Chapter 15

2.2K 62 1
                                    

I'm on my way papunta sa KTV na sinasabi ni Cassidy sa amin, nagyayaya kasi siya. Halos maligaw na 'ko dahil hindi ko talaga alam ang lugar na 'yon.

Nang makarating na 'ko nag hanap muna ako ng mapaparkingan at bumaba para pumasok sa loob. I thought haharangan nanaman ako kung sino man nag babantay, buti nalang hindi. Nang makita ko silang dalawa agad ko silang nilapitan.

"Jeez, kanina pa kita tinatawagan, nandito kana pala." Napahawak pa siya sa sintido niya, I chuckled.

"Good Evening, Natalie and her book." I teased her sinarado naman niya ang libro niya at tumingin sa akin then she playfully rolled her eyes and gave me her smile.

"Saan si Onse? tanong ko habang naglalakad kami sa loob.

"May practice sila sa basketball, malapit na ang tournament ng bawat university." Cassidy said, tumango naman ako.

"Pst, hindi ba si Miss Frontera 'yon?" turo ni Cassidy sa amin na nakatayo sa tapat ng isang kwarto at may kasamang dalawang teacher na kasama niya no'n sa cafeteria.

"Lapitan natin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sige, malay mo makalibre tayo." Mukha talagang libre kahit kailan, napailing nalang ako at lumakad kami papunta sa kanila.

"Miss?" tawag ni Cassidy sa kanila, napalingon naman silang tatlo, bakas ang gulat sa mukha ni Miss Frontera nung makita ako pero nawala rin, well ako rin–kunwari.

"Oh, hi kids, why are you here?" tanong nung isang prof, maganda rin siya at nginitian lang kami.

"Ah, tatambay lang po sana kaso nakita namin kayo." Parang nahihiya pa ni Cassidy na sabi at napakamot sa batok.

"Good timing! Since nandito na rin kayo, why don't you join us?" lumaki naman ang ngiti nung isa, dedma lang si Miss Frontera. Tahimik lang kami ni Natalie at halos si Cassidy lang ang kumakausap sa kanila.

Pumasok na kami sa loob, hindi naman kaliitan at medyo madilim pero at least nakikita ko pa rin ang kagandahan ni Ma'am hehe kidding.

"Magpapahatid lang kami ng beer, enjoy, pwede na kayong kumanta." Sabi nung kasama nila, ngumiti lang ako.

"Are you okay? Comfortable ka ba?" bulong ko kay Natalie, she seem so tense. Tumingin naman siya sa akin at tumango. May narinig akong tumikhim at nakita ko si Miss Frontera habang tumitingin sa song book, hindi ko na pinansin.

Bumalik na sila at may dala-dalang case.

"Miss, ngayon lang po namin kayo nakita sa school, bago lang po ba kayo?" tanong ni Cassidy sa kanila habang umiinom.

"Yes, bago lang kami." Sabi nung isa. Kung i de-describe ko silang dalawa, huwag na si ma'am.

'Yong isa maputi na medyo kulot at may kahabaan din ang buhok, 'yong isa naman straight na medyo maiksi at maputi rin.

"We assume na hindi niyo pa kami kilala, I'm Lydia Contreras." So, she's Miss Lydia 'yong medyo kulot ang buhok.

"Hi, I'm Stella Benevidez." Actually silang dalawa may malambing na boses, si ma'am lang talaga 'yong kala mo may aawayin, joke.

"Cassidy Dela Cruz and the two are Natalie and Rainiel." Nakikinig lang talaga ako sa kanila habang umiinom, gano'n din si Nat. Si ma'am tahimik lang din.

"I know you." Tukoy ni Miss Benevidez kay Natalie, napatingin naman si Natalie sa kaniya."

"So you are Natalie." dagdag niya pa, it's just me na biglang kumislap ang mata ni ma'am nung nakita niya si Nat?

They start singing and napuno ng kwentuhan ang silid, nakikitawa nalang ako sa kanila. Tahimik lang si prof Frontera kanina pa while the two professors are enjoying chitchatting with Cassidy, Natalie, as usual with her book.

Deceive MeWhere stories live. Discover now