Chapter 27

2K 58 1
                                    

Days had passed mas lalo kong pinursue si Miss Frontera even laging naiinis o naiirita na siya sa kakulitan ko. Pero kahit na gano’n, nasa limitation pa rin ako. I still respect her tho.

Pangatlong subject na bago mag lunch time at nakikita kong busy ang katabi ko sa kaka-chat kung sino man ‘yon. Tinignan ko kung sino kausap niya.

Miss Lydia,

“Miss Lydia pala ah.” Bulong ko at ramdam ko ang pagkagulat niya. Nginisihan ko naman siya habang siya sinamaan ako ng tingin.

“Huwag ka nga, pag tayo nahuli.” She said.

“Shit, naubusan pa ‘ko ng load.” Dismayado niyang sambit.

“Wala ka nang load? Benta mo sim card mo, tapos mag pa-load.” Sabi ko naman at nakaramdam ako ng suntok sa braso ko.

“Gago ka, kailan ka ba aayos?”

“Edi magpadala ka ng mekaniko.” Pang aasar ko pa at kitang kita ko na nauubusan na siya ng pasensiya. Akma niya sana akong hahamapasin nang sinita siya ng Prof namin.

“Cut it out, Dela Cruz.” Agad siyang napabusangot, dinilaan ko naman siya, buti nga.

“And you Villarreal, huwag mo na asarin lalo.” Luh, nadamay ako? Tinignan ko naman si Cassidy at ako naman ang dinilaan niya, grrr.

Speaking of Miss Frontera, how is she? Nagtuturo kaya siya ngayon? Baka mamaya may lumalapit na sa kaniya, tapos baka harutin siya. Pag hinarot siya, mahuhulog siya bigla. Pag nahulog siya bigla, magiging cold na siya sa akin. Pag naging cold na siya, syempre lalayuan na niya ako. Pag nilayuan niya na ako, paano naman ako?

Huwag na kaya siyang magturo?

I brushed out my thoughts, overthink pa, Rai.

“Parang tanga, ngingiti tapos sisimangot.” Reklamo nung isa.

“Kausap ka?” Sabi ko at inirapan lang niya ako, nako talaga.

“Nyenye, panget mo.” I raised my middle finger sa kaniya pero patago sa Prof namin. Gumanti rin siya.

I opened my phone to check if she's online, online nga!

“Miss Frontera pala ah.” Biglang singit nung isa.

“Hindi, ka last name lang niya ‘to.” Palusot ko at tinaasan lang niya ako ng isang kilay.

“Talaga ba? cookie monster?” Agad nanlaki ang mata ko, nginisihan lang niya naman ako.

“Don’t worry, I’m just teasing you. Just guard your heart whatever transpires.” Biglang sumeryoso tono boses niya, I nodded.

★★★

We’re heading down para pumunta sa cafeteria.

“Akala mo ba hindi ko alam kung bakit hindi kana sumasabay sa amin every lunch.” I heard Cassidy, tinignan ko naman siya.

“Naka drugs ka ba?” Tanong ko, pero blanko lang niya akong tinignan. Okay, mukhang seryoso nga.

“Tell me, do you like Miss Frontera?” tanong niya sa akin.

“Bakit mo naman natanong ‘yan?”

“I’m not blind, Rainiel. The way you stare at her sa cafeteria palang nung first day niya at the way she treated you, akala mo ba hindi ko napapansin lahat ng ’yon?” mahabang litanya niya at napahinto naman ako.

“Ano pa nalalaman mo?” Tanong ko sa kaniya sa mababang tono. She sighed deeply

“Narinig ko kayo sa garden nung U-Day, I didn't mean na makinig sa inyo.” She answered me, I guess, wala naman dapat itago.

“Do you like her?” Tanong niya na kinatigil ko. Confession ba matatawag ang ginawa ko nung kagabi? Hirap nito ah.

“Hindi kita pine-pressure na sumagot, just guard your heart, hmm?” I nodded, what's with ‘guard your heart'? Kanina pa siya sabi nang sabi niyan.

“Puntahan mo na si Ma’am, alam ko naman doon ka mag la-lunch.” She teased me.

“Basta lunch lang ah? Baka ibang lunch gawin niyo.” ugh! Bakit iba yata ang meaning. Tumakbo na ‘ko papunta sa office niya at nang makarating ako sa tapat ng pinto, tinignan ko ang sarili ko kung maayos ba. I knocked and open the door.

Napatingin naman siya sa gawi ko kaya nginitian ko siya, napadako ang tingin ko sa lamesa niya, may mga pagkain?

“You’re on time, I thought hindi kana dadating.” She said, hinihintay niya ako?

“H-hinihintay niyo po ako?” Tanong ko sa kaniya.

“What do you think?” Wow, tanong ko tapos  magtatanong din siya? Lumapit nalang ako sa lamesa at nilapag naman ang dala ko.

Niluto ba niya ‘to lahat?

“Tatayo ka nalang ba?” Mataray na tanong niya kaya umupo na ako, mahirap na baka atakihin nanaman siya ng kasungitan. Pinapanood ko lang siya habang kumukuha ng pagkain.

Kahusay.” I muttered while looking at her, napatingin naman siya sa gawi ko.

“Minumura mo ba ‘ko?” nanlaki naman ang mata ko dahil sa tanong niya.

“H-hindi po ah, sabi ko po kahusay niyo.” I said, she raised one of her eyebrows.

“And what is the meaning of that?”

“Eatwell po sabi ko.” I said and smiled at her, pero bakas sa mukha niya na hindi siya naniniwala. We eat in comfortable silence. Sinusulyupan ko siya paminsan-minsan.

“Miss,” tawag ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin.

Kayano man nga kahusay nim? ” I asked, she look at me full of confusion, I saw how she creased her forehead. Pinigilan ko huwag matawa dahil halatang pinipilit niyang intindihin.

“Énervante.” She muttered, ano raw?

“Miss, ilan taon na po kayo? Hindi niyo naman sinagot noon.” Tanong ko uli.

“31,” sagot niya, weh? 31? Hindi halata!

“Close your mouth, you might catch a fly.” Sabi niya na nakapagpabalik sa ulirat ko. Pero seryoso? 31?

“Hindi po halata, Miss. Akala ko 25 ka lang.” I said, I heard her feminine laugh, kaya agad ako napatingin sa kaniya. Pero bigla siyang sumeryoso at umayos.

“Miss, kung yayayain kita makipag date, papayag ka ba? Yie payag na ‘yan.” Pangungulit ko, nakita kong natigilan siya sa sinabi ko, ay! Nimeroi ka, Rai!

“M-Mis—” pinutol niya bigla ang sasabihin ko.

“Okay,” sabi lang niya, huh? Anong okay? Wait! Tinignan ko siya na para bang hindi makapaniwala.

“Y-you mean pumapayag ka po?” nauutal kong tanong.

“I don't want to repeat myself.” She said, agad lumawak ang ngiti ko.

“Yie, gusto mo na ’ko niyan, Miss?” I teased her.

“Ugh, stop doing that!” She exclaimed.

Nang matapos na kami kumain, ako na ang nag ligpit.

“Rainiel,” tawag niya sa akin at agad ako napalingon sa kaniya. Para bang may gusto siyang sabihin kaso pinipigilan lang niya sarili niya, she bit her lower lip.

“N-Nothing, you may go.” Sabi lang niya, though I’m disappointed binigyan ko siya ng isang ngiti bago lumabas.

Ano pumipigil sa‘yo? Miss Frontera?

Deceive MeWhere stories live. Discover now