Chapter 33

2K 60 1
                                    

"Hi, Rain, Natalie and Onse, how are you peepz?" masiglang bati sa amin ni Cassidy, nakatayo kami malapit sa palayan, pangalawang araw na namin dito.

"OMG! na-miss kita Onse huhu." Sabay yakap niya kay Onse, natawa nalang siya.

"Hindi kita miss." Hinampas naman siya ni Cassidy sa balikat kaya napangiwi nalang si Onse.

"Gusto niyo ba mag libot dine?" I asked them, and they nodded their head, nagsimula na kaming maglakad, wala pa namang gagawin, e.

"Gusto niyo bumaba? May mga bahay akong nakita ro'n." I heard Onse at sinubukan naman naming puntahan. Oo nga, may mga kubo rito. May lumapit naman sa amin na babae, maganda siya and I think ka edad lang namin

"Hi, bago kayo rito?" tanong niya sa amin at tumango naman kami, binigyan niya kami ng isang ngiti.

"Kayo siguro 'yong mga dumating nakaraan, nakita ko kasi."

"Ahh, oo, kami 'yon. Ano pala pangalan mo?" tanong ni Cassidy sa kaniya.

"I'm Agatha, kayo?"

"This is Rainiel, Natalie, and Onse. I'm Cassidy." Pagpapakilala ni Cassidy, tumango naman si Agatha.

"Nice! Since nandito na rin kayo, gusto niyo bang mag ikot-ikot sa lugar namin?" Nagtinginan muna kaming tatlo bago pumayag. Sa paglalakad-lakad namin, napansin ko na maliit lang ang lugar nila.

Nahinto kami sa isang kubo.

"Saglit lang, may tatawagin lang ako." Sabi niya, at pumasok sa loob. Ilang minuto lumabas din siya at may kasama pang dalawa.

"Ito nga pala mga kapatid ko, Agnes at Aurora." Magaganda rin mga kapatid niya, silang tatlo mga morena. Nakita ko naman na natulala na ang katabi ko.

"Galing, ano kayo triple A battery?" pagbibiro ni Cassidy at tumawa naman ang tatlo.

Nilbot naman namin ang lugar nila, at kinuwento kung saan sila nagsimula, at nalaman ko na silang tatlo nalang pala ang magkakasama, wala na mga magulang nila matagal na.

Itong katabi ko tuwang-tuwa, ako tamang tango lang at ngiti. Si Natalie naman tamang tingin lang sa mga ibon at si Onse? Malay ko sa kaniya. Kidding.

"Ilang taon na pala kayo?" tanong ni Agnes sa amin.

"22 kami pare-pareho." Sagot ni Cassidy.

"Si Agnes at Aurora parehas 19, ako naman 24." Sabi ni Agatha, we nodded. Matanda pala siya sa amin.

"Lagi ba may pumupunta rito?" hindi ko maiwasan magsalita.

"Bibihira, kayo lang mga dayo ang nakausap namin." Sagot ni Aurora. Medyo mapuno na sa napuntahan namin. Napapansin ko naman na patingin-tingin si Agatha sa akin pero hindi ko nalang pinansin.

Tinignan ko ang phone ko para i check ang oras. 3 pm na.

"Pasensiya na, pero kailangan na namin bumalik, sa susunod nalang uli." Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Pag may oras kayo, baba lang kayo rito." Narinig ko si Agatha, nginitian ko lang sila.

★★★

"Where have you been?" bungad sa akin ni Miss Frontera, nasa labas siya ng tent and-may hawak-hawak siyang binoculars, saan naman nanggaling 'yon?

"Sa tabi-tabi lang po." Sagot ko, at naglakad sa kaniya papalapit.

"Yeah, with three girls." I heard she muttered something, hindi ko naman naintindihan.

"Prof, bakit may binoculars kayo?" tanong ko sa kaniya, ewan ko pero bakit parang medyo nag panic siya nung tinanong ko 'yon?

"Star gazing." Sagot niya, star gazing? Sa umaga?

"Wewz, baka naman po pinapanood niyo 'ko, ah?" I gave her my teasing smile, pero malamig lang niya akong tinitigan.

