakikinig sa kaniya.

"Alam kong ako'y mananatili,"

"Dahil ikaw ang aking kanlungan,"

"Ako naman ang iyong sandalan."

I can't help but to smile, tumingala ako para makita siya, pero may mumunting luha ang tumutulo sa mga mata niya.

"Hey, why are you crying?" may pag aalalang tanong ko.

"D-don't leave me, please? I'll do anything just to make you stay. A-ayoko na maiwan pa, ayoko na may mawala pa sa akin." Humagulgol na siya, I wipe her tears using my hands. This is my first time seeing her like this.

"Mananatili naman ako kahit hindi mo sabihin. Huwag kana umiyak, please?" tumango siya, nababasag ako sa tuwing nakikita kong umiiyak siya, katulad ngayon.

Unti-unti ko siyang pinatahan.

"I love you, I'm willing to kill everyone even myself just to keep you." Napalunok ako dahil sa sinabi niya, dumilim ang tingin niya.

"Shhh, I love you more, don't say that, hindi mangyayari 'yan." I hug her, though nababahala ako dahil sa sinabi niya pero may tiwala naman ako na hindi niya 'yan gagawin.

Mas humigpit ang yakap niya, sakop na sakop niya ang katawan ko dahil sa liit ko, jusq.

How can I unlove her? Hindi niya deserve 'yon. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, maghihintay ako na siya na ang mag kwento, sa ngayon, intindihin ko muna siya.

Mahal ko rin siya pero kapag ang panahon na ang naglayo sa amin, maghihintay ako kahit gaano pa katagal ang abutin.

Deceive MeWhere stories live. Discover now