Chapter 44

1.9K 49 2
                                    

"Woy, sure ka ba na gagawin natin 'to ngayon? Paano kung nakalimutan natin 'yong parac---AHHHHH MAMAAAA!!!" sigaw ko nang bigla niya akong hatakin at parehas kaming tumalon, natuloy ang sky diving namin, para akong baby na nakakapit sa kaniya, as in dikit na dikit.

"Fun, right?" masigla niyang tanong, sobrang lakas ng hangin, she extend her arms na parang ibon while me nakayakap sa kaniya.

Halatang sanay na sanay siya sa mga ganito, sa kaniya lang ako nakatingin imblis sa baba, nakangiti siya, napakaganda talaga.

Feeling ko nawala 'yong takot ko.

This is my first time and prolly my last after this, kidding. May camera rin kami para mapanood namin 'to mamaya. Wala 'to sa bucket list ko, never in my life talaga na gagawin ko 'to.

Pumikit nalang ako at dinadama ang hangin sa mukha ko, I even extend my arms too.

"Woohooo!" nakahawak naman siya sa kamay ko para alalayan ako, mahirap na unang beses ko 'to tapos biglang last na, no? Huwag naman.

When I opened my eyes, I caught her na nakatingin sa akin with full fascination. Bigla siyang lumapit at hinalikan ako sa labi medyo nabigla ako, but I returned the kissed also.

Sky diving ft. Kissing, I never thought that I would experience this.

Humiwalay na siya at para kaming ibon na pabagsak.

"Ready? Bubuksan ko na parachute natin, malapit na tayo." Tumango naman ako at yumakap sa kaniya uli. Pagkabukas niya, medyo bumagal ang pagbaba namin compared kanina. Paunti-unti na kaming bumabagsak hanggang sa makalanding na kami, halos magpagulong-gulong kami.

When we stopped, I'm on top of her.

"Sinisiguro ko lang na hindi ka masasaktan once makaland tayo." Hinihingal na bigkas niya, napangiti naman ako. Nauna akong tumayo at inalalayan din siya after. Nagpagpag kami ng suot. Nasa open field pala kami.

"How's the feeling?" she asked me.

"Masaya, thank you, ha? Hindi ko na ine-expect na gagawin ko 'to." I gave her a smile.

"We can do it always. Are you hungry? I prepared something." Tumango naman ako.

"What time na pala?" tanong ko sa kaniya. Tinignan naman niya ang relo niya.

"4 p.m, mag di-dinner pa tayo mamaya." Nagpatuloy naman kaming naglakad habang hawak-hawak ko ang kamay niya.

Nahinto kami sa isang puno pero may nakalatag sa ibaba.

"Inutusan ko sila to prepared this, do you like it?" Parang nahihiya pa siyang sabihin.

"Sorry, If ganiyan lang, actually, I never done this before. Sa'yo pa lang."

"Wow, it's beautiful." Banggit ko na punong-puno ng pagkamangha. Sabay kaming umupo sa lapag. Sa basket merong bread, ham, cheese, paper plates, water etc. Basta marami.

Kumukuha na ako ng kakainin ko samantala siya, as usual, vegetable salad.

"Ang dami-dami rito pero bakit gulay talaga pinili mo?" takang tanong ko sa kaniya sabay lamon hehehe.

Siya parang reyna kumain, samantala ako parang bibitayin na kinabukasan.

"I preferred this than meat, bread actually okay to me." I nodded habang punong-puno 'yong bibig ko.

"You look like a squirrel." Hindi ko na initindi ang sinabi niya basta alam ko lang ay gutom na 'ko.

Pero atleast hindi na niya ako iniinsulto kumpara noon, may character development ate niyo. May gatas din pala rito, at masarap.

"What kind of milk is this? Flavorful, e." I asked her habang iniinom.

"My milk." Sambit niya, ibubuga ko sana pero sinamaan niya ako ng tingin kaya nilunok ko nalang.

"My Gosh, Alas. Your words. We're eating, okay?" tumawa naman siya ng mahina, napabusangot ako. Kasi naman kahalayan ang lumalabas.