"Assuming." Malamig na sagot niya, sabay inirapan ako. Naglakad siya papasok sa tent, kaya sinundan ko rin siya sa loob.

Naupo naman siya sa higaan niya, at may kinuhang magazine. Umupo rin ako sa higaan ko na katapat niya, tinitigan ko lang siya habang nagbabasa.

"Could you please stop staring." Inis na sambit niya.

"How? Kung ang ganda niyo po." I said, and chuckled.

"No need to state the obvious." Mas lalo akong natawa, wala man lang tanggi-tanggi.

"Miss, alam mo ba may nakilala kami rito." Sabi ko, wala lang gusto ko lang may ma-topic kami, hindi niya pa rin ako binibigyan ng tingin at nagbabasa lang.

"Mga baba-"

"Stop talking to anyone, who knows, they might have bad intentions for you." Napanguso nalang ako dahil hindi niya pinatapos ang sasabihin ko, ay ano raw? Masama ang balak? Advance naman niya masyado.

"Hindi naman po siguro, mababait sila at magagan-"

"What?" bigla siya napatingin sa akin, bakit kung makatingin siya parang kakainin ako ng buhay?

"Sabi ko po mababait at magagan-"

"Oh really? Gusto mo maiwan ka nalang dito?" pinutol nanaman niya ang sasabihin ko. Ano meron? Bakit parang ang sungit niya ngayon?

Ngayon lang ba?

"Ayoko nga po, bakit niyo naman nasabi?" reklamo ko, I can't stop from pouting, kasi siya, e!

"You said.....because...Ugh! I don't know at nakakairita ka." Sabay inirapan niya ako, 'yong totoo ano trip nito? Halos sumakit na ang ulo ko sa kaniya.

"Miss, ayos lang po kayo?" tanong ko sa kaniya.

"Yes." Tipid na sagot niya habang nakatuon ang tingin sa binabasa niya.

"Okay po." Sagot ko, napatingin nanaman siya sa akin.

"Do you think I am okay? Could you please stop talking? You're annoying." Please, Rai. Kapit lang, kaya mo pang umintindi. Napa pikit nalang ako para pakalmahin ang sarili. I opened my eyes and smiled at her.

"Why did you stop from talking?" Inis na tanong niya, That's it. I'm done.

"Miss, alam niyo, hindi ko na kayo maintindihan."

"Then, add subtitles." Mataray na sagot niya. Tumayo siya at iniwan ako sa loob. Argh! Nakakaasar na! Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa dahil sa sobrang pagka inis. Miss Alas, grrrr!

Bakit ang hirap mo intindihin huhu, my brain is not braining anymore.

Tumayo rin ako para sundan siya sa labas, kaso hindi ko naman siya mahanap dito tumingin-tingin ako sa paligid, and nakita ko siyang nakaupo sa hindi kataasan na puno, paano siya nakaakyat diyan? May lahi ba siya ni Tarzan? Kidding.

Patalon siyang bumaba, ang smooth ng pagka landing niya, hindi ko maiwasan mamangha.

Masyado mo naman akong pinapaibig, Miss. Ehe.

"Ang galing niyo po, Miss. Paano kayo nakapunta ron?" tanong ko sa kaniya.

"Teleport." Halatang nainis siya sa napaka obvious kong tanong, hehe kahit ako rin. Nginitian ko lang siya.

"Turuan niyo 'kooooo." Tumingin naman siya sa akin.

"No, you might fall." Sagot niya, tumingin ako sa kaniya.

"Too late, Miss." I said, and look at her intently, ginantihan niya rin ako ng tingin, nakatingala ako since matangkad siya sa akin. She lean pero hindi masyadong malapit sa mukha ko. Masyadong nakakapaso.

"What if I can't catch you?" She asked me straight through my eyes. I smiled.

"Then, paulit-ulit po akong mahuhulog hanggang sa saluhin niyo na 'ko. Miss." Sabi ko na kinatigil niya. Tumalikod siya at naglakad palayo, pinagmasadan ko lang siyang umalis.

It's All or Nothing, Rainiel.

Deceive MeWhere stories live. Discover now