"Really?" bigla siyang tumingin sa akin at lumapit dahan-dahan, I gulped hard sa paraan ng pagtingin niya. Paunti-unti akong napapahiga, kasi naman, sobrang lapit na niya to the point na tumata na ang hininga niya sa mukha ko, she smirked "then, I'll eat you after." feeling ko namumula na mukha ko, I looked at her ind is disbelief, kumuha ako ng tinapay at sinubo sa kaniya, napalayo siya bigla at sinamaan ako ng tingin.

"Eat that, not me, grrr. Mukha ba akong pagkain?" asar na sambit ko. Wewz, kunwari ayaw.

"You look edible." Aswang ba 'to sa past life niya? I never imagined na maririnig ko sa kaniya mga ganiyan na wordings. Sobrang ang layo niya nung unang beses ko siyang nakilala, napaka.

"Hey, let's celebrate the New Year together, I want to watch the fireworks and countdown with you." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"Really?"

"Yes, my dear." Tumango naman ako, dapat ako ang magyayaya pero naunahan na ako. Tinapos namin ang kinain namin at dumiretso kami sa isang rest house para magpahinga, kanina pa lang marami na kaming ginawa, billards, horseback riding, archery etc.

Lahat sa mga bagay na gano'n nag e-excel siya, huhu sana ol.

Nakaupo lang kami sa couch, bawal pa humiga kakakain pa lang.

"Let's play some online games, you want?" pag aaya niya.

"Naglalaro ka no'n?" Hindi ko makapaniwalang tanong, tumaas naman ang kilay niya.

"Of course, let's play 1v1, no mercy. Truth or dare lang." Panghahamon niya, ay aba. Hindi ko alam kung girlfriend ko ba 'to or tropa.

"G ba, basta durugan tayo ah? Walang girlfriend girlfriend dito." I smirked back.

"Sure, let's start."

"Ang daya! Sabi ko durugan pero bakit mo naman tinotoo?" Pagmamaktol, hindi ako nainform na top global pala mga heroes niya huhu, hindi ako nakaiscore.

10-0, 10 sa kaniya, 0 para sa akin.

"Ikaw nagsabi na walang girlfriend dito, not my fault, tho." Mas lalo akong sumimangot.

"Fine! I'll choose dare, ayusin mo, ah?" Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ko naman ang sagot niya.

"My dare is....be my lifetime, be my mom of our future kids, until our last breath. But before that I want you to trust me, can you?" Napatigil ako dahil sa sinabi niya, she held my hand and caressing it.

"No need to say that." I said na nakapagpangiti sa kaniya, she hug me after.

★★★

"Merry Christmas, mon amour." She greeted me.

"Merry Christmas too." Nandito kami sa rooftop na parang restaurant, kami lang dalawa. Tanaw na tanaw ko ang mga building dito. Umupo siya sa tapat ko.

"Nagustuhan mo?"

"Wala ka namang pangit na ginawa, lahat maganda including you." I teased her, kumain muna kami. Pagkatapos namin kumain may inabot siya sa akin, isang pulang box na maliit.

"Ano 'yan?"

"Kahon," Pabirong sagot niya, baliw.

"Ugh, of course try to open it." Inabot ko naman at binuksan.

Isang necklace ang nakita ko na may letter "A" maganda at mukhang mamahalin.

"Why A?" I asked her.

"So no one can have you even if the time separate us. Please, take care of that, I'll tell you someday." She genuinely said.

"Thank you, cookie! Sayang wala akong regalo, I'm not prepared." Malungkot na sambit ko, napangiti naman siya.

"You're my greatest gift; You're priceless." Gusto ko maiyak dahil sa sinabi niya, tumayo ako at pumunta sa pwesto niya para yakapin.

Hindi ako relihiyoso, but please, kahit siya nalang, huwag niyo na palayuin sa akin. Kahit ilang beses ko pa siyang hilingin, gagawin ko.

Nakita ko naman na umilaw ang phone niya at bumukas, may nakita akong message.

"I'm here now, Alas,"

Last chapter after this, revelation is coming.

Deceive MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora